CHAPTER XIII I Don't Want You Back!

9.7K 160 1
                                    

ALEX's  P.O.V

Ilang araw na kong parang wala sa sarili kahit anong pilit ko na bumalik si Cathy, parang hindi na mangyayari dahil sa sobrang tindi ng galit niya sa akin,pero hindi ako susuko hanggat hindi siya bumabalik sa akin.

Araw araw kong pinupuntahan si Cathy sa hotel na tinutuluyan niya hanggang isang araw na magpunta ko ay wala na sila ni mommy dun,hindi ko alam kung nasaan na sila ngayon,ano ng gagawin ko,wala na ba talagang pag asa para sa amin?

Araw araw rin ay nilulunod ko ang sarili ko sa alak para kahit paano ay makalimutan ko ang sakit kahit sandali,hirap na hirap na ko at parang hindi ko na kayang magsimula ng wala si Cathy sa buhay ko. TT.TT

“ring…ring..ring”

Madalas tumawag si Samantha pero wala akong balak sagutin isa man sa mga tawag niya,nasira ang lahat dahil sa kanya.

CATHY's  P.O.V

May ilang linggo na rin ang lumipas na hindi na kami nagkikita ni Alex,mahirap sa akin ang lahat pero gusto kong makamove on at magsimula ulit ng wala siya,masyadong umikot ang buhay ko sa kanya ngayon gusto ko naman na mahalin ang sarili ko..wala na rin kaming contact nag iba na rin kasi ako ng number at gusto ko ng malimot ang lahat,magsisinungaling ako kung sasabihin ko na hindi ko na siya mahal pero kailangan ko na siyang kalimutan dahil hindi naman niya ako pinahalagahan.

Nagpakalayo layo na rin kami ni mom kay Alexis,kumuha kami ng isang apartment para sa amin ni mommy..

“tok…tok…tok…”

May kumakatok pero natatakot akong buksan dahil iniisip ko na baka si Alexis ang nasa labas ayoko na siyang makita kaya sinilip ko muna at nagulat ako ng makita ko si Fred kaya pinagbuksan ko siya.

“Oh Fred paano mo nalaman na dito ko nakatira?”   tanong ko

“Siyempre ako pa!”   sagot ni Fred sabay smile

“Halika pasok ka,bakit  ka nga pala nandito?”  muli kong tanong

“Namiss kasi kita,bakit umalis ka na sa pagmomodel? Alam mo lagi akong malungkot simula nung umalis ka”   Fred said

“Bakit naman?”  nagtataka kong sabi

“Siyempre special ka kaya sakin”   pagbibiro niya

Naalala ko si Alexis dahil madalas niyang iparamdam sa akin na special ako,namimiss ko pa rin siya pero ayoko na,natatakot na rin ako na makita siya dahil baka bigla akong bumigay.

“Oh bakit natahimik ka?”  tanong ni Fred

“Hmmm wala may naalala lang ako”   sagot ko

Nawala na rin sa isip ko na kapatid nga pala ni Samantha si Fred,pero hindi ako pwedeng magalit na lang kay Fred ng walang dahilan dahil magkaiba sila ng kapatid niya.

“Fred yung totoo,bakit nandito ka?”   muli kong tanong

“Cathy gusto kong bumalik ka sa pagmomodel..please?”  pakiusap ni Fred

“Fred nakakahiya ng bumalik pagkatapos ng pagreresign ko ng biglaan”   sagot ko

“Cathy ano ka ba? akong bahala sayo! Sige na please?”   Fred said

“Hindi ba talaga nakakahiya? Hmmmm sige kung pwede pa akong bumalik bakit hindi”   sagot ko

“Talaga? Yes! Sabi na mapapapayag kita…hindi na ko malulungkot niyan,thank you Cathy”   masayang sabi ni Fred sabay hug sa akin

Nagulat ako sa biglang pag yakap sa akin ni Fred kaya napakislot ako para malaman niya na hindi ako comfortable sa ginawa niya.

“Cathy sorry,masaya lang kasi ako,pano bukas mag start ka na ulit ha!”   paumanhin niya

“Salamat Fred ha malaking tulong to,salamat talaga!”  pasalamat ko

Pumayag ako sa gusto ni Fred na bumalik sa pag momodel dahil na rin kailangan ko ng trabaho at isa  pa ay gusto ko talaga ang pagmomodel,para na rin may mapaglibangan ako nang mas mapabilis ang pag momove on ko.

ALEX's  P.O.V

Marami na akong pinagtanungan para malaman kung nasaan si Cathy pero wala ni isa man ang nakaaalam,si Gail naman kahit anong pilit ko na sabihin niya kung nasaan si Cathy ay lagi niyang sinasabi na hindi niya alam pero sigurado ako na alam niya at ayaw niya lang sabihin sa akin.Pinuntahan ko ulit si Gail para magbakasakali.

“Gail please naman oh,nagmamakaawa ako sayo sabihin mo na kung nasaan si Cathy,hirap na hirap na kasi ako”   pakiusap ko TT.TT

“Alexis sorry hindi ko talaga alam”   sagot niya

“Gail alam kong alam mo,oo dapat kong maranasan yung paghihirap na to pero Gail bigyan mo naman ako ng chance para itama yung mga pagkakamaling nagawa ko”   naiiyak kong sabi TT.TT

“Alexis sasabihin ko sayo yung totoo,ayaw ka ng makita ni Cathy,gusto niyang magsimula ulit ng wala ka,hayaan mo na siya dahil yun ang makakabuti para sa inyo”   paliwanag ni Gail

“Ganun ba?Gail pakisabi na lang sa kanya na sana dumating yung panahon na mapatawad niya ako,salamat”   TT.TT

Ang hirap dahil sa araw araw na lumilipas ay mas lumiliit ang chance na maayos pa ang lahat.

CATHY's  P.O.V

Mahirap magsimula ng panibago,mahirap masaktan at napakahirap na tanggapin na niloko ka ng taong pinakamamahal mo,bawat oras ay hindi mawala sa isip ko ang panloloko na ginawa sa akin ni Alexis at halos gabi gabi rin akong umiiyak dahil don.Lagi kong tinatanong sa sarili ko kung bakit niya nagawa? dahil hindi naman ako nagkulang sa kanya.

“ring…ring..ring”

Tumatawag si Gail kaya sinagot ko

“Friend galing dito si Alexis,pinipilit niya ako na sabihin kung nasaan ka”   Gail said

“Gail please lang huwag na huwag mong sasabihin”   pakiusap ko

“Hindi ko naman sinabi teh at sinabi ko na yung totoo na ayaw mo na siyang makita at desidido ka ng kalimutan siya para matauhan,pero friend hindi mo na ba talaga siya kayang bigyan ng pagkakataon kasi friend ibang iba na siya ngayon”   sagot ni Gail

“Paanong iba?”  tanong ko

“Parang wala siya sa sarili at parang pinagbagsakan ng mundo,teh inaamin niya lahat ng pagkakamali niya at halatang pinagsisisihan niya lahat yun.”   Gail said

Ayoko ng makarinig ng kahit ano tungkol kay Alexis dahil mas lalo lang akong nasasaktan kaya pinagbabaan ko na lang si Gail.

Marrying a Stranger Part 2 (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon