Scene 33

2.4K 33 3
                                    

Author’s Corner:

Pasensya po, walang update kahapon. Pa-suspense lang. JOKE haha! Tara, sama-sama nating pangalagaan ang mga magulang ni Sio-Sio!! Haha! Salamat! ^_____^

**********************************************************************************************

[ Scene 33 ]

**YNA’S POV**

A-Ano daw?

G-girlfriend?! Ni Paolo? Sino?!!

Nagkakalokohan yata tayo dito ah??

”Pardon?” I asked, hoping to hear a different statement.

”Aww.. Are you deaf or something my dear? I believe I’ve said it loud and clear enough.. Or is it just because you cannot understand my statements? Anyway, because I’m too nice, I’ll repeat it for you. I am HIS GIRLFRIEND” She hugged Paolo’s arms. Is she insulting me?

I hate this feeling. Ayaw na ayaw ko yung feeling na parang wala akong masabi o hindi ako makalaban sa isang taong nagsasabi ng kung anu-ano sa’kin lalo na kung alam ko na pwede naman akong maka-sagot.

Tiningnan ko si Paolo, mukha siyang naiinis.

“Oh! We really have to go, we still have a date. So, if you don’t mind uhh.. What’s your name again?” She asked. Uggggghhhh! Konti na lang. Koooonting-konti na lang magla-landing na ang palad ko sa mukha nito.

”You’ve heard my name for two times already. Got Alzheimer’s eh?” Nakita kong natawa si Paolo habang pinipilit tanggalin ang sawa este yung kamay na naka-pulupot sa braso niya. Gumalaw naman ang kilay nung bruha.

“And besides, I don’t give my name to distrustful people.” With that, nilampasan ko sila at nagtuloy-tuloy papunta sa pinto. Wala na akong pakialam. Bahala sila! Panira ng araw! Grr.

”Yna!!” Sigaw ni Paolo. Tumigil ako pero hindi ako lumingon.

”Wait!”

“Tsk. Hayaan mo na yung girl na yun! Didn’t you promised that you would only be mine? C’mon! I know you missed me, too! Don’t be shy!” Spell L-A-N-D-I huh.

ONLY BE HERS?? WHAT THE FISH??!!

 Nalalabuan talaga ako sa ‘girlfriend’ issue. Though alam ko na mas dapat kong marinig ang side ni Paolo kesa sa statements ng Lindsay na yun, umalis pa rin ako at iniwanan silang dalawa. Naiinis ako! Yung feeling na ikaw yung nililigawan tapos biglang susulpot yung girlfriend kuno ng suitor mo? It sucks!

Teka.. Nahihilo yata ako.

Sumisigaw pa rin si Paolo kahit na nakalabas na ako ng gym. Bahala siya.

Nung nasa may gate na ako, bigla kng naramdaman ang pag-bigat ng dibdib ko at ang pagb-blur ng paningin ko.

 O ano Yna? Bakit ka naman naiiyak?

Hindi ko mapigilang isipin kung ano na kayang nangyayari sa loob. Bakit hindi pa sumusunod sa’kin si Paolo? Sumuko na siya at nag-give way sa kalandian ng babaeng yun? Arghhh!

Naka-tayo lang ako sa may gate. Stupid feet! Ayaw gumalaw! Wala naman tayong hinihintay kaya humakbang na kayo!!

Biglang may kumaripas ng lakad sa tabi ko at nilampasan ako. Lakad pa lang niya, kilala ko na kung sino siya. Miss ko na siya..

”Yuu..” I whispered kahit feling ko hinang-hina na ako, but I’m sure narinig pa niya yun. Yet..

He ignored me.

Hindi ko na napigilan, mas lalo pa akng naiyak nun. Feeling ko nga humahagulgol na ako. I feel so helpless. Mas lalo pa yata akong nahilo. Ugh!

May narinig akong tumatakbo pero busy ako sa pag-iyak. Crap! I look like a lost child!

“Tsk. Nakaka-inis ka. Panira sa diskarte.” Inakay niya ako patayo at sabay kaming nag-lakad.

