Ch. 11 - Pt. 3 - Her birthday gift

211K 3.3K 210
                                    

IDTIP by Filipina | Wattpad -- Ch. 11 - Pt. 3

"Oi gising na" - Ako habang inaalog alog ko pa rin yung balikat niya.

Charice POV.

At tulog pa rin s'ya hanggang ngayon ah? Bahala na nga s'ya d'yan!

Pumunta ako sa kusina. At ito ang nakita ko: "Cha, Mama is working out for a deal in business~ Hindi na ko nakapagluto kaya ikaw na magluto para sa hubby mo *insert love shape here*" - pink na note na nasa ref. 

Asaness! Wala nga akong alam lutuin eh. At lalong hindi ako maalam magbukas ng stove! Honestly speaking po. 

At wait, "P.S."!

"P.S.: Ipagtira mo ako para matikman ko kung pasado na maging asawa. Hohohoho!" 

Ang adik lang no? @#$%! 

Pumunta ulit ako sa sala kung saan ay natutulog sa sahig na may kumot si Gosu. Malapit na mag 6:20 am at para bang wala siyang balak magising ah? Uh, sa bagay mga 4 am na kami nakatulog. "Kami" talaga yung pronoun? 

At kung ano yung pinag usapan namin? Wala na kayo dun!

Tumaas ulit ako kasi may balak akong pumasok kasi may quiz daw sa Journalism! Nanuod pa naman ako ng Breaking News. Sayang din yun! Laging latest news yung quiz eh. 

Pagbaba ko (na may uniporme na), aalugin ko na sana ulit siya para magising nung bigla akong makarinig ng mahinang *beep* mula sa cellphone na nakapatong sa may mesa sa may sala. Napatingin ako dun sa screen. Echusera ba? Tapos ayun, may nahagip ang aking mata >__> 

(( Mini De Castro )) - yan yung pangalan ng sender +__+

Selos mats? Ako?! Di ah!

Kinuha ko yung cellphone syempre at binuksan yung message

From: Mini

Text: 'happi bornday Gosuuu~! O, sbi mu ayw mu may mgtxt sayu pag 6 maliban kung 6:20 pra gsing k. Alm mu yung fans mu, inaantay k n d2. Haha! Dalian mu, kukunin ku gifts mu d2!! Nga pla, ang dming nangungulit skin qng bkt dw wla ng bday party s mansion mu xDD 

(( Options ))

Anu ba yun, ang FC mats naman netong Mini na tu. Kasura! @#$%! Gusto kong i-delete tong message na to! @#$%! Pero, ang hirap gamitin ng iPhone LOL Tapos, oo nga no, birthday nga pala ni Gosu ngayon. Ba't di ko nabati nung 12am? Hawak hawak ko yung phone sabay sunod sunod na beep yung narinig ko. Iba't ibang names! Ang dami palang bumabati sa kanya? Ako kase, pag birthday ko, ang nabati lang ay sina Bianca, Mama.. wait.. sino pa ba?

"Mhmm.." - napatingin ako kay Gosu na kasalukuyang inaayos yung kumot dahil siguro nilalamig. Nilagay ko na yung phone niya sa mesa ulit. Di ko na binura yung message ni Mini. Paki ku dun! 

(Book 1) He's Dating the Ice Princess (UNPUBLISHED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon