Hindi mo alam

438 17 1
                                    

Alam mo ba ang pakiramdam na mag-isa?
'Yung tipong napapalibutan ka na nila
Pero ni isa ay hindi ka masalba?

Alam mo ba ang pakiramdam ng nawawalan ka ng hininga?
'Yung tipong kahit gusto mo pang lumaban pero mismong katawan mo, suko na?

Alam mo ba ang pakiramdam ng iniwan?
'Yung tipong akala mo ay babalikan ka pero 'yun pala, kinalimutan ka na?

Alam mo ba ang pakiramdam ng pinaasa?
'Yung tipong malakas ang paniniwala mo sa kaniya, pero sa huli ay binigo ka din niya?

Alam mo ba?

Alam mo ba?

May ideya ka ba kung anong impyerno ang pinaparanas mo sa akin?
Alam mo ba ang galit na nadarama ko para sa atin?

Siguro nga ay hindi mo nga alam.

Siguro ay hindi mo lahat ito napag daanan.

Siguro nga ay tama sila.

Tama sila ng sabihin nilang ikaw ang hindi marunong sumalba.

Ikaw ang hindi lumaban

Ikaw ang nang-iwan.

Ikaw ang sumuko.

Ikaw ang walang alam.

Forever | ✔ |Where stories live. Discover now