CHAPTER 31

5.6K 162 1
                                    


Lunchbreak sa cafeteria, magkatabi kami ni Thunder sa table habang busy busy sya sa kakalamon ng burger na binili nya.

"Gamitan mo kaya ng kutsilyo para di ka nahihirapan dyan? Ako nahihirapan sayo eh." Halata naman na hindi nya kayang kagatin yunh double double patty na inorder nya pero pinipilit nya padin.

"Sshha sshha, ganito ang pagkain ng burger. Hindi kinukutsilyo, hindi ginagamitan ng tinidor. Kinakamay to at kinakain ng buo, yun ang tamang pagkain para maenjoy mo hahaha!"

Mokong, tawa tawa ka dyan e ang dami mong amos sa mukha. Kumuha ako ng tissue at lumapit sakanya para punasan yung pisngi nyang may mumu, parang bata tong kasama ko.

"Aw, thanks Mommy!" Nagboses bata pa sya, natawa naman ako. Oo na Thunder, cute kana.

Sinimulan ko nadin kainin yung pagkain ko ng makita kong papalapit yung grupo ni Irene sa table namin. Kakain nalang ako magpapakita pa sila. Man, I cannot catch a break!

"Hi Travis." Malanding bati nya kay Thunder. Bitch, his name is Thunder not Travis. Ayaw nyang tinatawag syang Travis.

"Hi! You are?"

Nagulat ako ng nakangiti pa nyang batiin si Irene, nilahad pa nya yung kamay nya. Malande!

"I'm Irene, these are my friends." Turo pa nya sa grupo nya at sabay sabay namang naghi sakanya yung mga babae. Alam ko at alam ni Thunder na nilalandi sya ng mga yun pero bakit sya nakikipagcooperate? Sa harapan ko pa sila naglalandian, nakakasira sila ng appetite!

"Oh, you guys know Charlotte?" Turo pa sakin ni Thunder.

"Yeah, we know her right. Hi Chatlotte." I saw that. She smirked at me.

"Hello Minions, nasaan na ang amo nyong si Gru?" Sa mga hindi nanonood ng Despicable Me, hindi nyo magegets yung sinabi ko haha.

"Hahaha! Nice one, Sha." Tumingin naman agad ng masama si Irene kay Thunder.

"Stop laughing Travis, It was not funny!" Nakaharap pa sya kay Thunder, anong hindi funny? Napatawa ko nga si Thunder.

"Yeah well, it's kinda funny haha minions HAHAHA!" Nainis naman si Irene kay Thunder kaya nagwalkout sila ng mga kampon nya ng kadiliman.

"Sha, I didn't know na kaaway mo sila haha"

"Hindi naman sa kaaway na kaaway, minsan nakikipagsagutan lang ako sakanila just for fun." Nakangiti ko pang sabi habang iniinom yung mango shake ko.

Mayamaya sinisitsitan ako ni Thunder habang nakanguso sya.

"Anong nginunguso nguso mo dyan?"

"Si Sir. Yuji mo, may kasamang babae!" Lumingon naman ako sa likod ko at nakita ko nga si Sir. Yuji kasama si Ms. Lina sa iisang table.

"Tss." Hindi ko na sila tiningnan at kinain nalang ang pagkain ko ng padabog.

Bakit magkasama na naman sila? Kung kanina sabi ko baka masira appetite ko sa mga minions kanina na sila Irene, ngayon wala na. Sirang sira na yung appetite ko sakanilang dalawa!

"Oy Sha, kawawa naman yung pagkain, hindi mo naman kinakain e. Nagseselos kaba sakanila?"

NO! DUH.

"Hindi no! Ba't ako magseselos sakanila? E sakit sakit nga nila sa mata."

"Hahaha! Tamo, edi nagseselos ka nga. Baka nakakalimutan mo, dapat si Sir.Yuji mo ang nagseselos dito at hindi ikaw."

"Tss." Alam ko. Basta! Nakakasira sila ng appetite. Kumbaga para silang paminta sa pagkain ko na nakain ko kaya nawalan ako ng gana!

"Haynako Sha, halika ka nga." Nilalahad nya yung kamay nya sakin.

"Baket?"

"Oh tingnan mo to ang sunget. Halika na kasi." Hinawakan ko yung kamay nya sabay tayo nya para tumabi sakin.

"Ang luwag luwag ng upuan mo dun tumabi kapa sakin." Reklamo ko, masikip naman na talaga sa upuan ko katabi ko mga bag namin e.

"Sha, shut up and let me do my job kung bakit ako nandito okay?"

Fine.

Kinuha nya yung kutsara na hawak ko at sya nagslice ng burger steak ko sabay subo nya sakin.

"Say AHH."

"Kaya kong subuan sarili ko Thunder." Sabi ko pa habang nasa harapan ko na yung kutsarang may kanin at ulam na hawak hawak nya.

"Sha, ang dami mong satsat, isusubo mo to o hahalikan kita dyan?"

I glared at him. Sa tagal ko ng kilala si Thunder, alam ko na mga panakot nyang ganyan. Except one time na ginawa nya talaga yun sakin dati. OK BALIK NA SA PRESENT WAG NA SA PAST.

Ngumanga ako at sinubo yung kutsara.

"Yum! Yum! Masarap pag sinusubuan diba?"

"Thunder, hindi ako bata." Sabi ko pa habang puno ng pagkain yung bibig ko.

"Sha! Don't talk when your mouth is full!" Agad agad nyang kinuha yung baso ng tubig nya at pinapainom nya ko.

"May sarili akong tubig." Apela ko na naman.

"Isang satsat mo pa, hahalikan na talaga kita Sha. Nagpipigil lang ako."

Sumeryoso yung mukha nya habang tinititigan nya ko sa mata.

1

2

3

"HAHAHAHA! Akala mo totoo no? Hahaha! Gusto mo naman? Hahaha!"

And there he is, laughing his jerk ass off. Kumuha ako ng carrots sa plato nya at binato yun sakanya na ikinatuwa ko naman dahil dumikit yun malapit sa ilong nya.

"Hahaha, whose laughing now?" Asar ko pa.

"Ah ganon?" Bigla syang lumapit sabay kiliya nya sakin sa magkabilang bewang ko. Halos yakap yakap na nga nya ko habang kiniliti ako.

"HAHAHA! THUNDER! STO--HAHA STOP!"

Halos magulo na yung buhok ko sa kakagaslaw ko sa upuan ko.

"Sa susunod wag ka mamato ng pagkain! Bad yun! Marami kayang nagugutom!"

Kinikiliti nya parin ako ng sumagot naman ako sakanya.

"Bakit pag kinain ko ba lahat yan mabubusog sila?"

"Aba't sumasagot kapa ah!"

Naasar na naman sya sa sinabi ko at lalo na naman nya kong kiniliti paakyat sa batok ko which is my weakness.

At this time parang ang saya ko, hindi dahil kinikiliti ako ni Thunder na paramg torture para sakin kundi dahil pakiramdam ko parang bumalik yung dating closeness namin.

---

My Professor, My Love.Where stories live. Discover now