POOT

386 14 0
                                    

Galit ako.

Galit na galit ako sa kanila
Sa hindi nila pakikiramay

Galit na galit ako sa'yo
Sa hindi mo pagmamahal

Galit na galit ako sa kanila
Sa pananamantala

Galit na galit ako sa'yo
Sa hindi mo pagseseryoso

Galit na galit ako sa kanila
Sa mga paratang nila

Galit na galit ako sa'yo
Sa hindi mo paniniwala

Pero higit sa lahat,
galit ako sa sarili ko.

Galit ako sa sarili ko
Sa pagiging magaling magtago

Galit ako sa sarili ko
Sa galing kong magpanggap.

Galit ako sa sarili ko
Sa pagngiti sa problema

Galit na galit ako
Sa hindi ko pag-iyak.

Galit na galit ako
Dahil hindi ako marunong magpakita ng basag

Galit na galit ako
Dahil tayo pa din ako ng tayo sa bawat pagdapa.

Poot, galit, kasuklaman.

Lahat ng iyon ay sasabog na sa puso ko.

Kaya sana maintindihan mo kung bakit ako nagkakaganito.

Sana maintindihan mo na mamatay ako
Na may galit sa puso ko.

Forever | ✔ |Where stories live. Discover now