CHAPTER 6

6.8K 203 6
                                    






Nakaapron, may panyo sa ulo at nagpupunas ng kada table sa cafeteria. Ito ang parusa namin sa pagtakas nung monday, nakakainis imbes na binabantayan ko si Sir. Yuji ngayon, nandito ako at nagpupunas ng lamesa!



"Dinadabog dabog mo dyan?" Tanong ni Penny.


"Wala. Napunasan ko na yung ilang lamesa, pwede na ba ko bumalik ng room?"


"At ano? Buong klase mo na namang tititigan si Sir. Yuji? Magmove on ka na, hindi ka type nun!"




No, Penny. May crush sakin si Sir. Yuji natotorpe lang sya umamin sakin. I'm just giving him space hanggang sa magtapat sya sakin.








Ganda ko e.









"Binasa nya yung story ko."

"Sino?"

"Si Sir."

"Binasa nya o gumawa kanang way para mabasa nya?"



Tingnan mo 'tong babaeng to. Hindi ako ganun kadesperada para pilitin si Sir na basahin story ko no! Kahit wala akong gawin, babasahin at babasahin ni Sir yung story ko dahil crush nya 'ko.



"Sya mismo nagbasa, ituloy ko nga daw kasi gusto nyang malaman yung susunod na mangyayari."

"Oh, tinuloy mo naman ba?"





Yun na nga e, hindi ko matuloy tuloy yung story kong yun dahil napepressure ako na si Sir. Yuji ang magbabasa nun. Tsaka first time na may nagbabasa ng story ko, tapos si Sir pa. Pakiramdam ko kailangan maganda bawat chapters na gagawin ko para masiguro kong magugustuhan nya, see? Pressured.



"Hindi pa, wala pa ko sa mood magsulat."

"Yung crush mo na nga magbabasa ng story mo wala kapa sa mood magsulat?"



Ironic isn't it? Tama sya dapat nga inspired ako pero hindi e. Nakaka ano e, alam nyo yun? Parang dati sulat lang ako ng sulat, ngayon ni isang salita o grammar kailangan tama lahat.



--



Pagkatapos namin sa cafeteria, bumalik kami sa room. Dumaan ang 3 subjects hanggang sa Math na. Dati ayaw na ayaw ko ang math pero ng dahil kay Sir, naeexcite ako pag subject na nya.



"Open your books on page 143."




Nastun ako bigla.






143?




Are you saying 'I love you' to me Sir. Yuji? Aww how sweet, I love you more!





"Who can solve number 1 on the board?"






Walang nagtataas ng kamay, parang kaya ko naman i-solve yun pero nah.





"Anyone?"



Tanong pa nya pero wala talagang nagtataas ng kamay.






"Fine, prepare 1 yellow pad and solve numbers 1 to 10, pass it directly to me when you're done."






Napafacepalm yung mga kaklase ko, number 1 pa nga lang ayaw na naming sagutin tapos hanggang 10 pa?

Wag ka ngang masyadong masungit Sir. Yuji, pumapangit ka oh!





Sinisimulan kong isolve yung equations, nakakatuwa nasosolve ko naman sila pero sa number 9 ang hindi ko masolve. I've tried different ways to solve it but the answers are still the same. Wala na give up na ko.





My Professor, My Love.Where stories live. Discover now