CHAPTER 83

3.9K 103 6
                                    

After 1 week, lahat ng plano namin ni Yuji nagka-aberya. At pag sinabi kong nagka-aberya, means palaging hindi natutuloy dahil kay Maxine. Yep, kay Maxine.

Why?

Tulad nung friday, nung nagtake kami ng test nila Travis at Jess hindi sya dumating. Sabi nya susunduin nya ko but he never came. Sa Dean's office na nga lang namin pinasa yung answer sheets namen at sila Jess nalang naghatid sakin sa bahay. No texts, no calls, hanggang sa kinabukasan ko nalang nabasa text nya na..

"Charlotte, I'm really sorry. Maxine had a fever after the ultrasound, sabi ng doctor normal lang daw yun dahil sa tinitake nyang meds. I'm really sorry kung hindi kita nasundo. I love you, see you at school okay?"

Hinga ng malalim and I still managed to text him back saying, "It's okay, I understand. I love you too."

I kept ignoring those kind of situations until I have noticed na nangyayari na sya araw araw.

MONDAY:
Nagplano kami na kakain kami sa labas pero hindi kami natuloy dahil tinawagan sya ni Maxine, saying that she needed a company and she was not feeling well. Yuji looked into my eyes, those Charlotte-I'm-Sorry-I-need-to-go look. No choice, I let him go that day and I end up eating my lunch alone.

TUESDAY:
Inaya sya ni Mama na magdinner sa bahay after school so we went home together pero nakakadalawang subo palang sya nagring na naman phone nya, kinutuban na ko kung sino yun kaya kahit hindi pa nya sinasabi yung dahilan kung bakit sya tinatawagan ni Maxine that night, hinayaan ko sya I said, "Go, kailangan ka nya." She kissed me goodbye, nagpaalam sya kila Mama and then he left.

WEDNESDAY:
Sabay sabay kaming naglunch na apat kasama sila Travis at Jess para hindi kami pagisapan kung kami lang dalawa kumakain sa cafeteria, sila Travis yung nagoorder ng pagkain namin kaya nung wala pa sila sa table, halos hindi nawawala yung ngiti ni Yuji habang pinapakita nya sakin yung ultrasound picture ng baby nila ni Maxine. He was so happy by looking at that picture, tuwang tuwa pa sya dahil kamukhang kamukha ng Mama nya yung baby nila. Para sya yung pinaka proud daddy sa buong mundo na pinagyayabang yung ultrasound picture ng baby nya. Nginingitian ko lang sya everytime na paulit ulit nyang pinapakita sakin yung picture. Bago pa dumating sila Travis sa table, he got a text message and looked at me again. Same situation, I let him go. Alam kong may dahilan na naman kaya sya tinext ni Maxine.

THURSDAY:
Our 5th Monthsary, wow diba? Dahil ang bilis, limang buwan na agad kami. Asual, he suprised me when I got home from school. Kinuntsaba nya sila Mama like before. Masaya, nakakakilig, we planned to go out to eat dinner but his phone rang again. He looked at me, AND WE BOTH KNOW what those looks wants. Kahit masakit, dahil monthsary namin yun at dapat ako ang mas piliin nyang makasama e hindi ko naman kayang magdrama at hindi sya payagan. He refused when I said go, sabi nya magdadahilan nalang sya kay Maxine na hindi sya makakapunta, dahil nga monthsary namin yun at dapat magkasama kamo pero hindi ko rin sya pinayagan. Yung baby nila ang naiisip ko tuwing binabalak kong magdrama para hindi sya umalis, still I ended up letting him go that night and I celebrated our 5th monthsary alone. Sad, but that's how reality works.

