CHAPTER XXVII Do you still love me?

12K 179 11
                                    

ALEX's  P.O.V

Ito na yung araw na pwede na kong umuwi,may isang linggo rin yata akong nagstay sa hospital..ang sarap ng pakiramdam parang nabuhay ako ulit..Tinulungan ako ni Megan ni mommy at ni Cathy para makauwi sa bahay.

“Bestfriend nextime mag iingat ka na ha!”  paalala ni Megan

“Oo naman ngayong binigyan ako ni Lord ng second chance kailangan ko talaga tong ingatan”   sagot ko kay Megan

“Tama yan anak,salamat sa Diyos at walang nangyaring masama sayo”   sabi ni mommy

Tahimik lang si Cathy at mukhang malalim ang iniisip pero hindi na ko naglakas loob na tanungin siya.

Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa bahay,medyo nanghihina pa ko pero inaalalayan naman ako ni Megan.

“Salamat po sa inyo sa pag aalaga sa akin”   pasalamat ko

Umuwi na si Megan ng maihatid ako,pero nagstay pa ng ilang oras si mommy at Cathy para bantayan ako pero sinabi ko naman na maayos na ako kaya ipinahatid ko na sila sa driver ko para makapagpahinga na rin sila..mabuti na rin siguro na hindi kami nag uusap ni Cathy.

CATHY's  P.O.V

Bakit simula ng magising si Alexis ay nanlamig na siya sa akin,dahil ba to sa mga sinabi ni Fred nung nakaraan o sila na ni Samantha? Hindi ako sanay na ginagawa sa akin ni Alexis yung ganito.

“Anak may problema ba? kanina ka pa tahimik”   sabi ni mommy

“Si Alexis po kasi parang nag iba na siya”   sagot ko

“Anak hindi mo masisisi kung bakit ganun si Alexis sayo,diba ikakasal ka na kay Fred? Dumidistansya lang siya para hindi na maging kumplikado ang lahat at para hindi na siya masaktan”  paliwanag ni mom

Tama si mommy ikakasal na nga pala ako kaya bakit ba ko nagkakaganito? Diba ginusto ko to?

“ring..ring…ring”

Tawag ng tawag si Fred pero wala ako sa mood para sagutin ang mga tawag niya..

Wala akong sapat na tulog dahil sa ilang araw na pagbabantay kay Alexis kaya gusto kong makapagpahinga pero

“Anak nandito si Fred hinahanap ka”   hiyaw ni mommy

Lumabas ako para puntahan siya

“Babe may problema ba? bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?”   tanong ni Fred

“Sorry Fred pagod kasi ako at walang sapat na tulog gusto ko sana na makapagpahinga muna”  sagot  ko

“Gusto mo babe ng masahe?”  tanong ni Fred sabay masahe sa balikat ko

“Fred ano ka ba? kailangan ko ng pahinga!”  galit kong sabi

“Bakit ba nagkakaganyan ka ha?”  galit na sabi ni Fred

Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito pero isa lang ang alam ko nagagalit ako sa sarili ko.

“Wala gusto ko lang ng pahinga”  sagot ko kay Fred

“Gusto ng pahinga o mas nag eenjoy ka na makipaglandian kay Alexis?”  galit na sabi ni Fred

“Fred umalis ka muna please lang”  pakiusap ko

Umalis si Fred dahil sa pagtatalo namin at nagkulong ako sa kwarto hindi ko mapigilan ang pag iyak sa sama ng loob.

Marrying a Stranger Part 2 (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon