Ch. 10 - Pt. 5 - Mini

208K 3.4K 298
                                    

IDTIP by Filipina | Wattpad -- Ch. 10 - Pt. 5

"Cha~~" - tawag ko. 

Bianca's POV

"CHA!!!" - sigaw ko.

"Mmm, matulog ka muna!" - Cha na nakahiga sa kama ko at yapos yapos yung paborito kong unan na si Pochi @#$% Aba, parang nasa kanilang bahay lang ah? 

"EEH! Akin yan! Nu ba problema mu?!" - tanong ko na hinihigit si Pochi ko!

"Wala" - sagot ni Cha na nakapikit at ayaw ibigay si Pochi!

"Civilian bukas di ba?" - Cha.

Nabigla ako kay Cha dahil bigla-bigla na lamang bumangon sa kama =__= 

"Yep. Kahit anu suotin. Why?" - tanong ko sabay kuha kay Pochi dahil di na n'ya hawak.

"Wala lang.." - sagot naman n'ya sa'kin.

"Teka, naubusan ka na naman siguro ng damit ano? Yun ba pinoproblema mo?" - tanong ko.

"Di. ASA." - Cha sabay tingin dun sa relo sa room ko.

"Anung oras na? Ambulok ng relo mo.. Wala na." - pag usisa pa nya. 

"CHE. Eto ga, sya na ngang nambubulabog ng kwarto! Imported kaya yan! Local nga lang ang battery!" - dipensa ko naman.

"11:02 pa lang" - sabi ko nung natingnan ko na yung oras sa phone ko.

"Ah, tsk di kasi nanlilibre ng kwek-kwek" - random na sabi n'ya.

"Tara kaya sa school! Sobrang busy raw sila dun eh! Tulong tayo!" - sabi ko.

"E di ikaw ang pumunta" - walang ganang sabi n'ya @#$% 

Humiga ulit sya at tinira yung unan kong itim na hugis star - ang lagi nyang tinitira pag talagang matutulog sya. 

"Sya, iiwan kita jan!" - pagbabanta ko.

"CHA! HUY CHA!" - Ako sabay alis dun sa unan na nakatakip sa ulo nya. 

Nakita ko namang gising sya tapos pumikit. Ang adik lang no?! 

"Bahala ka na nga! Mamaya pa uwi ko! Hapon pa!" - pagbabanta ko ulit. 

Kumuha pa sya ulit ng unan at this time, yung puting unan na star naman. At tinaklob ulit sa mukha n'ya. Aba +___+

- - -

Third Person's POV.

"Tahimik na. Wala na siguro si Bianca?" - ang nasa isip ni Charice. Inalis n'ya yung unan sa mukha n'ya't tumayo na ko at kinuha yung phone n'ya sa bag n'ya.. pero may naalala sya.

"Naging.. Ka M-U ko.. dati.."

"Tsk" - isang ekspresyon na di nya maiwasang sabihin ngayon. "STUPID. How can you--!!!" sabi pa n'ya saka s'ya nagbuntong hininga. Natigilan sya at pinagmasdan ang kwarto ni Bianca. Kinuha n'ya yung unang puting hugis pusong nakita n'ya (at yung malapit sa kanya).

Sinuntok suntok nya yung unan. Yung mahina lang. Naiisip nya kase na baka maubos yung energy nya. "Di man lang sya nagsinungaling? Agad agad na? Dapat kinuwento nya muna e diba?!" inis na sabi n'ya habang kausap n'ya yung unan.

Iniharap nya naman yung unan sa mukha nya. "Di ba star?" sabi pa n'ya. Tapos sumimangot sya, "Ba't ako nagseselos? Psh! Kainis!" Humiga sya at naghamon ng titigan dun sa kisame ng kwarto ni Bianca.

After approximately 45 seconds, bumangon sya at kinuha ang phone nya. Di nya alam kung tatawag sya o magteteks na lang. Pero sa huli, tumawag na lang sya. Dun sa una nyang tawag, walang sumasagot kaya inulit nya yun.

"Gosu?" - sabi n'ya.

Walang sumagot. Pero mamaya din ay nagsalita rin, "Hmm? Si Mini to, bakit?" - yung nasa kabilang linya.

Nagsimula ng maging kamao ang kamay nya pero pinigilan n'ya sarili n'ya at huminga ng malalim.

"Nasan si Gosu?" - tanong n'ya.

"Mmm? Ahm, wala eh?" - sagot naman nung nasa kabilang linya.

Tatapusin na sana n'ya yung tawag ng magsalita ulit yung nas akabilang linya, "Busy sya ngayon kaya wag ka na lang tumawag"

Napataas ang kilay ni Charice. "Bakit, ikaw ba ang tinawagan ko?" - sarcastic n'yang tanong. "I know what you mean pero nakakaistorbo ka kasi" - sagot naman nung nasa kabilang linya.

"Ah ganun ba? Naistorbo pala kita. Dapat kase, di mo sinasagot ang isang phone call na di sa'yo. Manners, perhaps?" - inis na sabi naman ni Charice. Tumahimik muna hanggang sa magsalita ulit, "Well? I have the right.. since I'm his girlfriend!" - sagot nung nasa kabilang linya.

Napatawa naman si Charice sa sinabi nito. "So, ginagawa pala yun ng mga girlfriend? Ang pag iinvade ng privacy ng kanilang wannabe boyfriend?" - sabat ni Charice

"WHAT! WHAT THE HECK! I don't like you! *beep beep*" - yung nasa kabilang linya.

Inalis na rin ni Charice ang phone sa tenga nito tutal ibinaba na nung nasa kabilang linya ang tawag. "Girlfriend? Ako kaya mahal nun" sabi ni Charice sa sarili n'ya sabay tingin sa salamin.

(Book 1) He's Dating the Ice Princess (UNPUBLISHED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon