YMGI-26 Meet your....

3.2K 85 0
                                    

Cassie's POV

Matapos kong matunghayan ang love story ng dalawa sa park ay ikinain ko nalang sa bahay. Sus sino ba naman sila para pag aksayahan ko ng panahon? Lakompake. Kahit ikasal pa sila.


Weh? Yung totoo Cassie?

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na rin ang pinagkainan ko atsaka naligo na. Gusto kong lumabas muna mag puntang mall, window shopping lang, kayo naman. Wala akong pera kulang pa ipon ko.

Nagpapatuyo ako sa harap ng electricfan--oo dahil wala naman kaming blower. Hahaha. Nang may biglang kumatok sa pinto naming may butas na maliit sa gitna, binutasan ko yan nung isang araw para pag may kakatok o may magtangka dito sa bahay kahit wala namang makukuha eh alam ko. Oh diba sosyal? Hahaha.



"Who's there?" Tanong ko nang sinilip ko ang maliit na butas ngunit wala naman akong nakitang tao.

Teka multo ba yun? Nyek, baka kasi umagang umaga.

Ay teka hintayin ko nalang na may mag knock-knock baka sakaling nagjo-joke lang 'to.



Minutes had passed ngunit wala paring nag na-knock knock. Napagpasyahan kong buksan nalang yung pinto namin, ngunit pagbukas ko ng pinto eh saka namang akma atang kakatok yung tao na ang kinalabasan ay sa mukha ko siya kumatok. Asan ang hustisya? -__- nang iangat ko ang paningin ko ay bigla akong kinabahan. Mukha kasing abogado etong nasa harap ko.

Teka--! Kukunin niya naba itong bahay? Nakuu di kami prepared ni inay. Sa katunayan talaga di saamin tong bahay, may maganda lang ang loob na ipahiram muna etong lote nila. Sila aling Marta.

Asan na ba si nanay? Tsk.



"Hello. S-sino po kayo?" Kinakabang tanong ko. Bigla nalang naging maamo ang mukha niya. Yung kaninang mukang istrikto niya ay napalitan ng maamong mukha. Sino ba ito?

"Are you Pricilla?" Tanong ni mamang abogado. Nangunot naman ang noo ko. Mali ata ng napuntahan itong ai mamang abogado?



"P-po? Hindi po ako yun. Mali po ata kayo ng napuntahan."

"No, this is the correct address. Look."

Iniabot niya sa akin ang address at tama siya eto yun- Makatarungan st. 1434.

"Eto nga ho yun" tatango tango kong sabi.

"See?" Ngumiti siya sa kin. Wow! Ampogi niya ngayon kolang napansin kahit medyo may edad na.

"Ka-kausapin niyo po ba kami about sa lupa? Hala, bigyan niyo naman po kami nang kahit na unting palugit. Sige na po mamang abogado. Pleasee? Wala na po kasi kaming matitirhan kung kukunin niyo ito, atsaka napamahal na po ang bahay naming ito kahit nararakrak na. Please po?" Pagmamakaawa ko.

"Who told you na kukuhanin ko itong bahay?" natatawang saad niya. Pinaglololoko ba ako ng mamang ito?

"Eh ano po pala?" Nagtatakang tanong ko.

Ngumiti si lang siya"You grown up too much. Pasensiya kung ngayon ko lang kayo nahanap" medyo naluluhang saad niya. Sino ba talaga to? At bakit niya kami hinahanap aber?




"Cassie andiyan kan---" nahinto sa pagsasalita si nanay ng makita niya ang kausap ko.




"Ge-george?" Nanlalaking matang nakatingin si nanay kay mamang abogado.


"Nay, buti dumating kayo! Kilala niyo po ba siya" nakayakap ako kay nanay ngayon habang nginunguso siya.




"Ofcourse she knows me darling" nakangisi yung mama. Hala, bakit ganyan yan?


Si nanay di parin makapagsalita. Nu bayan tapos itong si mamang mukhang abogado parang chill lang.


"Kamusta na Pacita?" Nakangiti paring saad niya. Jusko sino ba to? Manliligaw ba ito ni nanay at bakit kumikinang pa ang mga mata niya? Parang ganto oh *__*






"Nay, may di kaba sinasabi sakin? Manliligaw mo ba siya?" Pabulong kong tanong. Umiling siya sabay sabing.....









"Siya ang tatay mo."






------------------------------------------------------------

A/N: HELLO KAMUSTA NA KAYO BAE'S? HAHAHA. SORRY NGAYON LANG NAKA PAG UPDATE HA? BABAWI AKO. HIHIHI.


VOTE&COMMENT
THANKYOUUUU :***

Love,
Sweet_charms.xx

You're Mine! Got it?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon