Ch. 3 - Pt. 1 - That's his question

268K 4.6K 341
                                    

IDTIP by Filipina | Wattpad -- Ch. 3 - Pt. 1

Charice POV

San kaya kami pupunta?

"Di ka ba natatakot?" - Jaeki.

"San?" - tanong ko.

"Dahil ang bilis ng takbo ko?" - Jaeki.

Uhm, oo nga pala. Bigla akong napahawak sa balakang (bewang) niya. 

- - -

Jaeki's POV

Binigla naman ako nito. Bigla ba naman hinawakan ang balakang (bewang) ko? Unang beses ko lamang ito..--- Saglit, hindi pwede. 

"Andito na tayo" - sabi ko habang hawak ko pa yung motor ko at di pa rin siya bumibitaw sa'kin.

Napasarap ba siya sa paghawak ng abs ko? Hah

Lumingon ako sa likod. Inuga (ginalaw) ko yung likod ko. Nakayapos pa rin siya sa'kin. Ano ba to, manyak? Manyak na babae? May ganon ba? Hmm, sa bagay, you can't judge a person by its cover -- pero parang mali yun ah. May cover ba ang isang person? Amp @#$% onga, meron! Brief

"Oy!" - sabi ko.

Sinilip ko yung helmet. At.. tulog sya @#$% Akala ko may gusto sa'kin to eh! AMP

"Yo....!" - bati ni YoonJae habang buhat-buhat ko itong babae.

"Oww, new girl? Naka-playboy neto!" - Ji habang nag iinat na halatang nanunuod ng TV sa loob.

"Nah" - Ako habang inaalis ko yung susi sa motor ko. Pumasok na ako sa loob.

"Sino yan?" - Daryl na nakaupo sa sofa.

Nagtatagalog nga pala si Daryl (Gosu) pag kaharap kami. Naiintindihan kasi namin kung bakit di sya maalam magtagalog ng ayos. Iyon ay dahil -- hindi sya pumapasok.

"Well....." - panimula ko habang buhat ko pa rin yung babae.

Ibinaba ko s'ya sa sofa (kung san nakaupo si Daryl/Gosu). Kita ko namang natigilan itong si Daryl. Napatayo si Daryl habang di nya inaalis yung mga tingin nya dun kay Charice. Dahan dahan namang bumukas yung mga mata nya.

Una nyang nakita si Daryl habang kunot na kunot yung noo (dahil sa ilaw sa loob) at saka tumingin sa'kin. Nagtatanong yung mata niya.

"Nasan ako?" - tanong nya. 

"Nasa bahay ni Daryl." - sagot ni Ji sabay lapit kay Daryl at pinitik yung balikat nito.

Mamaya, tumingin tingin si Charice sa bahay. Tapos natapos na rin sa pagtingin ng bahay.

"So................ Anong kailangan niyo?" - Charice.

"Well.." - panimula ko sabay upo sa tabi nya.

"May itatanong sana kami." - tuloy ko.

"Sino? Tayo?" - JunSu na gulat na gulat.

"Ungas!" - YoonJae sabay hampas kay JunSu.

"T_ng_na!" - JunSu.

 "Oy!" - suway ni Ji na role model ng paaralan :p

"Ako na nga muna ang mag sisimula @#$%! Wala naman akong makukuha mula dito pero dahil gusto kong tumigil na kayo sa paghahanap para makapag-hangout naman tayo. AMP" - YoonJae.

Lumapit itong si YoonJae kay Charice at tumingin ng seryoso.

"Ikaw ba si..." panimula ni YoonJae.

.

.

.

"Charice?" - tuloy nya.

@#$% Ano naman daw yun?!

"Mga Ungas, syempre siya yun kaya nga nandito eh!" - Ji.

"Tsk tsk! Ako na nga!" - dagdag pa nya.

Inilagay ni Ji sa may bulsa ang isa nyang mga kamay at tumingin kay Charice.

"Kilala mo ba si.." 

.

.

.

"Daryl Seuk? Si Gosu?" - tuloy nya. 

Psh. Mga to talagang si Ji! Ayaw pang itanong matapos ang nangyari sa kanya noon eh (yung sa helmet at paa nya). 

"Gagu, kitang kilalang kilala yan sa campus." - sabi ko naman. 

"Ako na lang" - Daryl.

Lumapit si Ji kay Daryl sabay tapik ulit sa may balikat nito.

"Wag kabahan" - sabi ni Ji sabay tawa ng nakakaloko.

"Baliw! Wag mo ipahalata" - Daryl.

Mamaya, naramdaman namin ang sobrang lamig na hangin. Mukhang naiinis na ata itong si Charice dahil sa mga tanong namin. Mamaya pa'y nakita na lang naming nagtitigan silang dalawa.

Umubo muna si Daryl bago magsalita.

.

.

.

"Ikaw ba ang matagal ko ng hinahanap na babae? Ang long lost gangster na ang codename ay: Ice Princess?" - tanong ni Daryl na dahilan ng katahimikan naming lahat.

(Book 1) He's Dating the Ice Princess (UNPUBLISHED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon