CHAPTER XXVIII I Still Love You!

14K 228 24
                                    

ALEX's  P.O.V

Ilang linggo na rin akong nagpahinga simula ng maaksidente ako,ngayon na ok na ako at ok naman na ang lahat ay gusto ko ng ituloy ang balak ko na magpunta sa Europe at mag stay dun ng matagal.

“Megan pwede ka bang pumunta dito?”  text ko kay Megan

Ilang sandali lang ay dumating si Megan

“Bakit Alexis may problema ba?”   tanong ni Megan

“Balak ko kasi na sa Europe muna ako mag stay”   sagot ko

“Bakit naman? Pero tama ka makabubuti yun para sayo.”  Megan said

“Gusto ko sana na ikaw muna mamahala ng company ko,alam mo naman na wala akong ibang pamilya at inaasahan dito”  pakiusap ko kay Megan

“Pero Alexis paano na yung mga gimik ko,masyadong seryoso yung trabaho na yun”   pag aangal ni Megan

“Megan please..tutulungan ka naman ng mga staff ng company and hindi ka pababayaan ng mga yun,magseryoso ka naman”   pilit ko

“O sige na nga basta makabubuti para sayo”  payag ni Megan

“Thank you bestfriend maaasahan talaga kita”  pasalamat ko

“Kelan ba yung flight mo?”  tanong niya

“Sa Wednesday na”   sagot ko

“Agad agad?”   naaasar na sabi ni Megan

“Monday pa lang naman ngayon ah! Halika bonding tayo?”  sabi ko

 “Mamimiss kita..”   seryosong sabi ni Megan

“Mamimiss din kita”  sagot ko sabay yakap sa kanya

“Halika na nga baka magkaiyakan pa tayo”   Megan said

Nagpunta kami ni Megan sa favorite naming restaurant at kumain ng marami,sa totoo lang ay parang magkapatid na kami ni Megan siya lang kasi yung laging nandiyan para sa akin,hindi niya ako iniiwan kahit anong mangyari.

CATHY's  P.O.V

Isang linggo na lang at ikakasal na kami ni Fred,hindi na nagparamdam o nagpakita pa sa akin si Alexis.Iniisip ko kung tama ba na magpakasal ako kay Fred dahil mahal ko pa si Alexis pero kung sakali man ay hindi ko alam kung paano ako uurong sa kasal.i’m not pregnant naman ,kasi dinatnan ako.

Sinundo ako ni Fred at dinala ulit sa bahay na  pinuntahan namin nung nakaraan gusto raw niya kasi na mag usap kami tungkol sa setting ng kasal.

Nang makarating kami sa bahay

“Babe alam mo excited na ko sa  kasal natin,sorry last time na nagkasagutan tayo”   sabi ni Fred

“Sorry din Fred”  sagot ko

Lumapit sa akin si Fred at hinalikan ako habang gumagapang ang mga kamay niya sa maselang bahagi ng aking katawan pero itinulak ko siya

“Fred ano ba?”  galit kong sabi

“Bakit ano bang masama sa ginagawa ko? magiging mag asawa na tayo diba?”   sagot ni Fred

“Akala ko ba dinala mo ako dito para mag usap tayo?”   galit ko pa ring sabi

“Halika nga dito nagpapakipot ka pa”   Fred said sabay hila sakin

Pinupwersa niya akong gawin ang gusto niya kaya nagpumiglas ako pero sinampal niya ako ng malakas at ramdam ko ang sakit ng ginawa niyang pagbubuhat ng kamay sa akin.

Marrying a Stranger Part 2 (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon