Wattpad Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte

Chapter 5

1.3M 15.4K 5.1K
                                    

Hello, readers!
This story has been selected for Wattpad's Paid Stories program. Thank you! ❤️

• • •

IT'S BEEN THREE days since I met with Zian. At simula noon, hindi na naging maganda ang pakiramdam ko.

Nilalagnat ako hanggang ngayon. Halo-halo na kasi ang takot na nararamdaman ko. Una, dahil hindi pa rin alam ni Allen na nagbalik si Zian at nagkita pa kami. Pangalawa, dahil sa sinabi sa 'kin ni Zian na wala siyang balak lubayan ako.

Hindi ko na alam ang gagawin, natatakot ako sa mga pwedeng mangyari.

Heto nga't tumataas na lalo ang lagnat ko. Buong araw lang akong nakahiga rito sa kama. Kahapon medyo kaya ko pang kumilos, pero ngayon, hinang-hina na talaga ako. My eyes are heavy and I'm shivering. Balewala nga na nakabalot na ako ng comforter ngayon at patay na ang aircon. Nilalamig pa rin ako.

Ilang sandali pa ay narinig ko nang dumating ang sasakyan ni Allen. Maaga yata siyang nakauwi ngayon. Ala-sais pa lang.

Gusto ko sana siyang salubungin at pagbuksan ng gate, pero ang bigat talaga ng katawan ko. Hinintay ko na lang siya na makaakyat dito.

Maya-maya pa, napansin ko na siyang pumasok dito sa kwarto namin at padabog pang sinara ang pinto.

"Ba't walang pagkain sa baba?" sermon niya agad sa 'kin. "Hindi ka nagluto?"

Hindi ko siya sinagot. Inayos ko lang ang pagkakakumot ko.

Naramdaman ko naman na siyang lumapit sa 'kin at walang-habas na hinila 'tong nakabalot sa 'king comforter. "Puta ano bang ginagawa mo? Pagod na pagod ako sa trabaho tapos pag-uwi ko, wala pang pagkain? Sana nagsabi ka para kumain na lang ako sa labas."

Hindi pa rin ako umimik. Tinalikuran ko siya at sinubsob ang mukha ko sa isang unan.

Wala talaga akong lakas na magpaliwanag. Alam kong magagalit siya kapag nakita niyang walang nakahaing hapunan sa mesa, pero anong magagawa ko? Hindi kaya ng katawan ko. At isa pa, hindi ko naman alam na dito siya maghahapunan ngayon. Ilang araw na kasi siyang umuuwi nang madaling-araw.

Sumunod ko na lang na naramdaman ay ang pag-upo niya sa gilid nitong kama. Bigla niya akong inikot paharap. Mahina lang naman ang pagkakahila niya sa balikat ko, pero pakiramdam ko nabugbog ako.

"Tumingin ka nga sa 'kin kapag kinakausap kita."

Pinilit kong idilat nang maayos ang mga mata ko. "Sorry, hindi ako nakapagluto. Masama kasi ang pakiramdam ko."

Bigla siyang natawa na parang nang-aasar. "Ano na namang drama mo ngayon ha, Vanessa?"

"Hindi ako nagda-drama. Masama talaga ang pakiramdam ko." Hinila ko ulit ang comforter para ibalot sa katawan ko. Kulang na lang ay yakapin ko na ang mga tuhod ko para lang maibsan ang lamig.

Wala naman na akong narinig mula sa kanya. Natigilan na lang ako nang bigla niyang ilapat ang kamay niya sa noo ko, tapos sa leeg ko. Sinisiguro niya yata kung nilalagnat talaga ako.

Pagkatapos no'n, tumayo na siya mula sa kama at lumabas ng kwarto.

Sinundan ko siya ng tingin. Saan naman kaya 'yon pupunta? Himala, hindi niya ako pinilit ngayon na ipaghanda siya ng pagkain.

Pagkabalik niya, may dala-dala na siyang maliit na palanggana. Pinatong niya iyon sa bedside table at muli siyang umupo sa tabi ko.

Natulala ako sa kanya. Totoo ba 'to? Parang gusto kong kusutin ang mga mata ko para masigurong totoo nga talaga ang ikinilos niya.

A Wife's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon