Chapter Thirty Five

88.4K 2.6K 452
                                    

Musika's POV

Ewan ko kung anong gagawin ko ngayon. Nagpa-panic na ako.

Ngayon sa kinatatayuan ko.

Lalapit ba 'ko o hindi?
Tatakbo ba ako?

Feeling ko nauutot na ako na naiihi at basa na rin ang mga palad ko pati nilalamig ako. 

I hate this. Paano ba tumakas? Hindi ako makagalaw!

Ah kamisama wa, naze anata wa kore o hassei sa seta nodesu ka? (Diyos ko, bakit mo hinayaang mangyari 'to?)

"Huy CHI! Ano ba? Para ka namang nakakita ng multo dyan."

Tumawa sya at ngayon mas malapit na sila sakin.

"Look who's here? Your super duper crush, o!"

Tinuro niya si R U S S E L at nagtinginan kami saglit. Tahimik lang siya at parang walang idea sa nangyayari. Wala pa ba siyang alam tungkol samin?

Ngayon pa lang ba?

Oh no. You have to do something, Mika. 

You have to do---

"Russel, meet your quite a long time textmate, Mika, aka Musika Mashima!" Pumalakpak siya at tumawa. 

"Oh, diba? You guys have to meet in person noh. It's not good to talk through phones lang eh so here you go, bestfriend. You've finally met your long time super duper crush nang malapitan!"

Tahimik lang ako. 

Nanginginig ako sa galit.

Sa hiya...

Sa frustration... 

"Uy MUSIKA?" 

"Hahahahahahaahaha!" 
Parang bumalik ako sa sarili ko nang marining kong tumawa ng malakas si Russel. 

"So ikaw pala si Musika!" 

Nakatingin lang ako sa kanya. 

"Ikaw lang pala katext ko all this time eh. Hi." Ngumiti siya sakin at aaminin kong nakakatunaw yun pero... nakakahiya. At parang may laman yung mga sinasabi niya.

"Taba mo pala." Ngumiti lang siya sakin at saka tumingin kay Melody. 

"Ikaw naman. Chubby lang noh. Hahaha!" Sabi ni Melody while smirking at me.
"O, chi! Pangit naman kung hindi kayo nag meet diba? So here he is! Finally. Para naman lumevel up ng slight ang friendship niyo."

Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong 'to, Melody. 

Hinding-hindi.

"Ah, sige BESTFRIEND ha? May pupuntahan pa kami eh. Pinakilala ko lang naman si Russel para di na kayo mao-awkward sa isa't-isa through text pag nag-uusap kayo diba?"

Ngumiti-ngiti siya at...

...........

.....

Napahawak siya sa pisngi niyang sinampal ko ng napakalakas. Eh sa fats ko ba naman, hindi kaya yun sasakit ng sobra? 

"Wala kang kwentang kaibigan, Melody. Nasayang lahat ng taon kong sinayang ko sayo. Nasusuka ako sa ugali mo. Wala kang pinagkaiba sa isang halimaw. Maganda ka nga, ang pangit naman ng ugali mo. Watashi wa anata no kuso kitanai kao no migigawa ni tsuba shitaidesu ima. Sekaidenakereba naranai kirai. Shinu iku!"
(Gusto kitang duraan sa mukha ngayon. Kinamumuhian kita sa buong mundo. Mamatay ka sana!)

And with that, tumakbo na 'ko papalayo sa kanila at dun umiyak. Pumara naman agad ako ng taxi at di ko alam kung saan ako pupunta. 

"Mag-drive ka lang po Manong." 
"Okay ka lang, Miss?"
"Okay lang ako, Manong ano ba. Mag-drive ka nalang po dyan at baka mabangga tayo. Hahaha!"

"Kayo po bahala. San ba tayo?"  
"Kahit saan po. Magbabayad naman po ako, basta gusto ko munang mag roadtrip."

Ang sakit. Nakakainis. SOBRA.

Ganon ba niya 'ko kinaiinisan at nakarating siya sa point na pahiyain niya ako kay Russel?

Nakakahiya lang kasi talaga kasi... kagabi halos di na kami makatulog dalawa sa pag-uusap namin tapos ngayon malalaman niya na ako lang pala nakakatext niya.

Nasusuka talaga ako sa pag-uugali ni Melody.

All this time, ngayon niya lang naipakita ang sobrang nakakasuka niyang side. Hindi niya ba naisip ang mga pinagsamahan namin? 

Ganon ba siya ka monster?

Sising-sisi na 'ko kung ba't ko pa siya naging bestfriend. 

Ako, oo inaamin ko may mga ginagawa rin naman akong mali pero yung kanya? Sobra. Sobra-sobra. Di makakain ng aso ang pag-uugali niya.

"Miss? San ba talaga tayo? Pumapatak ang metro mo eh." 
"Okay lang po Manong, may pera naman po ako." 
"Oh, sige." Napakalot siya sa ulo niya,
"ikaw bahala. Baka gusto mong umuwi nalang muna?"  
"Hindi po muna, ayokong makita ako nila Mama na luhaan eh."

Nang makakalma na ako, I finally decided na bumaba sa Cakewalker's Cafe sa may subdivision namin. Kakain nalang ako ng Nutella Cupcake, Oreo Cupcake, Carrot Cupcake, Red Velvet Cupcake, at kung anu-ano pa. Pampatanggal stress. Di bale nang magka-diabetes basta malimutan ko lang 'tong frustration na to.


Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Where stories live. Discover now