Chapter 5 TLC (Tender Love and Care) for Mr. Gray-eyed

201 7 2
                                    

---> Napahaba 'ata ang gawa ko.

---> Kung nagagandahan kayo sa chapter na'to pa like na lang, kung hindi, okey lang ^^,)

---> Anyways! Happy Reading!

Chapter 5 TLC (Tender Love and Care) for Mr. Gray-eyed

                  Hay naku tulog na naman. Talaga atang tinablan ng sakit 'tong si Gray.

                   Hindi ko na naman mapigilan ang mapatingin kay Gray na natutulog sa tabi ko.

Kanina habang kumakain kami halatang pinipilit lang nya na kumain. Wala man lang syang binangit

na may sakit sya. Wala namang masama kung sasabihin nya sa pinsan nya na may sakit sya di'ba?

Masyadong malakas ang tingin nya sa sarili nya. Pero kung titignan mo sya habang tulog parang

sobrang amo nya. Parang hindi masungit at parang hindi kayang manakit.

                 "Lara yung phone mo tumutunog." Biglang nabaling ang tingin ko sa nagsalitang si Red.

                 "Ha?" Tanong ko. Masyadoa akong pre-occupied kaya hindi naging malinaw yung sinabi

nya.

                 "Ang sabi ko yung phone mo tumutunog," ulit nya.

                 Doon ko lang napansin na tumutunog nga yung phone ko. Agad kong kinuha iyon at

sinagot.

                 "Hello?"

                 "Hello, Lara? Si Erin 'to? Wala na tayong pasok ngayong lunch may meeting yung buong

faculty ng Business Administration."

                  "Ganun ba? nag-lunch lang ako kasama yung mga kaibigan ko." Sagot ko. Si Erin ay isa

sa mga kaibigan ko. Masasabi ko na sya na ang pinaka bestfriend ko. Classmate ko na sya since

high-school.Sya lang ang nakakaintindi sa ugali ko.

                 " Akala ko nasa library ka doon kita hinanap. Anyways, uuwi na ako. And sya nga pala

may pag-uusapan tayo bukas."

                 "Tungkol saan?"

                  "Basta wag ka na magtanong. See you tomorrow."

                   "Sige," sagot ko. "Bye Erin."

                   "Friend mo?" Tanong ni Eunice na nasa tabi ni Red.

                   "Oo," sagot ko. "Wala na daw kaming pasok dahil may meeting yung prof namin."

                  "Good," sabi ni Red."May favor sana akong hihiingin sa'yo." Tinignan nya ako sa rearview

mirror.At sa ngiti nyang 'yun parang may binabalak sya na hindi maganda.

                  "Ano naman 'yun?" Kinabahan ako bigla. Kaya lumingon na lang ako sa labas. Napansin

ko na sa ibang way dumaan si Red. "Bakit parang hindi ito yung papuntang school?"

                  "Tama," si Eunice ang sumagot sa tanong ko. "Papunta tayo sa bahay ni Gray."

Loving Gray (Happily Ever After)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon