Tanong at Sagot

818 22 2
                                    

Tiningnan kita, mata sa mata
Hinawakan kita, balat sa balat
Tinanong kita, puso sa puso

Mahal mo ba ako?
Sinagot mo ako ng oo
Mahal mo pa ba siya?
Sinagot mo ako ng hindi

Tinanong ulit kita
Mahal mo pa ba siya?
Nang hindi ka nagsalita
Nakuha ko ang sagot ko

Oo mahal mo pa siya
At wala na akong magagawa
Kung hindi umiyak
At patawarin ka

Forever | ✔ |Where stories live. Discover now