Bakit?

959 39 0
                                    

"Bakit masakit ang iwanan?"

Itinanong mo sa akin.

Ngumiti lang ako sa'yo noon at nag simula ng mag-salita.

"Kasi umasa ka na walang hanggan ang pagmamahal niya. Kasi umasa ka sa mga pangako at matatamis niyang salita. Kasi sa unang pagkakataon sa buhay mo, naniwala ka na may isang taong handang samahan ka sa lahat ng bagay, suportahan ka sa lahat ng desisyon na ginagawa mo, mahalin ka ng walang hanggan at higit sa lahat ay hindi ka iiwan at babaliwalain lang ang mga oras na ginugol niyo sa isa't isa.

Masakit ang maiwan kasi nagmahal ka."

Tiningnan mo ako na may lungkot sa'yong mga mata at sinabing:

"Mukhang alam mo pala ang dahilan. Pero bakit ganoon?
Bakit mo pa din ako iniwan?
Bakit mo pa din ako hinayaang masaktan?

Bakit?"

Forever | ✔ |Where stories live. Discover now