FRIDAY:
Kahapon, araw ng pagkuha namin ng result nung acceleration test. Kaming apat nila Travis, Jess at Yuji ang nagaantay sa Dean's office para sa result. He stayed by my side for a few hours kahit matagal hindi sya umalis sa tabi ko. Nakakatawa nga dahil walang minuto kahapon na hindi ko pinagdadasal na please, wag naman sanang magvibrate yung phone nya or magring dahil tinatawagan na naman sya ni Maxine. Kailangan ko sya sakaling hindi ko mapasa yung test, I need him to be there to comfort me. It took 4 hours ng tawagin yung mga pangalan namin nila Travis at Jess sa loob ng school board conference room. Hinawakan ni Yuji yung kamay ko bago kami pumasok dun, kinakabahan ako, natatakot ako sa pwedeng maging result nung test ko. But he was there to cheer me up. He wished us goodluck bago kami pumasok nila Travis at Jess sa loob. There were 5 school board members inside the room, first they talked about our test, kung nahirapan ba daw kami, on a scale of 1-10 gaano kahirap para samin yung test. Travis said 4, Jess answered them 5 at hindi sa pagmamayabang, I answered them 1. Hindi ako nahirapan sa test seryoso, nadalian ako actually, hindi ko nga sineryoso yung test e. Ang yabang ko diba? Pero kasi yun yung totoo, nagtawanan yung mga school board members sakin including Travis mom, schoolboard member kasi ang Mommy nya. Nanahimik sila saglit at sabay sabay nilang sinabi saming tatlo na napasa namin yung test. Halos magtatalon yung puso ko nung sinabi nilang ako yung may pinakamataas na score saming tatlo, nag-apiran kami nila Travis at Jess, we even hugged each other dahil Yes! Nagawa namin, nakapasa kami, that means graduation at sobrang excited kaming tatlo. Binigyan nila kami ng tag-iisang certificate at ipaprocess na daw nila yung acceleration papers namin para masama kami sa mga gagraduate this year. Kinamayan nila kaming tatlo bago kami lumabas ng conference room, halos unahan ko na nga sila Travis at Jess sa paglabas ng pinto dahil excited akong sabihin kay Yuji na I got the highest score pero sa pakikiunahan ko sakanila, nakaramdam ako ng pagka walang kwenta nung nakuha kong score sa test, only to find out na wala na si Yuji sa labas. Nagvibrate yung phone ko at text nalang ni Yuji yung nabasa ko.

"Charlotte, I'm sorry I left. Nakalimutan kong nakasched ngapala si Maxine ngayon sa clinic para sa prenatal check-up. I'm really sorry, gusto ko magpaalam ng personal sayo but I don't want to bother you inside. How's the result? Text me okay? I love you."

Ang sakit haha, parang gusto kong umiyak kasi para sakanya yung test na kinuha ko e. I took that test  para makagraduate agad at makasal agad sakanya. Oo inaamin ko, gusto kong makasal agad sakanya dahil natatakot ako na baka maging huli ang lahat at tuluyan syang maagaw sakin ni Maxine pag lumabas na yung baby nila at nagaaral padin ako. That's why I took the damn test! Pero nasaan sya ngayon? Nasaan sya? Nandun sya sa mag-ina nya. Hindi ba nya alam na nasasaktan na ko nitong buong linggo na kailangan nya kong iwan dahil mas kailangan sya ni Maxine? Hindi ba nya nararamdaman na ano ba ang sakit na, manhid kaba? Na sa lahat ng "It's ok, I understand." na sinasabi ko sakanya parang pinapatay ako ng lungkot tuwing pinapayagan ko syang pumunta sa ibang babae? Kailangan ko rin sya. Oo buntis si Maxine pero ano ba ako dito? Engaged sya sakin pero ngayong hindi pa nga kami nakakasal, pinaparamdam na nya saking hindi ako importante eh. Na mas kailangan sya ng mag-ina nya at ok lang akong maiwan magisa dahil naiintindihan ko naman diba? DahiL sabi ko sakanya, OK LANG.

Tanggap lang ng tanggap, mabait ka Karlota diba? Bulletproof ka eh, bakal ka. Kaya akala nila hindi ka nasasaktan.

"Nasaan si Sir. Yuji, Sha?" Tanong sakin ni Travis.

"H-hindi ko a-alam. Hindi ko alam."

Yun nalang nasabi ko nung araw na yun kasabay ng hindi ko na mapigilang tumulo yung luha ko. Ang sakit na Yuji, ang sakit sakit na.

"Cha!" Sigaw ni Jess pero dire diretso akong tumakbo palabas ng Dean's office palabas ng campus.

Sa kamalasang taglay ko, umuulan pa at dahil sa katamaran ding taglay ko wala akong dalang payong. Hindi nga kase uso sakin magdala ng payong.

Sa lakas ng buhos ng ulan, halos fog nalang nakikita ko sa daan. Basang basa ako, pati bag ko lahat basa. Alam nyo kung bakit masarap magpaulan at ganitong nasasaktan ka? Ok lang kasi umiyak kahit humagulgol kapa, wala namang makakakita diba, wala namang makakahalatang umiiyak ka. Umiyak kalang ubusin mo lahat para paguwi mo mamaya sa bahay, wala na. Pagod kana, at wala kanang iiiyak pa.

----

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon