CHAPTER 61

4.3K 107 0
                                    


Next destination: Batangas (RSC)

Pagakyat ko sa bus, nakapili na agad ng upuan sila Jess. Tatluhan yung upuan so, alam na nila pareho na ako dun sa may bintana dahil nasusuka ako sa air-conditioned bus pag hindi ako sa may bintana nakaupo at wala nakikita kundi yung pagandar ng bus. Nauna akong umupo sumunod si Travis then si Jess. Nilabas na agad ni Jess yung ilang snacks na nakahiwalay daw para yun yung kakainin namin sa byahe.

"Sha, gusto mo?" Mr. Chips pa yung una nilang binuksan dahil alam nilang yun yung favorite ko.

Gusto pa kong subuan ni Travis pero tumanggi ako. Naninikip yung dibdib ko, parang gusto kong bumaba ng bus, balikan si Yuji at halikan sya but It's so inappropriate to our situations like this. This trip was supposed to be happy and exciting for me but it turned out to be devastating to me. It killed me knowing na nasa labas si Yuji at paalis natong bus.

"Cha, you ok?" Tanong ni Jess. Hindi nya ako makita ng maayos dahil ang likot ni Travis na pumapagitna samin at kumakain ng Pic-A na sobrang laki.

"Travis! Tumabi ka nga dyan, kinakausap ko si Cha e. Palit nga tayo!" Nagpout naman si Travis at tumayo sila pareho para magpalit ng upuan.

Travis--Jess--Me

Ganyan yung ayos ng upo namin.Si Jess na ngayon katabi ko at kanina pa ko tinatanong kung ok lang ako. I'm not okay, but I'm trying to be.

"I should say goodbye to him right? Yung maayos? Limang araw akong mawawala e." Akmang tatayo pa ako para bumaba at kausapin si Yuji pero pinigilan nila ako pareho.

"Wag na Sha, he'll understand. Parehas pa kayong mainit e, kailangan nyo magpalamig and this trip will help you think about what you guys fought about." Sabi ni Travis.

"He's right Cha. Malay mo pagbalik natin, dun kayo makakapagusap ng maayos." Dagdag pa ni Jess.

Napasandal nalang ako sa upuan ko. Tama sila, baka nga kailangan ko talaga 'tong camping nato para makapagisip isip ako.

Nagsimula ng umandar yung bus habang nakatingin lang ako sa bintana at nakaearphone. Kain ng kain sila Travis at Jess sa tabi ko pero ako ang lalim ng iniisip ko habang nakatingin sa bintana. Palabas na ng gate yung bus ng makita ko si Yuji na nasa labas ng kotse nya at nakasandal doon. Nasa bulsa nya yung mga kamay nya at nakatingin sya sakin. Nanlulumo yung mga mata nya, he was there leaning on his car and looking at me na parang kinakausap ako ng mga mata nya. Gusto kong makipagtitigan sakanya, gustong gusto ko pero hindi ko sya kayang tingnan. Sinarado ko yung kurtina ng bintana at huminga ng malalim.

Batangas, please help me get through this. Help me think at sana pagbalik ko, maayos pa namin to.

---

Sa loob ng tatlong oras na byahe papuntang Batangas, hindi rin ako nakatulog dahil ang likot nung dalawa sa tabi ko. Para silang magjowa kung magharutan at magbatuhan pa ng pagkain. Naglaro pa sila ng pinoy henyo na app sa phone, ang ingay nila hindi talaga ako nakatulog. Pinagsasabihan ko sila pero hindi effective, nagend up nalang din na sumali ako sa mga nilalaro nila. Pinoy henyo, knock knock jokes, bato-bato pick na nilagyan nila ng twist at truth or dare yung consequences. Kain kami ng kain tapos nakatulog din kaming tatlo ng biglang kaming magising sa air horn na narinig namin.

Nagulat pa nga ako kaya nasuntok ko naman si Jess na natutulog, nagulat din sya at nasuntok naman nya si Travis. Isipin nyo pasahan kami ng suntok.

"Students! We are finally here. Get your bags and we will find our spot to set up our tents for tonight." Announce ni Sir. Hunt.

Nagsibabaan na yung ibang students na taga ibang schools, apat na bus actually yung hinire ng nagsponsor sa camping nato at lahat dito e hindi magkakakila. Lahat kami ang tingin e competitors sa isa't isa, pero kami nila Jess at Travis? Byahe at camping lang talaga pinunta namin dito.

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon