Ch. 10 - Pt. 8 - In denial

214K 3.4K 226
                                    

IDTIP by Filipina | Wattpad -- Ch. 10 - Pt. 8


"Daryl, ano yan?" - Tita.

Daryl's POV. 

Agad ko namang sinend yung message ko kay anae ko. Dahil sa pagmamadali, 'k' lang ang naisulat ko.  

"Di ba, tinuruan kita ng mabuting asal sa harapan ng pagkain? Ito'y biyaya ng Diyos." - pagtutuloy niya. 

"Sorry, tita." - Ako sabay hawak sa tinidor sa lamesa.

Ngumiti naman na parang satisfied si Tita. Nga pala, ang kausap ko ngayon ay si Tita Lourdes. Ina ni JunSu. 

"Musta si Glenn?" - Tita.

(A/N: referring to JunSu *full name of JunSu: JunSu Glenn Suhoon Baek)

"Ah.. sumali po s'ya sa table tennis" - Ako.

"Ganun ba.. Naku, yang batang iyan ah ah! Walang gusto kundi magpakasarap sa buhay" - Tita.

"Hindi naman po siguro Tita.. Alam niyo na po ba?" - Ako.

"Ang alin?" - Tita. 

"May girlfriend na po siya." - Ako.

"Ang anak ko?!" - Tita. 

"Opo" - Ako.

"Naku, walang kinukwento yung batang iyun sa'kin" - Tita. 

Kumain kami dahil maglulunch na. Si Anae ko kaya, nakakain na?

"Iho.." - Tita. 

Napatingin ako. 

"Bawal yan." - Tita na tinutukoy yung konting pagtingin ko sa screen ng phone ko.

"Ah, sorry Tita." - Ako.

"Nga pala.. ngayon ang death anniversary ng asawa ko, ang Tito mo.. nakadalaw ka na ba?" - Tita matapos n'yang uminom

"Ah.. Hindi pa po eh. May Intrams pa po kasi" - Ako.

"Ay naku, pabayaan mo na lang yang Intrams na yan" - Tita.

"Pagkatapos po ng intrams, promise" - Ako.

Tumawa naman siya.Ngayon nga pala ang Death Anniversary ni Tito. Ba't ko ba nakalimutan yun?

"Iho.." - Tita na seryoso. 

Napatingin ako. 

"Nakita mo na ba yung...?" - dagdag niya. 

Napatigil ako. 

"Ahm, hindi pa po" - sagot ko agad.

Napa-ngisi s'ya sa naging sagot ko, "So nagsisinungaling ka na rin sa'kin?" Napatingin ako kay Tita. "Hindi ba't lagi mong kasama ang hinahanap natin?" seryoso n'yang sabi sabay tayo at umalis.

(Book 1) He's Dating the Ice Princess (UNPUBLISHED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon