Scene 1

4.6K 87 33
                                    

Author's Note:

Salamat po ulit!! Salamat sa lahat ng nag-basa ng mga works ko at ngayon, sisimulan ko na 'to. ^__________^

At!! Salamat nga po pala ulit sa magandang feedbacks niyo sa prologue nitong Love Team. Pag-bubutihin ko para sa inyo. ^O^ Godbless! Comment pa rin kayo tungkol ditto ah? And vote na rin kung gusto niyo.. ^___________^

Sana hindi ko kayo ma-disappoint *cross fingers*

************************************************************************

[ Scene 1 ]

"Hi Prances!!"

"Hi Ate Yna!!"

"Good Morning Yna!!"

"Waaaa!! Ang ganda mo Ate!"

Ganyan palagi ang simula ng araw ko sa school. Natutuwa ako kasi madami akong kaibigan dito, Hindi sa pagmamayabang, kilala ako ng lahat.. ^O^

"Good Morning din sa inyo!"

"Ate! Napanood ko yung practice mo kanina, ang galling mo talaga!" Sabi nung isang third year.

"Oh? Salamat!! Sige magsisimula na klase natin, baka ma-late tayo.. Salamat ulit!"

"Sayang lang wala si Kuya Paolo no?" =___= Paolo. Grr.

"Oo nga eh, parang hindi na kayo nasanay dun? Palagi naman yung late eh.." - Ako

"Ayee.. Kilala niyo na talaga ang isa't-isa.. kinikilig ako! Sige Ate!"

Ugh. Tatlong taon ko nang ginagawa 'to, Hindiiii pa rin ako masanay-sanay.

Tatlong taon na akong nagku-kunwari na gusto ko talaga si Paolo.. Utos yun sa'ming dalawa..

Para mapangalagaan yung image at yung chemistry naming sa stage.

Chemistry. Eew. Pinch me!!

Akala kasi talaga nila inlove kami sa isa't-isa!! Yan ang hirap kapag magaling kang umarte eh!

Di bale, last year na naman 'to.. After this, I'm free. ^O^

Hindi ko rin alam kung bakit inis na inis ako sa siopao na yun. Basta nagising na lang ako isang araw na ginagawa ko nang target sa dart at pinapakalmot sa laga kong pusa yung picture niya.

"Oh? Bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong ni Sandra. Bestfriend ko. ^^

Yung kaisa-isang tao sa school na may alam nang totoong nangyayari sa'min ni Siopao.

Bakit nga pala Siopao? XDD

Kasi, Paolo nga ang pangalan niya. Tapos, ang hilaw-hilaaaaaaaaaw ng balat niya. I mean, hindi normal para sa weather ng Pilipinas. May lahi kasi. Yung buhok pa niya medyo, ay hindi pala medyo! Blonde siya, tapos medyo kulot.

Don't get me wrong, araw-araw ko siyang pinagtitiisan kaya malamang, saulado ko na pagmu-mukha niya.

Well, maputi rin naman ako. Pero ibang level siya!

Okay, so much for that Siopao. =_=

"Ano pa ba sa tingin mo ang dahilan?" Sabi ko kay Sandi.

"Haha! Ano bang ginawa sa'yo ni Paolo para kamuhian mo siya ng ganyan? Eh halos araw-araw mag-kasama naman kayo ah!"

"Ah ewan! Change topic! Basta I hate him! Period! Napaka-antipatiko. Grr."

"Ewan ko sa'yo. Haha!"

- - -

"Aaaaaaaaaaahh!! Si Paolooooooo!!"

"Hi Kuya Paolo!!!" Psh. Speaking of Siopao.

"Uyy, bakit hindi ka umattend ng practice kanina? Mag-isa lang si Yna oh.." Nag-tanong ka pa?

Pumasok na siya at lumapit sa'kin.

"Oh? Sorry Yna.. Na-lungkot ka raw nung wala ako? Na-traffic ako eh. Na-miss din kita Di bale, libre na lang kita ng lunch ^____^"

Ngiting-ngiti pa siya jan... Kumindat pa!! Sarap umbagan oh! Kinikilabutan ako!

Syempre dahil nasa public kami, kunwari magka-sundong magka-sundo kami. Nakaka-pagod na. =_________=

"Talaga? Yay! Excited na ako!!" Na mawala ka sa buhay ko. =__=

Hindi ako salbahe, hindi ko lang talaga siya gusto.

At hinding-hindi ko siya magugustuhan. Itaga niyo pa sa semento.

Love Team (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon