Part 33

3K 46 2
                                    

sumikat na yung araw pero isang oras palang ang naitutulog ko. pano ba naman ang daming tumatakbo sa isip ko

Bakit ako nagawang lokohin ni Jude?

Bakit ganito ang tadhana sakin?

kamusta na kaya si Dad? for sure alam na nya na nawawala ako.

Hindi na ba talaga gagaling si Mom? mawawala na ba talaga sya sa akin and this time, It's for real?

Bakit ako tinanong ni Sean ng ganun? mahal pa ba nya ako? bakit nya ako iniwan? nasaktan ko ba sya???

"urgh!"

napatayo ako at napailing.

"sakit sa ulo tong buhay na to."

napag desisyonan ko na bumaba at mag timpla ng gatas.

----

nasa kusina na ako at umupo ako sa counter habang hinahalo ang gatas na katitimpla ko palang.

"Ay!" gulat kong sabi nang biglaang may isang bulto ng tao na bigla nalang na nasa harapan ko  "I-ikaw lang pala, Sean"

tinignan nya ako pero parang may kakaiba. tinitigan ko sya sa mga mata nya. ang mga mata niyang walang kaemosyon emosyon, ang mga mata nyang nakatingin sa akin na para bang wala lang ako sa kanya

"ayos ka lang ba?" tanong ko pero tinalikuran lang ako nito at nag lakad sya ng mabagal para malampasan ako kahit papaano

"a-anong gusto mo? gusto mo ba ng kape? gatas? pag kain? ipag hahain kita"  pag aalok ko

ngunit tinapunan nya lamang ako ng tingin.

May problema ba? may ginawa ba akong masama?

tinatanong mo pa. sinaktan mo sya kanina.

kumuha lang sya ng tubig at tsaka tuluyang umalis sa kusina.

Naramdaman ko yung kirot sa puso ko. Masakit. Masakit na para bang wala akong  kahit anong halaga sa kaniya.

pero bakit?

Dahil siguro mahal na mahal ko pa din sya. Miss na miss ko na ang taong palakad lakad lang sa harapan ko. Gusto ko syang yakapin, gusto ko syang hagkan pero parang may napigil sa akin na gawin yun.

bumuntong hininga ako bago uminom ng gatas. nakatungo lang ako habang patuloy na hinahalo ang inumin na hawak ko

"pinapahirapan mo lang sarili mo eh. ano bang problema? hay. Mahal mo pa ba? Ano bang gusto mo? anong gusto mong gawin?"

"pakinggan mo ang puso mo" kamuntikan akong malaglag ng marinig ko si Mom.

"M-mom? a-akala ko po nag pahinga na kayo?"

"Oo anak. nakatulog na ako kaso naalimpungatan lang ako at nauuhaw"

bumaba ako sa counter upang alalayan si Mama

"Dapat ho ay hindi na kayo lumabas at inutos nyo nalang sa personal nurse ninyo.. Mom naman eh"

"Anak. maganda din na kahit minsan ay gumalaw galaw ako. nakakalakas iyon"

"baka po mapahamak lang kayo lalo" pangaral ko

"Eh ikaw? bakit di ka pa nag papahinga?"

"N-nakatulog na din po--"

"ops. wag mo ng ituloy yang palusot mo. alam ko na pahirapan kang gisingin pag nakatulog ka na. Mommy mo ako.. kilala kita"

I sighed.

attracted to my daddy (COMPLETED)Where stories live. Discover now