CHAPTER XXV I Need You

11.4K 187 5
                                    

CATHY'S P.O.V

Magdamag akong napuyat kababantay kay Alexis,hindi ko magawang matulog dahil natatakot ako na baka may mangyaring masama sa kanya,hindi pa siya gumigising kaya mas lalo akong nag aalala.

Nasa icu pa siya at pinuntahan ko muna si mommy at Megan

“Oh anak kamusta na si Alexis,kumain ka na,kagabi ka pa hindi kumakain”  sabi ni mommy

“Mommy hindi pa gumigising si Alexis,wala po akong ganang kumain”   sagot ko

“Anak baka ikaw naman ang magkasakit niyan”   pag aalala ni mom

“Kaya ko pa po,nasaan nga po pala si Megan?”   tanong ko

“Kumuha muna ng mga gamit  pero babalik rin daw siya agad”   sagot ni mom

Nanlalambot ako at nanghihina dahil sa nangyari na to,bakit ko ba hinayaan na umabot pa sa ganito ang lahat?Bakit hindi ko agad tinanggap ang sorry niya at bakit ako nagmatigas ng ganun sa kanya?

Nagpunta ako sa hospital chapel at nagdasal na maging maayos na ang lagay ni  Alexis at sana magising na siya.

Pabalik na sana ko sa icu para makita si Alexis pero dumating si Fred

“Babe kamusta na si Alexis?”   tanong ni Fred

“Hindi pa siya gumigising  marami  para pa raw kailangang gawing test sa kanya”   sagot ko

“Huwag kang masyadong mag alala ok? Magiging maayos din ang lahat”   Fred said sabay yakap sa akin

“Si Samantha kamusta na siya?”   tanong ko

“Stable na siya,mamaya ililipat na siya sa private room”   sagot ni Fred

“Mabuti naman at maayos na siya”   pasalamat ko

Nagpaalam muna ako kay Fred para makita si Alexis,nagpapasalamat ako dahil naiintindihan ni Fred yung sitwasyon.

Nang makarating ako sa icu ay hindi muna ako pinapasok sa loob pero kita sa window glass na tinitingnan ng mga doctor ang kalagayan ni Alexis.

Nahihirapan ako na makita si Alexis sa ganong kalagayan,kung pwede lang ay ako na lang sana ang nasa kalagayan niya ngayon.

Nang lumabas ang doctor ay minabuti ko itong kausapin

“Doc kamusta na po siya?”   pag aalala ko

“Sa mga ginawa naming test ngayon ay wala naman naging problema”   sagot ng doctor

“Salamat sa Diyos,pero bakit hindi pa po siya gumigising?”   muli kong tanong

“Sa ngayon ay kailangan nating maghintay kung kailan siya magigising pero base sa ginawa naming mga test ay wala naman injury o brain damage sa ulo niya”   paliwanag ng doctor

Napanatag ako sa sinabi ng doctor pero hindi ko makuhang kumalma hanggat hindi siya gumigising,pumasok ako sa loob para makita si Alexis pero sa bawat oras na nakikita ko siya ay hindi ko maiwasan na hindi umiyak.

“Alexis bakit ganyan ka lagi mo akong pinaiiyak,sabi mo gusto mong lagi akong nakikitang masaya?”   bulong ko sa kanya T.T

Hindi ko mapigilan ang emosyon ko dahil hindi ko kakayanin na mawala siya sa buhay ko.

“Alexis gumising ka na please…”  

Habang tinitingnan ko siya ay hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko.

“Mahal pa rin kita alam mo ba yun? Kaya please gumising ka na Alex”   umiiyak kong sabi habang hawak ang kamay niya

Mahal na mahal ko pa rin pala si Alex nabulag ako ng galit ko sa kanya sa huli ako pa rin pala ang masasaktan ng ganito.

Marrying a Stranger Part 2 (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon