Chapter Eleven

109K 3.1K 439
                                    

Russel's POV

"O, pre! Diba si Melody 'yan?" Napalingon ako mula sa likod. Jackpot! Tae. Siya nga.
"Pormahan mo na tol!" Tinulak-tulak pa 'ko ng mga unggoy.
"Oo na! Relax lang kayo." Natawa ako at lumapit kina Melody.

"Hi."

Kanina pa nga talaga sila nakatingin sakin habang papalapit ako. Ang gwapo ko eh hehe!

"Hi...?"

Ganyan talaga pag nakakakita ng gwapo sa malapitan. Natutulala! Hahahaha!

"Pwedeng maki-join sa inyo?" Di ko maialis ang tingin ko sa kanya. Tang*na, ang ganda talaga. Ang kinis, puti, at chic na chic ang dating! Tae, ulam na ulam. Tsk!

"Umm, baka ano pang sabihin ng mga kaibigan mo. No thanks nalang."
"Hayaan mo sila. Maiintindihan naman ako ng mga yun."
Napatingin ako sa kasama niya. Yung mataba. Palagi ba silang magkasama neto? Naman! Gusto ko siyang ma-solo eh. Epal naman neto.

Ano kaya kung i-libre ko 'to ng kwek-kwek? Di naman siguro 'to aayaw? Pero mukhang high class eh. Mamahaling feeds siguro kailangan kong bilhin. De joke, hehehe! Tsaka mukhang makukulangan ako ng pera pang-bayad, baka maraming makain 'tong kasama niya. Hahahahaha!

"So... kailan ka free, Melody?" Tanong ko kaagad. Di ko na patatagalin 'to, g*go!
"Uhhh.. Anong ibig mong sabihin?" Pusa. Wala siyang idea sa tanong ko? Nagpapakipot pa ata. 

Luuuhhh! 

TAE NAMAN!

"Alam mo na, para naman makapag-usap pa tayo tsaka makilala natin ang isa't-isa, diba?" Kinindatan ko siya. Nabigla ako nang tumawa siya nang malakas
"What do you mean by that, Russel? Hahaha!"
Seryoso? Di niya ko ma-gets? Aba. Ang slow naman nitong babaeng to.
"Di mo parin ako nage-gets?"

Natawa nalang ako. Ay, di bale nalang. Di ko na muna sasabihin. Baka mabigla eh. Ayawan pa 'ko.

"Ah, nevermind nalang. Pwede ko bang makuha number mo?"


***


Musika's POV

Di ko na kaya 'tong sitwasyon na 'to. Di ko na kayang pakinggan pa ang pag-uusap nila. Nasasaktan ako nang sobra. Sa harap ko pa talaga?

Wala akong karapatang magselos diba? Di naman naiiwasan yun. Ba't ba nagseselos ako sa bestfriend ko? Alam ko namang di niya papatulan ang crush ko pero ba't naiinggit ako?

Ah, nevermind nalang. Pwede makuha number mo?

Nanda?! (What the hell?!)

Please say no, chii.

"Oh, sure. Yun lang pala eh."

Sobrang nabigla ako sa sagot ni Melody. I wasn't expecting that answer from her. Is she joking?

Tumayo ako. "O? Where to, chi?"

Nilingon ko siya. I pretended to laugh nalang. Ang awkward mo talaga, Mika!

"Bibili lang ng makakain. Gutom eh."
"Eh. Tara sabay tayo." Tatayo na sana siya.
"Wag nalang. Nag-uusap pa kayo, o?"
Napatingin ako kay Russel pero agad na iniwas. Mahirap na baka mahalata niyang paiyak na ako. OA noh? Wahahaha! 

"Eh? O-O, sige. Ingat ha? Text ka kung san ka pupunta."
I smiled then walked away. Walked away to protect myself from pain...

I can't believe this. My best friend allowed my crush to have her number. Ano 'to? Gag*han? Traydoran? Nakakainis lang! She's my bestfriend for God's sake! How could she do that in front of me?! I know this might be overreacting pero kung kayo siguro nasa position ko, maiiyak din kayo sa sobrang frustrations! 

Yung feeling na... sana ako din. Sana ako din ginaganyan. Ganito ba talaga 'ko ka-unattractive para di maranasan yung ganon? 

Lumayo ako sa kanila. I made sure na di nila ako makikita. Dun ko na nilabas ang sama ng loob ko. Umiyak lang naman nang konti. I plugged my earphones on. Music can always make me feel a whole lot better. Sobrang sarap ngang makapangalan ko ang buhay ko.

Musika. Music has been my life ever since.

I played my most favorite song. "Slow dance" by Suneohair. It's a Japanese song. Whenever I listen to this, everything feels okay.

And I feel so betrayed right now. Sobrang saklap ng feeling na 'to. Yung sobrang sakit to the point na feeling mo sumisikip yung dibdib mo?

Kuso. (Sh*t)

Ba't ako nagkakaganito?

Musika, keep calm. Di ka naman siguro mabe-betray ng sariling mong bestfriend. Baka may naisip lang siya. ANG OA MO TALAGA! 

***

Melody's POV

I sensed her noh. Alam ko kung ba't sya umalis. I know my bestfriend. Duh? Susundan ko sana siya kaso baka di matuloy ang plano ko.

Yes, I do have a plan.

Kaya ako pumayag na makuha ni Russel ang number ko para ma-test siya. Nase-sense ko na ring parang may balak si Russel sakin. Di naman sa assuming pero halata kasi eh. Galawan ng mga chicboy. Psychology thingy. Hehehe! 

"Hoy, Russel! Tama na 'yan! Uwi na tayo!"
Sigaw ng kasama niya mula sa pinaglalaruan nila ng frisbee.

"Hahaha! Sige, Melody. Text-text nalang ha? Thanks for your number. Aasahan ko reply mo mamaya. Ingat ka, ah? Baka mapano ka, buti sana kung kasama mo 'ko. Joke lang. Bye!"

Ngumiti siya at tumakbo papunta sa mga kasama niya.

Eeeewww. Uggh!

Tumayo na 'ko at naglakad. Hahanapin ko si Mika. Sobrang emotional pa naman nun!

Haaaayyy!

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon