Scene 24

2.7K 42 2
                                    

[ Scene 24 ]

**YNA'S POV**

"Yna.. Yna.." Sino yun? Naman.. Maaga pa.. Ayoko pang pumasok Ma-

"Yna, tapos na ang program, uwian na kanina pa.. Umuwi ka na rin." Boses ni Nurse Jenny yun ah? Yung nurse sa clinic?

Napa-bangon ako bigla.

"Teka, bakit po ako ang naka-higa dito? Eh di ba si Yuya ang binabantayan ko dito?"

"Kanina pa siya naka-alis, pinahabiin ka sa'kin, pagod ka raw at kailangan ng pahinga. Bilib nga ako sa pagka-gentleman nun eh. Dapat nga siya ang nagpapa-hinga diyan kasi marami siyang galos sa katawan."

"May sinabi po ba siya bago umalis?" Nakakahiya kay Yuu..

"Hmm.. Wala naman. Kayo ha, ang sweet ninyong mag-boyfriend. Gusto ko ang team up ninyo ni Paolo pero mukhang nagkakalabuan na kayo eh. Okay din naman si Yu---"

"Ay Nurse Jenny sige una na ako. Baka gabihin pa ako pauwi eh. Hehe..." Hindi ko na pinatuloy ang sasabihin ni Nurse Jenny. Chismakers din pala siya eh. Hayyy. Narinig ko na naman ang forbidden name. +___+

"Sige. Ingat."

"Ah.. Sige Salamat po." Inayos ko ang sarili ko at umalis na.

Shocks. Dalawang oras pala akong naka-tulog sa clinic! Hindi man lang ako ginising ni Yuu.

Tawagan ko kaya siya? Makapg-Thank you man lang.

Ida-dial ko na sana ang number niya kaso nakita kong may text pala siya.

From: Yuu :]

Una na ko ah. Ingat pauwi. Pahinga ka..

Psh. Si Yuu talaga. Alam ko namang mas masakit ang katawan niya ngayon.

Tapos may missed calls na puro galing kay.. Err.

Nagla-lakad lang ako pauwi nang mag-isa. May importante daw na meetng si Sandi sa SC's Room. Hirap kapag President ka eh.

Habang nagla-lakad ako, hindi ko mapigilang maisip si Yuu at kung anong nangyari sa clinic. Para kasing may kakaiba akong naramdaman.. Or narinig habang tulog ako? Hindi ko tuloy malaman kung nananaginip ako or what.

Yuu is a very gentle guy. Kahit minsan, hindi niya ako na-offend sa mga sinasabi niya.. Hindi pa niya ako nasasaktan.. Lagi siyang nandyan kapag kailangan ko siya. Hindi niya ako iniiwan.. Aside from Sandi, siya yung palagi ko talagang maaasahan..

Would it be rude if I'll fall for him instead?

---

**HANNA'S POV**

Katatapos lang ng program at papunta na ako sa SC's Office. Phew.

*knocks*

Pagbukas ko ng pinto, nandun na si Sandi.

"Hello Hany" Bati niya.

"Ah.. Hello." I still feel awkward.

"Upo tayo.."

Umupo kami sa tapat ng bintana.

"May naisip ka na bang plano?" Tanong sa akin ni Sandi.

"Meron sana.. Kaso naisip ko na kung kakausapin natin sila para mag-meet sila at mag-usap privately, tingin ko hindi papayag si Yna.."

"I agree. Knowing Yna, hindi talaga."

"Tsaka, baka hindi na sila magpansinan.. Lalo na at nasaktan ni Paolo si Yuya.." Nakita ko yun eh..

"Ayun! Isa pa! Si Yuya.. What if.. What if Yna.. falls for Yuya?" NAsabi ko na lang.

"No! Hindi pwede! I mean, alam kong hindi pa kaya ni Yna yun.. Kailangan mahiwalay din natin si Yna kay Yuya sa araw ng plano natin."

"So ibig sabihin.."

"Ibig sabihin?" She's waiting for my answer.

"Ibig sabihin either wag nating ipaalam at isorpresa na lang sa kanila ang plano, or.."

"Or ano? Wag mo 'kong bitinin Hanna!"

"Or pwersahan natin silang ipag-meet.. Privately.."

"Oh.... Oh.. OH!!!" Mukhang na-gets kaagad ni Sandi ang gusto kong iparating.

"Got me?"

"Of course. Haha! Gusto ko yang idea na yan!!"

Buong maghapon, nag-plano lang kami. Hayyyy plano na naman.

I hope I won't ruin it this time.

Love Team (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon