YMGI-24 The 'She'

3.2K 79 1
                                    

A/N: At dahil malapit na ang pasukan namin. Ipag-a-update ko kayo. Haha sana magustuhan niyo. Mwaaa

***

Cassie's POV


Sh—she's back? Sinong 'she' ba yun? Teka wala akong maintindihan, iniwan ako ni bestie na may malaking question mark sa taas ng ulo. Kuuu~ ano ba talagang nangyayari? Una, wala si Langaw at hindi ko alam kung 'bat ko siya hinahanap, pero napatunayan ko lang rin naman kanina na hulog na nga ako sa kanya (take note: ang hirap umamin, nakakahiyang, nakakailang)

Pangalawa, di ko maintindihan mga nangyayari, paulit ulit pero yun talaga naman ang paulit ulit ring nagrereplay sa utak ko. Juice colored ang gulo! Kasing gulo ni author.

Pangatlo, mukha akong tangang nakatulala dito. Buti nalang tapos na exam baka mamaya nablanko nako.

Teka! Si langaw yung tumawag kanina diba? So sino yung 'she' na yun? Aiissh- bat ko ba yun iniisip diba? Wala lang naman yun eh. Atsaka kahit na na—naamin ko nang alam niyo na yun eh, dapat mas pakialaman ko ang buhay ko, right?

Makaalis na nga! Kanina pa ako dito eh, para na tuloy sinisilihan yung pwet ko sa tagal ko ng nauupo dun.



**

Nakahiga na ako sa kama ko tapos tinetext ko si bestie.


Ako:

Bestie, kung may problema andito lang ako ha?

Nilagay ko sa dibdib ko ang cp at matamang nakatingin sa kisame. Hayy sana naman mag-open si bestie sa kin. Kasi kanina parang gusto niyang mambuntal ng tao. Katakot kaya! Diba? Sino kaya ang 'she' na iyon? Wala naman siyang naku-kwento sa akin ah. Pati si Brent. Kuuuu! Yung taong yun di na nagpaparamdam. Subukan lang talaga niya akong pansinin at makakaltukan ko yun! Langaw!!

Napapitlag ako ng biglang mag-vibrate ang cp ko.



Bestie♡:

Wala bestie, mas magandang siya nalang ang magsabi sayo. Good night bestie.



Ha? Sinong siya?



Malamang sino pa ba eh silang dalawa lang naman ni langaw ang kakilala ko. Di naman ang mga BB(BeautifulBitches), di rin mga teachers. Jusko ang gulo gulo na ng utak ko. Matalino ako pero hindi naman ibig sabihin nun, alam ko lahat right?



Sa kakaisip ko ng mga bagay bagay eh nakatulugan ko nalang.


KINABUKASAN maaga akong nagising. Gusto kong maging positive vibes itong araw nato! As usual ginawa ko na ang aking morning rituals, pagkatapos nun pumasok na akong school.


Pagkapasok ko ng classroom unti palang ang tao sa room kasi maaga palang naman. Si Cathy naka-upo sa arm chair ng inuupuan ni Lyn-Lyn si Aileen naman naka-earphone pero yung isa lang ang nakasalpak habang si Reyna naman ayun abala sa paglalagay ng kolorete sa mukha, pero mukhang nakikinig sa usapan.


"Really? May magta-transfer dito?" Si Reyna.


You're Mine! Got it?Where stories live. Discover now