P u n y e t a

440 23 1
                                    

Akala ng iba, kapag malungkot ka, ay nagdadrama ka lang.

Akala ng iba, kapag umiiyak ka, ay kumukuha ka kang ng simpatiya.

Akala ng iba, kapag palagi  kang nakangiti, ay wala ka ng problema.

Pero punyeta.

May alam ba sila?

Alam ba nila ang bigat na nararamdaman ng isang taong nagpapanggap na masaya?

Alam ba nila ang bigat ng bawat patak ng luhang pinipigilang kumawala?

Alam ba nila ang bigat ng bawat desisyon upang magpatuloy pang huminga?

Punyeta, hindi nila alam hindi ba?

Forever | ✔ |Where stories live. Discover now