-

**YUYA’S POV**

Tsk. Overtime na naman ang last period teacher namin. Kaya ayoko na itong subject na ‘to ang nahuhuli eh.

Lumabas na ako ng room. Umuna na ako kasi may gimik pa ang barkada, wala naman ako sa mood na sumama. Nagiging KJ na ako. =__=

Pagka-labas ko ng campus, nakita kong lumabas si Yna sa clubroom. Bakit badtrip yata siya?

Hinayaan ko muna siyang makalabas sa gate bago ako lumabas. Hindi pa rin ako handang harapin siya.

Kaso paglabas ko sa gate, nandun pa rin siya.

Naman oh. Umiiwas na nga ako eh. Bahala na!!!

Binilisan ko ang paglalakad at nilampasan ko siya. Gustuhin ko mang tumigil at kausapin siya, hindi pwede.

Mga nakaka-limang hakbang na ako nung narinig kong tinawag niya ang pangalan ko.

”I’m sorry, Yna.” Binulong ko habang naglalakad.

*sobs*

Eh? Wag mong sabihing umiiyak siya?

Maya-maya, may narinid akong humahagulgol sa likod ko.

Siya nga yun, nakaluhod at parang bata na umiiyak.

Hindi ko namalayan na naglalakad na pala ako palapit sa kanya. Mukhang may problema siya. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak ng ganito.

Napangiti na lang ako at lumuhod sa harap niya.

“Tsk. Nakaka-inis ka. Panira sa diskarte.” Inakay ko siya dahil parang nanghihina siya. Patay tayo nito. Sira na diskarte ko.

”G-galit ka b-ba?” Sabi niya habang umiiyak. Hassle. ’Di ko pa naman dala sasakyan ko ngayon. Nagla-lakad tuloy kami.

”Hindi.”

”Eh b-bakit mo.. ako iniiwasan?”

”Hindi ah. Busy lang.”

”G-ganun?” She smiled but I can see pain in her eyes.

“Alam.. mo? Na-miss k-kita..” Tsk. Ayokong marinig.

”Bakit naman?”

”K-kasi.. wala na akong bestfried na gwapo. Yung kakampi ko sa lahat ng oras..” She’s speaking like a child. Paano ko ba siya maiiwasan kung ganito siya? Gusto kong kalimutan na siya, masaya naman siya kay Paolo eh.

”Alam mo *sob* malungkot ako n-ngayon.. Uhh.” Habang tumatagal kami sa paglalakad, naramdama n kong bumibigat yata siya at nahihirapan na ako sa simpleng pagalalay sa kanya.

”Uhh. Yna, okay ka lang ba?”

”S-si Paolo, ayun! May kayakap nang iba.. Yung magandang intrimitida? Ahaha! Ako? Okay? H-haha! Oo namaaaaaaan!” Teka, may natira ba ’tong si Yna?

”Hey Yna, tama na. Malapit na tayo sa inyo.”

”Nooooo! I don’t want to go home yet! I want.. to be happy..” Malungkot ang tono niya.

“Aren’t you happy with.. Paolo?” Lakas ng loob kong magtanong. +__+

”I was happy.. Very happy” Sabi ko nga, talo ako.

“before..” Bulong niya.

“Huh? Bakit? Ano bang nangyari Yna?” Wooo. Nawawala na ang pinaghirapan kong cold perconality. Tsk.

“Nothing.. I just want to… be hap---py..” Bigla siyang nanghina at babagsak na siguro siya sa lupa kung hindi ko siya hawak.

”Yna! Hey! Wake up!!” Hinawakan ko ang mukha niya. Ang init niya!

“Yna? Tsk! Ang taas ng lagnat mo!” Binuhat ko na siya para mas mabilis at mas maayos ko siyang madala sa bahay nila. Buti na lang malapit na kami.

Ano bang nangyari Yna? Sinaktan ka ba niya?

Sana lang hindi. Dahil hindi ko pa nakakalimutan ang pangako ko noon sa sarili ko.

Love Team (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon