YMGI-32 Whaaat?!

3.4K 82 2
                                    

Cassie's POV

Halos hindi ako makatulog kagabi. Grabe, parang panaginip lang. Hindi parin maalis sa isip ko yung mga ginawa niya. Hayyys. Parang nasa fairytale lang. Nakakalutang lang.

Bumangon na ako at naligo, nag toothbrush. Pagkababa ko nakasalubong ko si tatay na may dalang kape at dyaryo.

"Good morning po tay" humalik ako sa pisngi niya.

"Good morning. Blooming na blooming ang anak ko ah." Pumula naman ang pisngi ko doon.

"Tay naman!" Tumawa lang siya at iginiya ako sa kusina, kung saan andpn si nanay nagluluto.

*Ting!*
May naisip ako. Eh kung i surprise ko kaya si langaw sa condo niya. Ipagluto ko kaya siya? Hmmm~ great! Kaya naman pagtapos namin kumain, ako naman ang nagluto.

Ipagluluto ko siya ng specialty kong. Sinigang na bangus. Hmmmm~! Sabado ngayon at tapos na rin ang trimester namin. Kaya wala ng dapat pang alalahanin. Mga lunch ako pupunta doon sa condo niya.

Naglinis muna ako ng aming munting bahay. Na-renovate na nga pala ito. Yung pinto na nilagyan ko ng peephole, napalitan na. Nagalit pa si itay sa akin nung nalaman niya sinadya ko iyong lagyan. Paano daw pag may masamang tao ang sumilip doon? Pano daw kung bosohan raw kami? Si itay talaga. Pero naiintindihan ko naman siya. Mali nga naman kasi iyon.

Nang sumapit na ang alas dose, nagpaalam na ako sa kanila. Sabi ko mag date sila rito sa bahay. Wag na sa labas at magastos. Sinabi ko ring gumawa na sila ng pangalawa kong kapatid. Parehas na namula sila nanay at tatay. Kumaripas na ako ng takbo at baka lumipad pa yung tambo na hawak ng nanay ko.



Nang nakarating na ako sa 10th floor ng condo niya ay sobrang excited ako. May spare key naman ako kaya okay lang na kahit 'di na niya ako pagbuksan. Atsaka surprise nga diba?

Dahan-dahan kong in-unlock yung doorknob. Ang lawak ng ngiti ko ng nakita ko siya sa living room niya, pero unti-unti ring nawala nung makita ko kung sino ang babaeng may hawak ng kamay niya.

Wow! What a sight. Nung nakita niya ako nanlaki ang mata niya. Ano, buking ka diba?

Kung tatanungin niyo kung sino yung babae ay walang iba kundi si Yesha. Akala ko ba nasa states na ito? 'bat andito parin?

Akala ko rin ako ang mang su-surprise? Eh bat parang ako ang na-surprise nila? Wow! Just wow!

Tumalikod na ako. Buti hindi ko nabitawan 'tong sinigang na bangus ko. Nasimula na akong maglakad nang hatakin niya ang braso ko.

"Wait... I-It's not what you think." Walang bae o baby sa dulo. Siguro natatakot siyang marinig nung babae niya.


"Its not what I think? Bakit ano sa tingin mo ang iniisip ko?" Mataray kong sabi.

"Cassie, hindi... mali ang iniisip mo. Hindi kami, maniwala ka. Le-let me explain" nauutal niyang sabi. Yung expression ng mukha niya parang takot na takot sa anumang susunod komg sasabihin.

"Okay, then explain." Matigas na sabi ko. Hindi ko hahayaan na masira ang relasyon namin ng dahil lang sa maling akala. Marami na akong nabasa, napanood na ng dahil sa maling akala nagkakalabuan ang dalawang magkasintahan, maghihiwalay then back to strangers again.Ayoko mangyari yun.



"Let's go somewhere else." Tumaas bigla ang kilay ko.


"Bakit sa ibang lugar pa? Bakit, di mo ba kayang mag explain sa harap niya? Ha! Siguro kasi, may tinatago." Naka crossed arms na ako ngayon.

You're Mine! Got it?Where stories live. Discover now