Chapter Twelve

106K 3K 141
                                    

Musika's POV

"Hoy, chi!" Medyo nagulat ako sa sigaw niya sa bandang likuran ko. Hinawakan niya 'ko sa balikat.

"Hoy, ba't di mo ko binalikan dun, ha? Nakakainis 'to, ang awkward tuloy!"
Wow naman! Ang manhid ha. Grabe lang! 

"Sus... baka nadistorbo ko pa kayo dun noh. Eh di ako pa lumabas na kontrabida."
Napatingin ako sa kanya kasi tumawa siya nang sobrang lakas. Pinagtitinginan na nga siya dito.

"G*ga ka talaga kahit kelan, chi! Anong tingin mo sakin? Traitor at mang-aagaw? Hell no. Diba sabi ko sayo, di ko siya type! Tsaka look at your face ngayon. Nagpa-pout ka pa, para ka talagang bata! Hahahahaha!"

Talaga lang ha? Sure? 

"Eh ba't mo naman binigay number mo sa kanya, aber?"

"Haaayyy. You see, I have a plan kaya. Ite-test ko lang naman siya eh. Basta, chi... akong bahala. Trust me."

Baliw talaga 'tong babaeng 'to kahit kelan! Anong plan at test?!

"So, gagawin mo pa siyang studyante mo? May pa-test test ka pang nalalaman dyan."

Natawa siya at kinaladkad ako paalis ng park.

"Tinutulungan na nga kita eh. Hoy! You should pay me for that."
"Saka na pag naging successful 'yang sinasabi mong--"
I raised both of my hands at nag-gesture ng peace sign stating na 'kuno'.
"---plan na 'yan"

Di ko naman siya natanggihan kaya nilibre ko nalang muna siya ng kwek-kwek. Matapos nun ay sinundo na siya ng driver niya.

"O sige chi, may sundo ka rin namang sayo eh. Mauna na 'ko. Bye! Ingat ka!"

At ayun. Naglaho na.

"Ang tagal naman ni Manooooong!"
Para 'kong baliw na naghihintay sa may gate ng park. Napaupo nalang ako sa bato at nilabas ang phone ko. Pinagmasdan ko nalang muna ang buong paligid. May nakita akong isang super familiar na mukha.

"Si Kuya yun ah."

Aba! May kasama siyang chic! Yun ba girlfriend niya? Ew! Di ko type ah! Nakakairita sa mata eh. Nag-shorts pa siya sa lagay niyang 'yan? Buti pang nag-panty nalang siya! I-uuwi ko nga 'tong Kuya ko.

Alam niyo kasi.... Gusto ko siya sa bestfriend ko. Wahahaha!

Oo! Age doesn't matter naman eh. At saka konti lang naman ang gap nila! 4 years. Hahaha! Bagay kasi sila. Ang cute nilang maging couple. 

Duhhh? Yung parents ko nga eh 6 years ang gap nila. Meaning nung ipinanganak ang Mama namin, 6 years old na si Papa. Hahahaha ang awkward.

Naglakad ako papunta kina Kuya. Todo kapit pa yung babae na parang linta sa braso niya. Ang gwapo pa naman ng Ani (older brother) ko. Tapos sa ganyang babae lang sasama?

"Onii-chan!" (Kuya!)

Sigaw ko mula sa likod. Lumingon naman agad siya at pati na rin yung kasama niya.

"Omae wa koko de nani o shite iru no? Anata wa kono jikan ni ienikaeru hitsuyo ga arimasu!" (Anong ginagawa mo dito? Dapat nakauwi ka na sa oras na 'to!)

I sighed at lumapit sa kanila. Tiningnan ko ang girl.

"Kanojo wa... dare?" (Sino tong babaeng 'to?) 
At inirapan pa ko ng mata ha. Napaka maldito talaga!
"Nani mo arimasen. Boku no tada no tomodachi." (Wala. Friend ko lang 'to)
"Teka, teka lang ha. Di ko kayo maintindihan eh. Pwede bang you speak tagalog nalang para maintindihan ko rin kayo? Hello?"

Nginitian ko siya nang soooobrang lapad.

"Totemo meiwaku desu." (Nakakairita siya ha)

Natawa si Kuya.

"Kinishinaide kudasai." (Wag mo na siyang pansinin)
"Teka, teka. Pinag-uusapan niyo ba ako?"
"Urusai yo, baka. We're not." (Manahimik ka, b*b*)

Nginitian ko ulit siya. Kinuha ko ang braso ni Kuya at pinalapit sa kanya.

"Hon, don't tell me she's your girlfriend?"

Natawa kami ni Kuya sa sinabi nya.

"HAHAHAHAHAHA! And you? Kaano-ano ka ng nii-chan ko?"

She rolled her eyes then giggled.

"His girlfriend. Isn't it obvious?" Kumapit din siya sa braso ng kuya ko at sinandal ang ulo niya sa balikat. "Hon, I'm hungry na. Let's eat somewhere."
"Umuwi na kaya tayo." Hinila ko si Kuya palayo kay ate girl. 
"Sino ka ba, ha?!" 

An angry face formed on her dirty face na parang pader na puno ng graffiti sa sobrang kapal ng make-up.

"Pake mo ba kung sino ako? Umuwi ka nalang kaya."

May pasuklay-suklay pa siya sa buhok niya then wrapped her arms.

"Hon, paki-explain mo nga ang lahat ng 'to! At isa pa, nagugutom na ako! I'm tired!"

Hinatak ko na si Kuya 'cause she's really irritating me. 

"Hey! What are you doing?! At ba't wala kang ginagawa hon, ha?!" Kinuha niya ang kamay ng kuya ko at hinila rin dahilan para mag hilahan kami. 

"DAME DAYO! HANASHITE!" (Tigilan niyo nga 'yan! Bitawan niyo 'ko!) 

Kuya forcefully got rid of our hands at naglakad paalis. Sumunod naman ako sa kanya at nilingon yung babae sabay binelatan. 

"Ikimashou!" (Tara na nga!)
"Ba't mo ginawa 'yon?!" Galit na tanong ng kuya ko.
"Yun ba yung tipo ng babae na gusto mo, kuya?!"
"Pake mo ba? I'm a guy. Will you please mind your own business?"
"Well, you are my business 'cause you're a monkey. Parang bayaran naman yun eh. Di kayo bagay! Ang pangit tingnan pag ganong babae. Ang bagay sayo, yung simple at cutie. Tulad ni Melody!"

Nandito na kami sa labas ng park at hinihintay parin ang sundo.

"Okay ka lang? Wag mo nga 'kong pakialaman, Mika. Tsk!"
"Gusto mo, isumbong kita kay Mama?!"
"Eh di magsumbong ka! Wag mo nga 'kong idamay sa pagiging childish mo."
"Alam ko na, kay papa nalang. Sige ka, alam ko pa namang may arranged marriage ka. Mwahahaha!" 
"Alam mo, di ka bagay maging isip-bata sa laki mong 'yan."
Hinampas ko nga at pinagkukurot sa tagiliran. 

Oo, normal na sa circle namin ang may arranged marriage. Buti nalang ako, wala! Baby pa kasi ako. Hehehehe!

"Hoy, hoy sumusobra ka na Mika, ha! Sumbong kita kila Mama eh!"

"Eh di magsumbong ka! Bading ka pala eh. Palaban! Aka-chan!" (Baby)

Buti nalang dumating na ang sundo at napatigil na kami ni Kuya sa pag-aasaran. Lumingon ako dun sa kinatatayuan ng babae kanina at wala na siya dun. Kinain na ata ng lupa. Hahahahaha! 

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Where stories live. Discover now