Part 34

3.1K 47 0
                                    

gumalaw ako at siniksik ang sarili ko sa isang bagay na nasa aking tabi

teka...

unti unti kong dinilat ang aking mga mata at nakita kong nakahiga na ako sa aking kama

anong nangyari? paano ako nakarating dito?

Napaupo aki at sinusubukan kong alalahanin ang nangyari kagabi.

Nakatulog ba ako?

"Gising ka na pala.."  napalingon ako sa taong nag salita

"Nakatulog ba ako?"

"Oo" sabay tawa "Sobrang pagod na ata ang katawan mo kaya bumigay ka at di mo na kinaya"

"A-ah. pasensya" sabi ko habang nakayuko

"Oh? anong problema?" sabi ni Sean habang itinaas ang aking mukha upang mag tama ang aming paningin

ramdam kong nag init ang aking mukha. Paano ba ako dapat umakto?

Nanigas ako ng ngumiti sya habang nakatingin sa aking mga mata

Napakagwapo nya talaga

"Naiilang ba sa akin ang aking pinakamamahal na Princessa?"

"H-hindi no!" pag laban ko

tumawa naman sya at hinalikan ako sa noo "Dapat lang, kasi simula ngayon lagi mo na akong makikitang nasa tabi mo."

napangiti naman ako

"Ang sarap sa pakiramdam na una mong makikita pag mulat ng mata mo ay ang mukha ng taong mahal mo" Hinawakan ko ang kanyang mukha

"Hindi pa din ako makapaniwala na nandito ka ulit, Sean"

"Paniwalaan mo dahil hindi na ako muli pang mawawala sa tabi mo. Pag lilingkuran kita, mahal ko"

bigla namang bumagsak ang mukha ko.

"Anong problema, Princess?" Punong puno ng malasakit nyang tanong

"Wala" Iling iling ko

"Umakyat ako para gisingin ka kaso mukhang gising ka na.. nakakapanibago nga eh" sambit nya bago kamutin ang batok nya at bago sya tumawa

"Grabe talaga kayo sakin!!"  hampas ko sa braso neto

"Sige, sige titiisin ko lahat ng hampas mo sa akin basta't halika na at kumain na tayo ng agahan" sabi ni Sean bago ako inalalalayan patayo

Pag kababa namin ay sinalubong kami nila Mommy sa dinning table

"Goodmorning, Ate"

"Goodmorning din, Navia" bati ko pabalik "Goodmorning, Mommy" Bati ko sa kanya bago bumeso pero kinurap kurapan lang ako neto

"Why, Nay? Is something wrong? May nararamdaman ka ba?" nag aalalang sambit ni Sean

"May masakit ba, Nay?" dagdag pa ni Navia

"Hindi" Umiiling nyang sagot sa aming lahat "Nagulat lang ako.. Ang bilis mong bumangon" wika sa akin ni Mommy

"Grabe talaga!" Hirit ko "Ang sama nyo sa akin!" biro kong maktol sa kanila habang pabirong hinahampas ang braso ni Sean.

"Oh tama na" nakangiting sabi ni Sean bago ako hilain para hagkan

"Grabe ano. ang aga aga diadiabetisin kami dito ni Nanay" Pang aasar na sambit ni Navia

"Navia, hayaan mo na sila. Ganyan talaga ang epekto pag natamaan ka na ng tamis ng pag ibig" pag papaliwanag ni Mommy.

nakakatuwang makita si Mommy na magsalita tungkol sa mga ganitong bagay. Kitang kita mo ang saya sa pananalita nito

attracted to my daddy (COMPLETED)Where stories live. Discover now