CHAPTER 22

5.3K 147 2
                                    


"Nandyan na yung ex mo!" Sigaw pa ni Raven nung sumilip sya sa labas. Binato ko naman sya agad ng tsinelas pero di ko sya natamaan dahil nakatakbo sya agad sa kwarto nya.

Sumilip din ako sa bintana at ayan na nga sya, kakababa nya lang sa sasakyan nya. Rich kid kasi yan si Thunder at FYI hindi ko sya ex. NakaM.U (Malanding Ugnayan) ko lang yan dati pero never naging kami.

*Knock.Knock.*

Tumayo agad ako para pagbuksan sya at ang laki agad ng ngiti nya ng makita ako. Meet Thunder, sakanya ako baliw na baliw dati. Yung pagkabaliw ko kay Sir ngayon, ganun din ako dati sakanya. DATI yun.

"So, Raven's right. Nagkukulong ka dito sa bahay nyo."

"Tss." Hindi ko sya sinagot at bumalik ulit ako sa pagkakaupo ko sa sofa sa sala.

Sumunod naman sya agad sakin at tinabihan pa nya ko.

"Anong problema?" Sa sobrang lapit nya naaamoy ko na yung pabango nya na kinaaadikan ko noon. Hanggang ngayon hindi parin pala sya nagpapalit ng pabango.

"Wala naman." Nagindian sit ako at binuksan yung TV.

"Anong wala e isang linggo kana daw hindi pumapasok at nagkukulong ka dito. Gusto na ngang sunugin ng kapatid mo tong bahay nyo kasama ka pag di kapa tumigil sa pinaggagagawa mo dito."

Napatingin ako sakanya at tumayo ako para sugurin si Raven pero hinawakan nya yung kamay ko at pinaupo ako ulit. Hanggang ngayon ang lambot lambot padin ng kamay nya.

"Kilala kita Sha, ganyan na ganyan ka nung nagaway tayo noon remember?"

Utang na loob wag mo ipaalala.

"Salamat sa pagpunta Thunder, but I'm fine really. I just need time to think."

"Ano ba kase nangyari? Isyung boyfriend ba yan?"

Sana nga isyung boyfriend to pero hindi e. HINDI KO SYA BOYFRIEND.

I pouted.

"Sabihin mo na, parang iba naman ako sayo. Human diary mo ko dati diba? Don't worry hanggang ngayon, you can still tell me everything and I will listen. Hindi kita huhusgahan, hindi ako magcocomment, makikinig lang ako. Okay?" He smiled at me and held my hands.

Hanggang ngayon ang bait parin nya.

"Fine. Walang husgahan ah?" Sasabihin ko na, tutal kailangan ko ring ilabas to para gumaan pakiramdam ko.

"Game." Umayos sya ng upo at humarap sakin.

"May prof ako at crush ko sya ESTE mahal ko, mahal ko na sy--

"What?!" Tingnan mo tong taong to. Sabi nya hindi sya magcocomment?!

"Thunder, the rules? remember?" Nagnod naman sya at kunwari pa nyang zinipper yung bibig nya.

"So, yun nga mahal ko na sya. Representative nya ko sa Mathletes kaya sa buong dalawang linggo, palagi kaming magkasama. Dumating yung time na binibigyan nya ko ng compliments, nagccare na sya sakin and he even kissed my forehead twice and on my cheeks once. Tapo--"

"He's kissing you? At ok lang sayo? Sha, kahit anong sabihin mo na crush mo sya o mahal mo, he must not take advantage on you. His your professor, he knew better. At ikaw!" Sabay pitik nya sa noo ko.

"Aray ko naman!" Reklamo ko pa habang hawak hawak yung noo ko.

"Hindi kana natuto sa nangyari satin noon. Ganyan na ganyan din yung scenario, ano ending? Diba nagaway tayo? Nasaktan kita, at ngayon inuulit mo na naman yang crush crush na yan."

Tinitingnan nya ko sa mga mata ko but I started to glared at him.

"Pwede ba patapusin mo muna ako? Kanina mo pa nilalabag yung rules alam mo?" He pouted.

Alam ko namang tama lahat ng sinasabi nya pero ito na eh, nangyayari na. Makakatulong ba yung pagpapaalala nya sakin nung nangyari samin noon ngayon? Diba hindi?

"Someone took pictures of us and spread it all over the campus. I was judged, humiliated, embarrased, hurt both physically and emotionally. As I ran to talk about it to my professor, I caught him kissing other girl inside his office. I don't know if that girl is his girlfriend or his ex, I really don't have any idea but the thing is I felt that I was cheated on. At pakiramdam ko ako lang magisa yung humahawak ng issue naming dalawa na kumakalat sa campus ngayon. Ni ayaw ko na ngang pumasok dahil hiyang hiya ako sa mga pinagsasabi nila sa akin. Ang tingin sakin ng lahat kumakapit ako sa patalim para makapasa ako, ang tingin nila sa akin syota ako ni Sir kahit hindi pero sana nga totoo pero hindi parin! Yung nakakainis dun? Lumalabas akong malandi! Hindi ko sya nilalandi! Oo minamanyak ko sya, pero sa isip ko lang! Never akong gumawa ng move sakanya, oo maraming beses akong nagplano na halikan nya ganito ganyan pero never kong ginawa! Paano akong lumabas na malandi e ni isang bagay ng pagiging malandi wala pa akong nagagawa? At yang si Sir! Naiinis ako sakanya! Ay hindi pala inis, galit. GALIT AKO SAKANYA! How come na nakikipaghalikan pa sya gayong may kumakalat ng issue saming dalawa?! I was the only one who was judged and not him. Ako lang!"

Sumisigaw na pala ako at may ilang tumutulong luha sakin pero hindi ako malungkot, galit ako. Those tears that are dripping from eyes, I called it tears of anger. Sa sobrang inis at galit ko naiiyak nalang ako. Wala akong magawa eh, nangyari na.

"Sirang sira na 'ko sa campus. Paano pa ko babalik dun? Ayoko na, lilipat nalang ako ng bagong school. Ayoko ng bumalik dun."

Lumapit pa sakin si Thunder at pinunasan yung luha ko. Hinawakan nya ang mga balikat ko at hinarap nya ko sakanya.

"Pag lumipat kanang school, parang pinatunayan mo sakanila na guilty ka, na totoo yung kumakalat na issue dun ngayon. If you will stand for the truth and for yourself, you should go there and prove it to them."

"Nahusgahan na ko Thunder, hinuhusgahan pa nga siguro nila ako ngayon, ano pang papatunayan ko?"

"You know what to do Sha, lahat ng bagong balita naluluma din. Once na pinakita mo na hindi ka apektado, magsasawa at magsasawa sila sa kakadiin sayo."

"Paano?"

He smirked at me and pinched my nose.

"Ibalik mo yung dating Charlotte."

---

My Professor, My Love.Where stories live. Discover now