Chapter Sixty Four

92.5K 2.2K 721
                                    

Musika's POV

"Sabay ka samin?"
"Hindi, dito nalang ako."

Umalis na sila at pumuntang CR habang ako dito, pinaglalaruan nalang ang natitirang oreo cheesecake habang nakapatong ang ulo sa kamay dahil busog na ako.

Sa isang iglap lang, nawala ang lahat.
Akala ko masaya, pero panandalian lang pala. Lahat nagsimula lang pala sa maling akala.

Gusto kong makapag-relax. Tinatamad na rin akong pumasok. Ba't pa ko papasok kung makikita ko rin lang naman pala silang dalawa na laging magkasama pag walang teacher.

Bakit kaya nagkaganon?
Ano bang pinakain sa kanya ni Melody?

Lahat ng mga pangako niya sakin, pinako niya sa babaeng yun.

I shouldn't be thinking like this kasi kung tutuusin, ako yung epal sa love story nila. Pero pwe! Wala paring forever.

Sila palang dalawa yung mga basurero't basurera eh!

Makapaglaro na nga lang ng color switch. Lumang game na 56 pa kasi highest score ko dito eh. Gusto ko maging 100! Hahahaha!

Madali akong magsawa kaya tinago ko ulit phone ko at hinintay nalang sila Jammie.

"Hi, Miss Intrams."
Napalingon ako sa nagsalita. In fairness, gwapo naman siya at matangkad. Sino ba 'to? Di ko naman kasi mamukhaan lahat ng studyante dito eh.

"Hello."

"Umm, may gustong humingi ng number mo eh. Pwede raw ba?"

After that night? Ilang beses na akong nakaka-encounter ng ganito. Saka niyo pa ako napansin kung kailan, pumayat na ako. Pare-pareho lang kayong lahat. Sa appearance lang ng babae bumabase.

"Sorry, private kasi eh. Pasensya na."
"Aaahh... Kung friends nalang daw?"
"Nasan ba yung kaibigan mo?"
"Ano... Hehehe! Ako nga pala yun."

"Ah... Ganun ba?" Ngumiti lang ako sa kanya. Hindi ko alam pero nag-usap lang kami nang nag-usap. Ano bang problema sa makipag-usap diba? Sino naman ako para maging snob? Kinakailangan bang maging ganon?

"Ehehehemmm!"
Napalingon kami kay Jam.

"Uy Jammie, nandyan na pala kayo. Si Albie nga pala, senior Class C."
"Ohh, I seeeee. Hello, I'm Jam for short."

"Jessa." "Joyce." "Chaldea pero Cha nalang porshort. Heehee!"

"Albie"
"Oo, kilala na kita." -Jessa
"Ako rin. Varsity ka ng sepak takraw diba?" -Joyce

"Ah, oo. Anyway, nice to meet you nga pala, Musika. I hope to see you around. Bye sa inyo."

Nagpaalam naman siya nang tawagin na sya ng mga kasama nya. Sus. Lampakels na sa mga gwapo dyan. Ayoko na ng lovelife lovelife na 'yan.

Distorbo lang. Tss. Focus na nga lang muna ako sa studies.

"Besh, alam namin kung gano kahirap sayo itong ganito. Alam mo, mamaya let's have some fun."- Joyce.
"Anong klaseng fun naman yan?"
"Arcade! Or sa Circus tayo."

"Ipaalam niyo muna ako kila Mama?"
"Sure, as always."
Nang mag-bell ay nagsibalikan na kami sa rooms.

Alam niyo naman siguro yung feeling na parang tinutusok ng mainit na kutsilyo yung dibdib mo diba?

Matagal-tagal ko na ring tiniis 'tong nakikita kong ganito.

"Go back to your proper seats!"

Maraming tumayo at nagsibalikan sa mga upuan nila. Mula sa peripheral vision ko ay napansin kong tumingin sakin si Trystan.

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora