Scene 38

2.3K 33 8
                                    

[ Scene 38 ]

**YNA'S POV**

Papalayo na kami ng club room. Hindi ko yata kaya yung tensyon. Parang mabibinat ako kahit magaling na ako.

Humihikbi ako habang akay ako ni Yuya palayo.

Nag-flash back sa isip ko yung pagkaka-sampal ni Lindsay kay Paolo after they've kissed. It was a solid and real slap. Bakit kaya?

Ibig bang sabihin nun, Paolo insisted the kiss? Kaya na-sampal ni Lindsay si Paolo? Can I say that she is the victim here? Ugh! I don't know what to believe anymore!!

I hate how the scene flashes very clearly into my mind. Nagsisisi ako na tinitigan ko pa yung eksenang yun. Hindi ako maka-galaw nun eh.

Hindi umiimik si Yuu. Na-shock din siguro.

Sa di kalayuan, I heard someone sobbing.

It was her.

Unconsciously, nilapitan ko siya.

"I don't trust her." Yuu whispered.

"Yah. Me too. I just.. I just think I know how she's feeling." Nilapitan ko siya at niyakap. I don't know why.

"Yna, I'm sorry.. Nabigla lang ako.. kaya.. nasampal ko siya.." She said while sobbing. She's crying too hard. First kiss niya siguro yun.

"It's not your fault. H-he insisted it.. Didn't he?"

She nodded. May kung anong kumirot sa dibdib ko nung tumango siya.

"Could you.. Uhmm.. Could you tell me the whole story?" I asked. I'm very desperate to know the TRUTH behind that scene. Tingin ko naman sa itsura niya, magsasabi na sana siya ng totoo.

"Actually, maagang pumasok si Paolo.. Nauna siya sa'kin." She wiped her tears, then continued. "Hindi ko na siya pinansin nun kasi nga, alam ko naman na m-may something na sa inyo eh.. I-I'm willing to give way for the both of you. Nag-paalam ako na pupunta ako sa rest room, nung palabas na ako, hinarangan n-niya yung dadaanan ko.."

Tumigil siya at tumingin sa'kin.

"G-go on.." I wanted to hear everything, though it might kill me.

"Nakiki-usap na ako na umalis siya because I was trying to avoid him. Pinilit kong umalis para maka-iwas sa tension but instead, he pinned me against the wall and.. and.. *sob* and he kissed me.. roughly *sob*"

She cried harder.

Gosh. I can't believe this. Hati ang isip ko eh.. A part of me says that she's lying.. But a part of me says she's telling the truth. Hindi ko na alam. She looked so sincere.

Pero bakit naman gagawin yun ni Paolo?

Didn't he promise me that he would love me? JUST ME?

Hinahagod ko ang likod ni Lindsay. Napa-tingin ako sa langit..

Hah! How ironic could this be? Kasama ko ngayon ang kaaway ko at kinocomfort ko pa when in fact, I think I'm the one who needs comfort here.

-

**PAOLO'S POV**

D*mn!!

Nakaka-bwisit! Wala akong magawa habang nilalason ng babaeng yun ang isip ni Yna! Argh!!

I looked at my hand, it's bleeding. Sinusuntok ko na pala ang pader dahil sa galit ko.

Hindi ko akalaing magagawa ni Lindsay yun. How evil could she be?

*flashback*

Ang aga namang meeting nito, hindi ko tuloy nasundo si Yna. Tsk.

Pagkatapos nung meeting, dumiretso ako sa club room. Dito ko na hihintayin si Yna.

"Good Morning Paolo!!!" Psh. Yung linta na naman.

"You want to drink?" Alok niya. Drink? Seriously?

"Drink? Hah. Lindsay, we're inside the school. That's prohibited." Inilayo ko ang mga beer.

"Then let's play instead ^__^"

"Nah. I'd rather sleep and wait till Yna gets here." Tinakpan ko ng libro ang mukha ko.

"HEY!! HEY!! Yna is coming!! With Yuya!!" Sigaw niya habang naka-dungaw sa pintuan. Napatayo kaagad ako at napatakbo.

Pero hindi natuloy ang balak ko, hinila ako ni Lindsay, sumandal siya sa pader.

"What's with you? Sasalubungin ko si Yna." Lalayo na sana ako..

Kaso hinatak niya ako at hinalikan. Aba't---- Desperada ba 'to??

Crap!! Baka makita kami!!

Bibitaw na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan. Sa hindi ko malamang dahilan, sinampal ako at itinulak ni Lindsay. Wala ako sa sarili nun kaya hindi kaagad ako nakapag-react. Dapat ako ang tumulak sa kanya ah??!

I saw Yna in tears. Masama rin ang tingin ni Yuya.

"Yna! It's not what you think---" I tried reaching her face but she slapped me. Yung galing sa kanya, sampung beses na mas malakas ang impact kumpara nung kay Lindsay.

"Tama na!! I've seen enough!!" Hinila rin siya ni Yuya paalis. Lint*k naman oh!

*end*

Ano bang problema nung Lindsay na yun? Ganun niya ba ka-gusto na pag-hiwalayin kami ni Yna?

Natatakot ako.

Natatakot ako na baka tuluyang nasira yung tiwala ni Yna sa'kin. Mahal ko siya, I can't afford to loose her now.

Kapag nang-yari yun, hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Love Team (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon