CHAPTER III Honey Please!

12.1K 197 0
                                    

CATHY's  P.O.V

Ilang linggo na rin akong nagwowork,at ilang linggo na rin akong pinipilit ni Alex na tumigil na sa pagtatrabaho.

“Honey pasok na ko”  paalam ko

“Ihahatid kita”  sagot ni Alex

“Huwag na hon,diba sabi ko naman sayo kaya ko ang sarili ko,kaya wag ka ng masyadong nag aalala”  sabi ko

“Sige mag ingat ka ha!”  paalala niya

Alam kong hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ni Alex sa akin pero alam kong maiintindihan nya rin ako.Maaga akong nakarating  sa office dahil ayoko rin naman ng nale late.

“Hi”  boses ng isang lalaki

“Hello”  sagot ko

“Bago ka lang ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita.”  tanong nya

“Siguro mga 3 weeks na”  sagot ko

“I’m Fred Lim”  pakilala niya

Nang matapos siyang magpakilala sa akin ay umalis rin siya agad,guwapo siya at siguro ay isa rin siya sa mga model dito.

“Cathy halika dito mag start na tayo”  tawag ni sir Oliver

Pinapila kami isa-isa dahil mamimili sa amin kung sino ang mga  makakasama sa gaganapin na special event.May tatlong  taong nakaupo sa harap namin at sila ang mamimili kung sino ang gusto nilang isama.Nagulat ako ng makita kong nakaupo si  Fred at isa siya sa mga mamimili sa amin,sino nga ba siya?

“Ok tapos na!…lumabas muna kayo at susunod na rin ako para ianounce kung sino ang makakasama bukas”   hiyaw ni sir Oliver

“Hi magready ka na sa special event”  boses ni Fred

Napili kaya ako kaya nya nasabi ang bagay na yun?Hindi ko naman siya nagawang tanungin dahil nagmamadali rin siyang umalis.

“Cathy kasama ka sa napili,mag ready ka na, bukas  ang alis natin,3 days tayo sa Baguio”  sir Oliver said

Sobrang saya ko na napili ako pero hindi mawala sa isip ko yung pag aalala dahil alam kong hindi papayag si Alex,kaya hindi ko alam kung paano magpapaalam sa kanya.

Nang makauwi ako sa bahay ay nadatnan kong wala pa si Alex,kaya inayos ko na ang mga gagmitin at dadalhin ko para bukas.

“tok….tok…tok..”

“Hon nandito na ko,bakit nag aayos ka ng mga gamit?Saan ka pupunta?”  tanong ni Alex

“Hon ganito kasi,napili ako para sa  gaganaping special event sa Baguio,bukas na ang alis hon,3 days kami don”  sagot ko

“Bakit Cathy pinayagan ba kitang sumama don?”  galit na sabi ni Alex

“Hon importante sakin to,pwede bang suportahan mo na lang ako?”  pakiusap ko

“Cathy sa lahat ng bagay sinusoportahan kita,pero ngayon nagdesisyon ka ng basta-basta na hindi man lang ipinaaalam sa akin”  galit pa ring nyang sabi

“Dahil alam kong hindi ka rin naman papayag,Alex dito ko masaya,please naman intindihin mo.”  pagsusumamo ko

Pagkatapos ng pagtatalo namin ay umalis si Alex.

ALEX's  P.O.V

Napakasama ng loob ko kaya nagpunta ako kila Megan para magpalipas ng sama ng loob.

“Megan hindi ko na talaga maintindihan si Cathy”

“Bakit kasi hindi mo na lang hayaan kung saan siya masaya”  Megan said

“Bakit hindi ba siya masaya sa akin? Gaano ba kahalaga yung trabaho  na yun para sa kanya?”  sagot ko

“Alam mo Alex sa inaasal mo parang wala kang tiwala sa asawa mo”  sabi ni Megan

“Hindi naman sa ganon,kaya ko naman ibigay lahat ng gusto niya,ayoko lang ng nababstos siya,marami naman ibang trabaho,pwede naman sya sa company namin para matulungan na rin ako”  paliwanag ko

“Alex masyado ka nang nagiging over protective sa asawa mo at hindi na tama yan”  paalala ni Megan

Siguro nga ay nagiging over protective ako  kay Cathy pero hindi naman maiiwasan yun dahil asawa ko siya at natatakot ako dahil anytime pwede siyang makahanap ng iba.

Pero para sa ikatatahimik naming mag asawa at maiwasan ang pagtatalo ay pipilitin ko na lang na intindihin kung ano ang gusto niya,baka dahil pa sa pagiging mahigpit ko sa kanya eh masira pa ang pagsasama namin,ayoko naman na mangyari yun.

Nang makarating ako sa bahay ay nadatnan kong nakaupo at natutulog sa sofa si Cathy kaya ginising ko siya.

“Hon nandito na ako,bakit diyan ka natutulog?”  tanong ko

“Hinihintay kasi kita”  sagot niya

“Halika na sa kwarto”  aya ko

“Hon sorry ha kung lagi kong pinasasama ang loob mo”  paumanhin ni Cathy

“Hon stop… matulog ka na,maaga pa ang alis mo bukas”  sabi ko

“Hon thank you,I love you so much”  pasasalamat nya sabay hug sa akin

Hinayaan ko na si Cathy sa gusto niya at simula ngayon susubukan kong intindihin lahat ng makapagpapasaya sa kanya.

Marrying a Stranger Part 2 (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon