Mahal kita, Mahal mo siya

1.5K 60 20
                                    

Mahal kita, Mahal mo siya
Prinsesa siya, ako tanga

Akala ko kasi pwedeng maging tayo
Hindi ako nakinig sa kanilang mga payo
Nagbulag-bulagan ako para sa'yo

Kaso masakit na
Hindi ko na yata kaya
Gusto ko nang lumaya
Sa mapang-akit mong mga mata

Naisip mo bang tumigil muna ng saglit?
Para ako'y pagtitigan at mapili bilang kapalit?
Naisip mo bang ang kumpyansa ko'y lumiit?
Simula ng magsabi ka ng mga salitang maanghang at mapait?
Bakit pa kasi ang pag-ibig ko sa'yo ay sa ganito lang sumapit?

Ngunit ngayon ayoko na
Ayoko nang maging tanga pa
Isusuko na ang lahat dahil ito ay tama
Wasak na ang puso ko, para mo nang awa
At pagod na akong maging isang kawawa
Mahal mo siya, at wala na akong magagawa

Forever | ✔ |Where stories live. Discover now