Chapter 4 Unnoticed Feelings

212 6 0
                                    

Chapter 4 Unnoticed Feelings

            NAKITA nya ang kulay abong mga mata ko. At katulad ng ibang babae natulala rin sya. Katulad ng lahat ng babae para rin syang nahipmotismo sa mga mata ko. She’s just any ordinary girl na mukhang ma-i-inlove sa akin. I bet she’s starting to get confuse about what she feels for me. I should have been more careful.

            Ewan ko ba. Parang may kung anong magnet ang mga mata ko. Tuwing may nakakakita nito parang natutulala and before I know it, may mga babaeng nagtatapat na ng pag-ibig sa akin. Thanks to my father. Ang sabi kasi ni mama nakuha ko daw ang mga matang ito kay papa. Kahit papaano may naipamana din naman pala sya sa akin. Isang sumpa. Ayaw kong maging katulad nya. I really despised him for leaving us. Galit ako sa kanya dahil niloko nya si mama. Iniwan.

            “Insan, sunduin mo kaya si Lara dun sa gazeebo. Mukhang matatagalan pa itong ginagawa ko.”

Napukaw ako sa pag-iisip ng tawagin ako ni Red. Pinsan ko sya sa ama. His father was far from my father. Uncle Rafael was a family oriented man, my father wasn’t. Nakakaingit si Red to have uncle Raf.

            “Bakit ako? Si Drake na lang ang utusan mo,” sabi ko. Ayaw kong makita si Lara. Baka magtapat na sya ng pag-ibig sa akin. Sya pa naman ang tipo ng babae na mukhang naniniwala sa konsepto ng happy ever after. Isang bagay na kinaiinisan ko sa mga babae. Isa pa masama talaga ang pakiramdam ko. Mukhang napansin din ‘yun ni Lara ng hawakan nya ako kanina para gisingin.

            “I’m sorry, bro. Hindi mo ba nakikita na we are busy locating for the leader of that damn gangster na kumuha kay Eunice?” Sagot ni Drake na busy sa harap ng laptop nya katulad ni Red, Apollo at Ford.

            “Ikaw na lang ang sumundo Gray tutal wala ka namang ginagawa. Malapit na naminng mahuli ang loko na ‘yun,” si Apollo.

            “And besides mukhang may madadagdag na naman sa mga ma-i-inlove sa’yo. Red told us na Lara saw your eyes. You should’ve been careful. Lara knows your secret now,” si Ford naman.

            “Wala syang maasahan sa akin.” Sagot ko sa kaingayan nilang tatlo. Wala na akong kasalanan kung ma-i-inlove man sa akin ang Lara na iyon. Kung hindi sya nakialam sa amin, e, di sana wala sya sa gulong ito.

            “C’mon insan don’t be too harsh with her. Mabait naman si Lara. Mukha din naman na hindi ka nya gusto dahil sa kasungitan na pinapakita mo. I just don’t know kung nagbago na iyon dahil sa na-discover nyang lihim mo.”

            “Shut up! Red.” Tumayo na ako at iniwan na sila. Wala na akong magagawa kung hindi sunduin si Lara. Kahit pakiramdam ko ay umiikot ang paligid ko.

            Ang totoo nagduda talaga ako kay Lara nung umpisa. Baka espiya sya o kaya naman ay isa sya sa mga babaeng gustong mapalapit sa grupo namin. Alam nyo na. Ang magkaroon ng kaibigan na kasing yaman ng mga kaibigan ko ay isa ng magandang investment. We were college. After this we would be working. And to establish a connection to a business heir was a good investment. Idagdag mo pa kung maakit nila ang mga kaibigan at pinsan ko. Daig pa nila ang naka-jackpot sa lotto. But then I was wrong. Mukhang wala ngang alam si Lara sa estado ng buhay ng pinsan at  mga kaibigan ko. As what I expected to a hopeless girl like her. Masyado syang romantic. Nawawala na sa realidad.

            Naglakad na ako. And while walking, hindi ko na mabilang kung ilang babae ang lumilingon sa akin. Wala man lang kahit isa sa kanila ang nagtangkang lumapit. Tama lang ‘yun. Alam nila kasi na masusungitan ko lang sila. I hate girls na masyadong easy to get. Ayaw ko sa masyadong liberated at walang kiyeme na magsabi na gusto ka nila. Bakit kasi may mga babaeng hindi makapaghintay na ang lalaki ang gumawa ng first move?

Loving Gray (Happily Ever After)Where stories live. Discover now