Ch. 6 - Pt. 7 - Unexpected Meeting

255K 4K 149
                                    

IDTIP by Filipina | Wattpad -- Ch. 6 - Pt. 7

"Uy Chaaa! Tara sa Cavite! Merong sale dun! Bumili tayo ng mga gamit dun! at syempre, pasyal pasyal na rin!" - Bianca.

Charice POV

Ayan, obvious ba? Labasan na kaya ayan, si Bianca, kinukulit na naman ako!

"Wag na. Tinatamad ako eh" - Ako.

Ngumuso lang s'ya. Ako naman, binigyan ko lang s'ya na look na parang diring diri ako sa pag nguso nya.

"Miss mo lang si Gosu!" - Bianca sabay pout.

No way =___=

"Ang lakas mo namang mang yaya. Magkano ba pera mong naipon?" - tanong ko. Curiosity killed the cat, sabi daw ni Lance Mariano ng Sadist Lover. 

"4 thousand... three hundred fifty!" - Bianca habang kinukuha yung wallet nya to make sure kung tama yung sinabi niya.

"Ikaw?" - tanong nya.

"2 thousand twenty." - Ako.

"Whuuuttt! Akala ko may ipon ka pang 3k noon! Gastusera!!!" - Bianca. 

KAAAAY. Kailangang isigaw?! Eh sa minsan na lang mang utos si Mama eh (ginawang trabaho XD)

"Sya! Ipagsama na lang natin pera natin!" - Bianca.

Kinuha na namin yung bag namin sa room at saka umalis. Isa kasi kami sa mga cleaners eh kaya ayan, mag hihintay muna ng 10 minutes bago umalis. Yung iba naman, naglilinis pa. Yung iba, umalis na. E di sa may gitna lang kami. Nag ayos ng konti at umalis na rin :p 

Sumakay talaga kami ng bus. E taga Batangas kami tapos ang layo ng pupuntahan. Cavite kaya! 

"Ba't naman sa Cavite tayo pupunta?" - tanong ko.

"Para makita rin naman natin ang Cavite bago tayo mamatay!" - Bianca.

"Ang drama mo!" - sabi ko. 

Di ko alam kung kelan kami nakababa ng bus pero ayan -- dahil nagtutunugan na ang aming mga tiyan, kumain muna kami. 

"San tayo kakain?" - tanong nya. 

Nakakita kami ng kalenderyaaa~! Miss ko na rin kumain dito kasama ang mga g@goes (parang potatoes lang!) 

I'm referring to my past life nga pala. Mga g@goes tawag ko sa mga co-gangsters ko. Lagi rin naman kaming libre ni Bianca nun kaya ayan, nasanay kami ng may nanlilibre sa'min (buhay libre)

"Ate, ano to?" - Bianca.

"Caldereta neng." - Manang.

"Ah. Dalwa po nito at dalwang kanin. Dalwa rin pong sakto at yung free soup po ah!" - Bianca.

"Sige sige, kayo ay umupo muna." - Manang.

So umupo muna kami.

"Tol, nakakamiss sina Ice Princess noh!" - ??? Lalakiii?! 

Napatingin kami ni Bianca -- WFH!!! What the F_cking Hell! Sina Drake, Zander, Royce at Gerald yun ah! Speaking of which, ang mga g@goes!!! Grabetey, parang kanina ko lang kinukwento tapos ganito?! Ganito ba talaga ang story? Napaka-cliche! XDDD

Nakatingin lang si Bianca sa'kin. Ooops, I forgot, we don't have makeup so, di kami makikilala.. Sadly! Ngumiti lang si Bianca kasi alam ko rin, miss na rin niya ang mga yan.

Walo nga pala kami sa gang namin. Ako yung rank 1 noon. Si Bianca, rank 2, si Thunder ang 3 ang pinaka bata saming lahat (sya yung pinsan pala ni Gosu -- na di naman kami kilala as Charice & Bianca herself. Gets nyo ba? Kilala nya kami both pero not our true identities), si Drake ang 4, si Lightning Storm *code name lang niya yan* ang 5, si Zander ang 6, si Royce ay 7, at si Gerald ang 8. Akalain mo yun, hanggang ngayon dito pa rin sila nakain?! 

Di naman sila taga Cavite eh. Ang alam ko si Royce taga Cavite. Baka lumipat sila nung sinabi namin na we're quitting?! Di nga nila matanggap nun pero natanggap naman nila. No choice! 

Dumating na si Manang. Dala niya yung mainit na caldereta at sumunod si Manong na may dalang sabaw. Mag-asawa po sila. So, kumain na kami. Pagkatapos eh nagbayad na kami. Bago kami umalis, tiningnan ulit namin sila. Ang tatangkad na nila! Dati ako pinakamatangkad eh! 

"Tara na!" - Bianca.

Naglakad na kami. Malapit lang naman siguro dito ang SM Bacoor eh. Sale daw ngayon (balita ko). Pumunta lang kami at namili dun. Dami ngang tao eh. Mga 8 pm na kami nakauwi. Pagdating na pagdating ko eh may sumalubung ke-agad. Sino pa nga ba?! 

"San ka nang galing?"

"Alam mo bang halos mabaliw ako para malaman kung nasan ka?"

"Buti na lang si Bianca ang kasama mo."

"Alam mo bang chineck ko ang mga hospitals kung sakaling na confine ka?"

"Akala ko madadatnan kitang galos galos."

"Pero naalala ko nga pala.. ikaw nga pala ang pinakamagaling na..." - tumingin sa'kin si Mama at akma akong yayakapin na parang idol nya ako.

"Tsk. Ang drama niyo. Alis! Papasok ako!" - Ako = u = d

"Syempre ikaw ang aking pinakamagaling na anak~" - sabi ni Mama sabay yapos sa'kin.

Eww man, hinayaan ko na lang sya. Pero duh, di ako yumakap! Sya ang yumakap!

(Book 1) He's Dating the Ice Princess (UNPUBLISHED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon