Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte

Chapter 8

1.1M 12.6K 1.5K
                                    

Hello, readers!
This story has been selected for Wattpad's Paid Stories program. Thank you! ❤️

• • •

HINDI NA AKO binalikan ni Allen sa ospital.

Hanggang ngayon na na-discharge na ako, hindi siya nagpakita. Si Leila na lang din tuloy ang naghatid sa 'kin pauwi.

"You know Vannie, pwede ko naman talagang hindi puntahan 'yong shoot ko mamaya," sabi sa 'kin ng pinsan ko nang makarating na kami sa bahay. "Ipauubaya ko na muna sa iba kong kasamahang photographers. Sasamahan na lang kita dito."

"Kaya ko," walang ganang sagot ko lang.

"Sigurado ka ba? Kagagaling mo lang sa ospital. I'm sure nanghihina ka pa."

"I'll be fine. Tsaka nakakahiya na talaga sa 'yo. Ikaw na nga ang nagbantay sa 'kin mula no'ng ma-ospital ako. That's already enough. Alam kong may trabaho ka pa."

"Ano ka ba. Wala nga lang 'yon. Kaysa naman mag-isa ka rito sa bahay. O baka naman kasi hindi ako ang kailangan mo ngayon?"

Hindi ko na siya sinagot. Nagtanggal na lang ako ng seatbelt at bumaba na ng sasakyan niya. Tama naman kasi siya. Si Allen ang kailangan ko ngayon.

Sumunod na ring bumaba si Leila. Ni-lock niya ang kotse niya at sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay.

Dumiretso siya sa pahabang couch para ilagay ang mga gamit at maupo.

Ako naman, umakyat agad papunta sa kwarto namin ni Allen. Ni hindi ko na inalala ang panghihina ng katawan ko. Tinawag pa nga ako ni Leila para siguro pagpahingahin muna ako, pero hindi ko na siya nagawang lingunin. Hindi ako matatahimik. I can't just relax knowing that my husband left me and decided to give me away.

Ilang minuto na rin akong nakatayo rito sa labas ng kwarto namin ni Allen. Para na akong tangang nakatitig sa reflection ko sa door knob. My right knee was shaking.

Kanina ko pa gustong pasukin 'tong kwarto, pero natatakot ako sa pwede kong makita. I know Allen's not in the house. Nasiguro ko 'yon nang mapansing nakasara ang mga draperies namin sa mga bintana. Pero kung dumaan na ba siya rito sa bahay kanina? 'Yon ang hindi ko alam.

I'm close to getting paranoid. Paano kapag wala na ang mga gamit niya? Paano kung kinuha na niya lahat ang mga 'yon at umalis na talaga siya?

Hindi ko kaya. I can't lose Allen just like this. Ang tagal kong nagtiis. Ang tagal kong naghintay na maibalik ang tiwala niya at makuha ang pagmamahal niya. Tapos ganito lang?

Pumikit ako nang madiin para pakalmahin na ang sarili ko, tapos tuluyan ko nang pinihit 'tong doorknob.

Agad na nilibot ng mga mata ko ang kabuuan ng silid.

Wala namang kakaiba, -it was still the same gloomy bedroom—bukod sa mga gamit na nabasag ni Allen no'ng nag-away kami. Nakakalat dito sa sahig. Hindi pa pala niya nalilinis. Winalis ko na lang muna, tsaka ako pumasok sa sariling CR nitong kwarto. I need to check a few things.

I opened the small cabinet mounted on the tiled wall. At parang nabunutan na lang ako ng tinik sa dibdib nang makitang nandito pa rin ang shaving cream at paboritong shower gel ng asawa ko.

Sunod kong tinungo ang cabinet niya. At tulad kanina, matagal rin akong napatitig sa tapat nito. Kinakabahan ako, baka wala na 'tong laman.

Nanginginig pa ang mga kamay at tuhod ko nang hilain ko pabukas ang mga pinto ng aparador. Nakahinga ako nang maluwag at gumuhit ang mapait na ngiti sa mga labi ko.

My husband's clothes are still here. Ginapang ko ang mga daliri ko sa mga nakasampay niyang tux at long-sleeved polos para lang masigurong totoo ang nakikita ko at hindi ako namamalik-mata. Yes, his things are still here. Pero bakit parang hindi pa rin ako kuntento? Hindi pa rin ako matahimik.

A Wife's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon