Scene 9

2.8K 46 36
                                    

Author's Note:

Salamat po ulit sa lahat haha!! At!! Sorry kung late night update ito, kasi.. si Kuya eh. >O<

At!! Abangan ang next update. May droolable na character na lalabas. Wolo long.. Trip ko mangi-spoil. XDD

**************************************************************************************************************************

[ Scene 9 ]

**YNA'S POV**

May meeting ngayon ang club. Mukhang maga-assign na ata ng roles si Sir. And I have a strong feeling na makukuha ni Hann yung isa pang main role, hindi pa lang ako sure kung anong role yun. Basta ang alam ko, may kulang pa na isang babae at isang lalaki na lead roles.

Buti nga matagal pa lalabas yung isang lalaki, wala pa kasi kaming mapili para sa role nay un.. Kailangan daw kasi Fourth year din. Eh wala naman masyadong fourth year na lalaki na natanggap..

At anong klaseng cast ba kami? Hindi pa naming alam ang buong plot ng story. Tragedy kaya? ^O^ Para daw may thrill sabi ni Sir, by scenes ang binibigay niyang script. Psh.. Sigurahin lang nilang magigng killer ako sa ending at brutal kong papaslangin ang ka-love team ko.

Malapit na ako sa club room. Himala yata?

Hindi ako sinabayan ni Siopao papunta sa room. Dati palagi siyang naghi-hntay sa may pinto ah ?

Well, care ko ba? Mas mabuti nga 'to eh..

Bubuksan ko na yung pinto..

"Hello people!!! ^_______^" Naka-ngiti kong bati sa lahat ng tao sa loob. Lahat sila, naka-tingin sa'kin.

Maliban sa dalawang taong busing-busy mag-tawanan.

Sina Hanna at Paolo. Ganun? Close agad?

Umupo ako sa unahan. Dati, nasa likod kami ni Paolo at wala siyang gagawin kundi bwisitin ako buong session.

So? Edi ngayon free ako.Tahimik.

"Oy Ate Yna!! Problema mo?? Mag-isa ka yata ngayon? Asan yung Siopao mo?" Sunod-sunod na tanong sa'kin ni Camille.

"Isa-isa lang Camz.. Problema ko? Wala. Mag-isa ako? Obviously, Yes. Asan yung Siopao? Hayun may kaharutan." Err.. Tama ba yung word ko? Kaharutan? Haha!

"Asus.. Eh bakit galit ka 'te??"

"Galit ? Haha !! Hindi ah.. "

"Weh ?? Jelly ka lang eh..."

"Tss. Utak mo ah. Okay lang yun, swan a 'ko sa mukha niya! Haha!" Wala nga si Sandra, pumalit naman 'tong si Camille. Pag-untugin ko sila eh.

"Si Ate nagse-seloooooooooos !! Haha !!"

"Tse ! Manahimik ka nga !!!" Kayamot.

"Eh bakit naka-simangot ka? Ate naman.. Ayaw pang mag-share.. *pout*" Wala! 'Di uubra sa'kin 'yang pout mo!!

"Wala.. Hindi ka ba nagsa-sawa sa ngiti ko? Haha !! Wala talaga promise.."

"Tss.. Sino ba kasi yung katabi ni Kuya ?Parang ang flirt naman. Tingnan mo nga, kung makapag-pacute kay Kuya Paolo !!" Napa-tingin tuloy ako sa kanila. Nagpi-picture sila. Pfft.

"Si Hanna yun. Ano ka ba? M-mabait yun.." Bakit parang naga-alangan ako nung sinabi ko yun? Mabait naman talaga si Hanna ah?

"Paano mo na-siguro? Eh sa auditions mo lang yun nakilala. Malay mo ? Kaya nakikipag-close kasi may gusto siya kay Kuya.."

"H-hindi naman siguro.." Sinabi pa nga niyang bagay kami ni Paolo di ba ?

"Ah basta !! Hindi ako tiwala sa kanya ! Tingnan mo nga ??!! Imbis na ikaw ang kasama ni Kuya, siya ang ina-asikaso niya! Baka mamaya, magulat ka na lang, si Hanna na ang bida sa play! I'm just concerned with you Ate.. Ayokong masaktan ka sa huli.." Ako?? Masasaktan? Bakit naman??

Nag-simula na ang meeting and Hanna, as expected, got the other main role.

Buong meeting, hindi ako kinausap ni Paolo.

Ang nakaka-inis pa, ang lakas-lakas ng tawanan nila. Hindi ako maka-concentrate!

"Oh sige Paolo, text-text na lang mamaya! Byeeeeeeeeee!!" They exchanged smiles before parting ways. Hah!! Gandang view. ~___~

Naka-tingin pa rin siya kay Hanna habang papalayo ito. Tsk. Manyak.

"Excuse me, hindi ginawa ang pintong 'to para harangan mo lang." Tumabi siya kaya dumaan ako.

Tsk. Nakuha lang number ni Hanna na-tulala na.

At si Hanna, Pao lang ang tawag sa kanya? Walang Kuya? Ano yun? M.U. na sila ? Hindi ba nila iniisip na kapag nakita ng ibang students ang 'flirting' nila, makaka-sira yun sa'min ?

Pero yun naman ang gusto ko di ba ??

Kung magiging sila, makakawala na ako..

Magiging malaya na ako at..

Masaya??

Love Team (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon