YMGI-25 Akala ko...

3K 79 0
                                    

Cassie's POV

3 weeks na ang nakalipas nung may usap usapang may transferee sa school. 3 weeks naring walang paramdam si langaw. Ano na kayang nangyari dun? Naging bangaw na ba? HAHAHA. XD



Actually, hinihintay ko siyang siya ang maunang mamansin. Pero wala eh. Ewan? Kapag sa school, sinusubukan ko siyang kausapin o tanungin, at ang mga sagot niya lang, kung hindi tango. Ganto!



"Oo"


"Hindi"

"Ewan."





"Wala pa."





Alam niyo yun? Napaka plain lang? Nakkanaman ng! Baka naman nakalagok ng maraming ice, at hindi lang siya na brain freez kundi pati katawan at mga emosyon niya naapektuhan! Ganun kaya? Hmmm...




Ay nako Cassie! Anung klaseng imagination yan? Para kang si Author! Lakas mag ala krimstik! Imagination mo ang limit!

(Ate Ar-Ar: hahaha. Trulalol. Ge, sibat nako!)





May tanong ako! Kaanu-ano ba ni Sarah Geronimo yung mga Kutsara??







Wahahahahaha. Joke lang! Hahahaha. Corny pakshet! :3







Eto na talaga! Kaanu-ano ba ni Langaw si Yesha at parang pansin kong lagi silang magkasama?







Minsan nga may nagtanong sakin. Kung break na daw ba kami ni Langaw o ano? Eh hindi naman naging kami ah? Kuuu~!







Kung pwede lang! Why not coconut poknat!


Kaso mukhang malabo na.





Ganun ba talaga? Once na naamin mo sa sarili mong hulog kana, saka naman magkakaproblema?







Hays! Makalabas na nga dito sa lungga ko.





Nagpaalam ako kay nanay na magjo-jogging lang ako. Alas singko palang naman eh.












After 30 minutes namahinga muna ako sa parke. Grabe kapagod, muntik pang nawala yung salamin ko nang biglang napatid ako sa humps! Hmm, buti nalang talaga at walang sasakyang dumadaan kundi warak na, wala na! Kaya swerte ko at nahanap ko agad!






Napahinto ako sa pag lagok ng biglang pamilyar na boses ang narinig ko, papunta dito sa direksyon ko. Pero...







Alam kong di siya nag-iisa, dahil naririnig ko ang tawanan nila, at pamilyar rin ang boses ng babae. Kaya naman sa sobrang taranta ko, dala narin siguro ng aking curiousity. Nagtago ako sa likod ng puno. Isang puno ang pagitan.







"Sabi naman sayo pahinga muna! Ang kulit mo may pa 5 laps, 5 laps more kapa diyan!" sinilip ko kung sinu yun, at hindi nga ako nagkamali sila yun...












Si Yesha at Brent...








Parang may kumurot sa puso ko nang makitang ngumiti si langaw from ear to ear.









"Syempre ah. Pogi ako! Ahaha---araykup.! Mashakit uy!"

Ang sweet naman nilang tignan. Nakaramdam akong parang tinutusok yung puso ko.






"At anong connect ng pagka-pogi mo, sa 5 laps ha Karl hahahaha?" tawang tawa si Yesha habang pinipisil ang magkabilang pisngi ni Brent. para namang pinagsukluban ng langit at lupa si Langaw.






"I told you! Don't call me Karl! I hate it!" masungit niyang sabi.



"Bakit? Gusto ko eh. Hahaha, Karl meloves so sweet!" pang aasar pa ni Yesha.




"Ah! Ayaw mong paawat ah! Hetong sayo!"





"Ta--tama na. Ahahahaha, naki--nakikiliti a--ako. Stop! Hahahaha"

Tumigil si langaw sa pagkiliti kay Yesha. Putspa, ang agang kalandian! Sa parke pa? Merong ibang napapatingin sa kanila at sinasabing.



"Ang sweet nila."


"Bagay na bagay sila noh?"









"Perfect match, maganda at pogi. Sana sila na forever"




Ulul! Walang poreber! Umuwi na kayo- okay ako na ang bitter!

Kitang kita ko sila dahil medyo paharap dito yung bench na inuupuan nila. Hays.. May something nga ata sakanila.







Akala ko, totoo yung mga pinapakita niya. Akala ko, totoo siya. Akala ko, kahit konti may puwang ako sa kanya. Akala ko, mahal niya ako. Puro akala lang pala ang lahat!


Tanginis na yan! Challenge lang ba ako para sa kanya? Bwisit sila! Sige landian pa kayo dyan! Maaga pa, may gabi pa mamaya. Pakasaya kayo! Congrats, pakasal na rin kayo! Pakshet! Tumulo nalang bigla yung pinipigilan kong luha.





Mas maganda pala yung dimo nalang malaman para di ka nalang masaktan. Pero, they can fool you pag di mo naman alam.



Napatawa ako ng pagak, ngunit mahina lang. Bakit nga pala ako nagkakaganito, eh hindi naman kami. Nakuu-! Ang agang kadramahan! Makaalis na nga!



--------------------------------------------------------------

A/N: OKAY, SORRY PO SA MATAGAL NA UPDATE!

MAY PASOK KASI EH.

BUTI NALANG NAKAYANAN NG POWERS KUNG MAKAPAG UPDATE. HEHEHE.

THANK YOU NGA PALA SA MGA NAGBABASA NETO. :))))

VOTE&COMMENT GUYS!
THANK YOUUU! :***

Feel free to follow mey! x

Love,
Sweet_charms.xx

You're Mine! Got it?Where stories live. Discover now