YMGI-22 Tatay

3.1K 85 0
                                    

Cassie's POV


Hindi parin ako makapaniwala na nagagawa lahat 'to ni langaw. Ewan pero habang tumatagal na magkakilala kami kahit na palaging nag-aaway at palagi ko siyang sinusungitan, binabara at kung anu-ano pa. Di niya ako iniiwan. At di siya nagsasawa.

Napatingin ako sa kalangitan, hinahayaang bumuga sa akin ang malamig na hangin. At saka pumikit.

Lord, siya na po ba? If he's the one that you've sent to me. Please Lord, atleast give me a sign. Amen.

Hayy, napabuntong hininga nalang ako panu kung siya na nga? Ready naba akong pumasok sa isang relasyon? Aisssh.. ganito ba kapag first time magkaroon ng love life?

No... no... no... Diba ayaw kong munang maglove-life? Diba may kasabihan tayong. "Aral muna, bago lande?" Peroo kung tutuusin hindi naman ako malandi, sadyang may mga tao lang na nahuhulog nang wala sa oras, walang time limit sa love, walang bawal sa love basta alam mo kung ano ang limitasyon and you'll know how to respect, right?

Napa-facepalm nalang ako.

Hayy, Brent! Brent! Brent! Why are you doing this to me?

Kinabukasan, nagising ako ng maaga, syempre morning ritual nanaman. Bumaba na ako para magluto ng umagahan. Nag-sangag ako at nag-prito ng itlog at hotdog. Di rin nagtagal at nakita kong lumabas na si nanay ng kwarto.

"Nay kain na po" ginawaran ko ng halik sa pisngi si nanay. "Tong batang to. Dapat ako gumagawa niyan eh."

"Hay nako nay! Hayaan niyo na po akong magsilbi sa inyo. Kayo na nga lang ang natitira kong pamilya eh, pati pala si lolo at lola. Hehehe"

"Anak..." nagulat naman ako ng biglang naging seryoso ang tinig ni nanay.

"Nay bakit po?" Nakangiti parin ako.

"Kung may pagkakataon bang makita ko ang tatay mo? Gusto mopa rin bang mabuo ang pamilya natin?"

Natigilan ako. Nahanap na ba niya tatay ko? Kailan pa? Unti-unting nawala ang ngiti ko.

"Bakit nay? Nahanap niyo na po ba si tatay? Nagkita na po ba kayo?"

Matagal bago sumagot si nanay. Bago tumango.

"Oo, nakita ko siya nang hindi ko inaasahan. Pasakay na ako ng tricycle 'non ng biglang may naramdaman akong humawak sa kamay ko. Pag-angat ko ng tingin, parang gusto kong tumakbo at magtago..." huminto siya saglit. At huminga ng malalim. "Hi—hinanap ka niya agad sa akin, hindi ko alam pero gusto kitang ipagdamot sa kanya, pero sa huli sinabi ko rin dahil pinilit niya ako at pinagbantaan niya akong..." suminghap si nanay. Noon kolang napansin na umiiyak na pala siya, hinawakan ko yung pisngi ko. Nagulat ako ng pati pala ako umiiyak na. "Pinagbantaan niya akong kukunin ka niya sa akin. Nagpapadala siya ng pera, pero diko tinatanggap, dahil nasaktan ako nun. Napaka selfish ko. Sarili kolang ang iniisip ko. Anak, patawarin mo ako at ipinagkait ko siya sayo." Humihikbing sabi ni nanay. Lumapit ako sa kanya at saka siya niyakap. Naiintindihan ko naman si nanay, dahil kung ako lang rin naman ang nasa kalagayan niya, eh talaga namang ganun rin ang gagawin ko. Pero alam ko rin naman na, hindi sa lahat ng pagkakataon kaya mong takasan ang problema. Kailangan natin itong harapin. Kagaya ngayon kailangan kong harapin si tatay para matapos na at maging maayos ang lahat.

"Hay nako nay, alam mo namang kayo at kayo parin ang pipiliin ko noh! Pero gusto ko rin namang mabuo ang pamilya natin" binigyan ko siya ng matamis na ngiti.

"So anak, gusto mo ba siyang makita at makilala?" Nanlalaking matang sabi ni nanay. Tumango ako. "Opo nay, naiintindihan ko po kayo. Hayy nako nay ang aga-agang dramahan naman neto. Tignan niyo nga po. Nalamig na yung inihanda kong breakfast."

Natawa nalang kaming dalawa. Medyo gumaan naman ang loob ko. May tatay pa pala ako, pero nakakaramdam rin ako ng kaunting kaba. Siyempre hindi mawawala yun.

—-

Pagkarating ko sa school, agad akong sinalubong ni Abby bestie.

"Bestie! long time no see, I missed you na talaga!" aniya ng naka-pout. Ang cute niya talaga! Sana magkaroon ako ng kapatid na kagaya niya. Ang sarap siguro ng ganun! Kayo na ang best sizzums in the world! Haha.

"Mas miss na kaya kita bestie. Haha"

"Hmmmp! Panung hindi mo ako mami-miss, puro ka naman kasi Brent! Nakakatampo!" ngumuso nanaman siya. Diko naman mapigilang tumawa.

"Tignan mo! Nahawa kana sa kabaliwan nung Brent na yun! Tara na nga at mag-bonding naman tayong dalawa!" pumadyak pa siya bago niya ako hinila. Nangingiti nalang ako. Answerte ko dahil, may anghel na kagaya niyang dumating sa buhay ko. Kaya love na love ko 'to eh. Kumain kami sa cafeteria, at niyaya niya rin akong mag mall at manuod ng sine.

Super nakakapagod ang araw na ito. Hays! Pero ang saya naman! Hehe.

Nakarating na ako sa bahay na patay na ang mga ilaw. Tulog na si nanay panigurado. Umakyat na ako sa kwarto. Nag-shower at nag toothbrush, naka white sphagetti strap at naka white pajama. Tapos humiga na sa kama.

Thank you Lord, for all the blessings that you had given to us. Amen.

——————————————————————-

A/N: Kamusta Mines? Gising pa ba kayo? Hahaha. Anyway, eto lang muna ha? hehe, sana nagustuhan niyo! And, sorry ulit sa grammatical errors. Peace po! :))

VOTE&COMMENT GUYS!

THANK YOUUU! MWAAA :**

GoodNight Mines! Sweet dreams. :**

Love,

Sweet_charms.xx

You're Mine! Got it?Where stories live. Discover now