CHAPTER 62

3.9K 116 8
                                    


Regionals Science Camp (RSC) Day 2

"KARLOOOOTA!"

*PAK!*

"Ilang beses ko ba sasabihin sainyo na wag nyo 'kong ginugulat?!"

Nasuntok ko sila, NA NAMAN. Ang sarap sarap ng tulog ko naninigaw na naman sila sa tenga.

"Chacha, naman. Pag ako umuwing may blackeye lagot ka kay Ire--"

I glared at him. Ako ba tinatakot nya sa girlfriend nya?

"Este ako. Lagot ako kay Irene." Pout ni Jess.

Umayos pa ako ng higa ko at nagtalukbong ng kumot.

"Shaaaa! Start na ng activities natin, nagsisimula na sila sa labas! Halika na!" Niyugyog ako ni Travis kaya sinipa ko naman sya.

*PAK!*

"Ako, hindi ako nakatulog ng maayos dahil ang ingay nyo. Tapos ngayong ang sarap sarap ng tulog ko bubulabugin nyo naman ako! Oo na bangon na magsilabas muna kayo."

"Weh?" Sabay pa sila.

"5 mins." Sabi ko pa.

"SHAAAA! BANGON NA! 5 MINS? 30 MINS. NA TAYONG LATE!"

Anak ng tokwa naman oh. Bumangon ako at pinalabas sila sa tent.

"Magbibihis lang ako mauna na kayo dun!" Sigaw ko mula sa tent. Narinig ko namang nagsialisan na sila, dumungaw pa ko sa labas para makasiguro at yun wala na nga sila.

Humiga ulit ako at niyakap yung unan ko. I said 5 mins, wala naman sigurong mawawala kung matutulog pa ko saglit.

---

AFTER 3 HOURS.

*Blink* *Blink* *Blink*

"Goodmorning sunshine." Yung pagmumukha nila Jess at Travis malapit sa mukha ko.

*PA--*

Naudlot yung suntok ko ng hawakan nila pareho yung kamay ko.

"What?" Nakangiti kasi sila sakin ng nakakaloko.

"You're dead Sha, natapos namin yung 3 activities without you. So, ngayon inaantay ka ni Sir. Hunt sa labas for your punishment." Sabi ni Travis.

"Punishment?" Tanong ko.

"Yep. May punishment ka, at kami ni Jess? Magaadventure na." Nakita ko namang nagaayos sila ng mga dadalhin nila.

"Mageexplore kayo? Sama 'ko!" Tumayo naman agad ako pero naghandgesture sila sakin.

"Hindi ka pwede sumama, lahat ng nakagawa ng activities kanina sila lang pwede magpetiks petiks ngayon. Ikaw kase ayaw mo pang bumangon kanina edi sana kasama ka namin ngayon. Sige na alis na kami, goodluck!" Nagwave pa sila sakin ng nakakaloko.

Madadaya.

Nagayos naman ako agad at nagtali ng buhok. Nakasweater akong may malaking mukha ng panda sa sweater ko. Paglabas ko ng tent, nasa labas na pala si Sir. Hunt. Nakacrossed arms pa sya.

"Goodmorning?" Nakangiti pa ko ng parang bata sakanya.

"Ms. Briones, you haven't done any activities today. You overslept, nasaan ba tayo ngayon?"

"Uh..gubat?"

"Exactly. At nagcacamping tayo, tingnan mo naman ikaw lang tanghali nagising dito. Follow me."

Ang seryoso nya, e 2nd day palang naman. Kundi lang ako pinuyat nila Travis edi sana hindi ako tinanghali diba.

Sinundan ko sya sa kalagitnaan ng site kung nakita kong may lalaki ding nakatayo dun na parang inaantay si Sir. Hunt.

My Professor, My Love.Where stories live. Discover now