CHAPTER XVII I Know It's Over!

9.6K 159 16
                                    

ALEX's  P.O.V

Dapat ko na nga siguro talagang isuko si Cathy,pagod na kong masaktan,isa pa malabo ng mapatawad niya pa ako.Nanghihinayang ako sa pinagsamahan namin,sinayang ko lahat.

“tok….tok…tok…”

“Ma’am Alexis hinahanap po kayo ni Ma’am Megan”   manang said

“Ok Manang pakisabi pababa na ko”   sagot ko

Nang makababa ako ay nakita kong bihis na bihis si Megan

“Oh bakit mukhang ayos na ayos ka?”  tanong ko kay Megan

“May pupuntahan kasi tayong party,samahan mo ko? Nag invite kasi si Jenny”   Megan said

“Kayo na lang ,bakit kailangan pang kasama ako?”  sabi ko

“Wala ka naman gagawin dito,tsaka para malibang ka na rin,magbihis ka na go!”   pilit ni Megan

“Ok..ok sige na..”  payag ko

Wala ako sa mood makipag party party at gabi na gusto ko na sanang magpahinga kaso mapilit si Megan

Nang matapos akong magbihis ay umalis kami agad ni Megan at mabilis rin naman kaming nakarating sa aming pupuntahan,sa labas pa lang ay sinalubong na kami agad ni Jenny

“Oh buti naman at napilit mo na isama dito si Alexis”   Jenny said to Megan

“Si Megan kasi mapilit”   sagot ko

“Halika pasok na tayo sa loob.”   Aya ni Jenny

Pagpasok pa lang namin ay marami ng tao pero pinagreserve kami ni Jenny ng table.

“Babe ano nga palang celebration dito?”   Megan said to Jenny

“Babe basta mamaya”   Jenny said to Megan

Ilang minuto lang ay nagsimula na ang party,puro love songs pa ang pineplay kaya mas lalo akong nalulungkot,ayoko naman kasing sumama dito kaya lang mapilit si Megan.

Habang nakaupo ako ay may napansin ako na kakilala ko na sinasalubong ni Jenny,nagulat ako na si Samantha ang nakita ko.

“Megan alam mo ba to?”   tanong ko

“Ang alin ba?”   sagot ni Megan

“Si Samantha bakit kilala ni Jenny bakit kasama niya?”   galit kong tanong

“Alexis hindi ko alam,hindi ko nga alam na magkakilala sila at isa pa hindi ko pa ulit nakikita si Samantha”   paliwanag ni Megan

Palapit sa amin si Jenny kasama si Samantha gusto kong umalis pero hindi ako makatayo dahil nakaupo ang lahat.

“Babe….Alexis…si Samantha cousin ko”   pakilala ni Jenny kay Sam

“Alexis? Bakit nandito ka?”   tanong ni Samantha

“Cous..magkakilala kayo?”   Jenny said to Sam

Hindi ako sumagot at ganun rin si Samantha,tumabi sa akin si Samantha pero hindi kami nag uusap,bakit ba napakaliit ng mundo para sa amin.

Ilang sandali lang ay may nagsalita sa harap namin at nakita kong si Fred ang tao na yun.

“Thank you so much sa mga taong nandito ngayon,eto na yata yung pinaka masayang araw sa buhay ko,thank you sa family ko at sa mga friends ko para suportahan ako.Hay..kinakabahan ako,paano ko ba to uumpisahan”    Fred said habang nagsasalita hawak ang microphone

“Go…..sabihin mo na”    hiyaw ng mga taong nasa party

“Heto na….hay! nakakaba talaga,..Cathy pwede bang lumapit ka dito?”   Fred said

Si Cathy nandito?Sadya ba talagang napakasikip ng mundo para sa amin?Gusto kong tumakbo ng napakalayo at bigla na lang maglaho.

CATHY's  P.O.V

Ininvite ako ni Fred sa isang okasyon na hindi ko alam kung ano,maraming tao at pinagbihis niya ako ng maganda,nagtataka ko kung bakit niya ako pinalalapit sa kanya at naghihiyawan ang mga tao.

“Cathy will you marry me?”   biglang sabi ni Fred

Hindi ko alam ang sasabihin ko at kinakabahan ako sa rami ng tao,habang ipinapalibot ko ang aking mga mata ay nakita ko si Megan at Alexis kasama si Jenny at Samantha,bakit sila nandito?

Habang nakatingin ako kay Alexis ay nasabi ko kay Fred na

“Yes Fred I will marry you”  

Hindi ko alam ang nararamdaman ko,pero naiyak ako hindi ko alam kung bakit,gusto kong magsimula ulit kasama si Fred pero ng makita ko si Alexis bumabalik yung sakit.Niyakap ako ni Fred at nagpalakpakan lahat ng tao,ang iba lumapit pa at nagsabi ng congratulations,nang tumingin ako sa kinaroroonan nila Alexis ay wala na sila ron,bakit kasama ni Samantha si Alexis?

ALEX's  P.O.V

Mabilis akong umalis sa party at tumakbo palayo dahil hindi ako makahinga sa sakit na nararamdaman ko.

“Alex wait…”   hiyaw ni Samantha habang sumusunod sa akin

“Bakit ano pa ba ang dapat nating pag usapan?”   galit kong sabi

“Alexis I’m sorry hindi ko alam na si Cathy yun”  paumanhin ni Sam

“Samantha hindi na natin maibabalik ang lahat sa dati”   naiiyak kong sabi

“I’m sorry”   Sam said

Niyakap ako ni Samantha at hindi ko mapigilan ang luha ko.Nawalan na ko ng pag asa na maisasaayos pa lahat at maitatama ang mga pagkakamali ko dahil magpapakasal na si Cathy kay Fred.

Umalis ako at dumeretso sa bar para magpakalango sa alak pero si Megan sinundan ako.

“Alex ano?papatayin mo na naman sarili mo sa alak?”  Megan said

“Megan ikakasal na si Cathy sa iba”  T.T

“Alex kailangan mong tanggapin na wala na!tama na!mag give up ka na!”   hiyaw ni Megan

Muling tumulo ang luha ko at mahigpit akong niyakap ni Megan

“Alex…tama na ipahinga mo na yung puso mo,kung ano man yung nagawa mong mali sa kanya napagsisihan mo na yun,huwag mong ikulong ang sarili mo kay Cathy,kailangan mong mag move on para sa sarili mo,para makapagsimula ka tulad ng ginagawa niya”   paalala ni Megan

Uminom kami ni Megan at hindi niya ako iniwan,inihatid niya rin ako pauwi.

Kailangan ko na talagang matauhan at gumising sa katotohanan na hindi na niya ako mahal na tapos na ang lahat sa amin.

Marrying a Stranger Part 2 (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon