EPILOGUE

109K 2.7K 938
                                    

Nagmadali akong tumakbo papunta ng garahe para kunin ang motor ni Kuya dahil nakatanggap ako ng text mula sa Mama ni Trystan.

Isang text na nakapagtigil ng pintig ng puso ko...

Anak, si Trystan nasa Hospital ngayon. He got into a car accident.

"Oy, oy! Doko ni iku no?!"
(San ka pupunta?!)

Di ko pinansin si Kuya pero humarang siya nang mapaandar ko ang makina.

"Sasama ako. Di ka pwedeng mag-drive nang walang kasama dahil kakatuto mo pa lang."

"May pupuntahan nga ako!"

"Naite iru no?"
(Umiiyak ka ba?)

"Si Trystan nga kasi, nasa hospital!"
"Anong nangyari?"
"Mamaya na tayo mag-usap!"

Umangkas si Kuya at pinagbuksan ako ng gate nung guard namin. Naiiyak ako, lumalabo yung mga mata ko dahil nababalutan na ng luha. Pinipilit kong mag concentrate sa pag drive at pinabilisan ang takbo.

"Hoy, dahan-dahan baka mamaya mapano pa tayo!"
"Di ka nalang kasi sana sumama!"
"Relax ka lang, okay?"

Traffic pa! Naiinis na ako!

"Wag ka nga munang umiyak. Baka madisgrasya rin tayo eh."

I kept my eyes on the road hanggang sa makarating kami sa sinasabing ospital ni Tita. Nang makababa kami ng motor ay agad naman akong tumakbo at sumunod ang kuya ko.

"Nurse, Trystan Brizuela po, anong room?"
"Suite Room 101, Miss."
"Thank you."

Dahil sa 1st floor lang, hinanap ko yung sinasabing room at nakita ang tag name niya sa pinto. Kumatok ako.

Kinakabahan akong buksan ang pintuan dahil ayokong makita kung ano man ang kalagayan niya ngayon.

Hinawakan ko ang door knob at inikot ito. Kami-sama...

"HAPPY 1ST ANNIVERSARY, MAHAL KO!"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko at speechless. Nakanganga lang akong nakatingin sa bahagi ng pader na puno ng colored sticky notes at naka porma ito sa letters ng "I LOVE YOU" tapos may mga heart-shaped balloons pa, confetti at may mga pictures namin ni Trystan na nakasabit sa strings.

...

Napatakip ako ng bibig at hindi ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa dahil sa prank nila.

"Congrats sa inyo!"
Nakita ko sila Jessa, Joyce, Jammie, Chaldea, Kenji, at Eazer.

Bakit--?

Lumapit sakin si Trystan na may dala-dalang heart-shaped balloon at malaking bouquet at hinalikan ako sa noo at sa labi.

"Yiiieee!"
"Happy Anniversary!"
Napalingon ako kay Kuya, may dala-dalang heart-shaped cake at may naka-lettering na 'HAPPY 1ST ANNIVERSARY, AKIN <3'

Bigla akong napasandal sa pader, hawak-hawak ang dibdib at natatawa nalang.

"Akala ko---"
"SURPRISEEEE!"

WAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!!!

Yung puso ko, malalaglag na ata sana eh! Akala ko totoo, si Tita kasi eh! Lahat ba sila dito kasali? Huhuhu!

"Pati ba si Tita, kasali dito?"
"Hahahahaha yep! Nasa bahay siya."

"Sana talaga ako rin. Grabe."
Natawa kami kay Joyce.
"Andito lang po ako para kumain ng cake." Mas lalo kaming natawa kay Eazer.

Naiiyak akong niyakap si Trystan kasi bukod sa pinakaba niya 'ko nang sobra, natuwa pa ako sa effort niya. I should be angry kasi nagbiro sila ng ganun pero I can't help it, I feel so damn happy!

Pag Ako Pumayat, &quot;HU U?&quot; Ka Sakin! (REVISED)Where stories live. Discover now