Chapter 3 His eyes

213 5 1
                                    

Chapter 3 His eyes

“REMEMBER walang dapat makaalam ng nangyari or you’re dead.”

            Parang naririnig ko pa ang boses ni Gray na sinasabi ang linya na ‘yun. One week na since nangyari ang insidente sa likod ng engineering building. One week na since ng makilala ko ang magkakaibigang Gray, Red, Apollo, Drake at Ford. Syempre kasama na doon ang prinsesa na si Eunice. One week na since mabago ang takbo ng buhay ko.

            Katulad ngaayon. Imbes na sumakay ng jeep papuntang school ay inaabangan ko ang pag sundo sa akin ng magkakaibigan.

            “Bawal ka ng humiwalay sa amin, understand? You’ll have to stick with us hangga't hindi pa namin naayos ang gulong ito. For sure babalik pa yung mga ungas na iyon at kasama ka sa babalikan nila.”

            Alam kong totoo ang mga sinabi na iyon sa akin ni Gray. Kaya labag man ang paglayo ko sa solo flight kong drama sa school, wala na akong magagawa. Ayaw kong madisgrasya at ayaw kong madamay ang pamilya ko sa gulo. Galing na rin kasi mismo sakanila na hindi naman daw mahilig mangdamay ng kapamilya ang mga gangster na ‘yun. Isang patakaran daw iyon ng pinuno ng mga pangit na gangster. Pero may mga pasaway pa rin na members ng group na walang sinasanto. Ayon nangako yung apat ng aayusin nila ang problema para hindi na ako madamay. OO. Apat. Mukhang labas kasi sa ilong yung promise ni Gray, e.

            Nuknukan ng sungit, laging masama ang tingin nya sa akin.

Para namang gusto kong mapasali sa gulo nila.

Hindi sya kasing yaman ng apat na iba pa. Pinsan nya si Red. Nag-iisang anak. Single mother yung mama nya. Yun lang yung sinabi sa akin ni Red. Kaya ‘yun lang yung alam ko sa kanya. Bukod sa hindi ko sya madalas nakaka-usap. Madalas tahimik lang sya. Walang kibo. Walang reaksyon. Masungit.

Nahinto ako sa pagmumuni-muni ng makarinig ako ng busina ng sasakyan. Padaan ang sasakyan ni Drake. Sumunod si Apollo. Sunod si Ford. At huli yung sasakyan ni Red na huminto sa mismong harap ko. Red was driving a Mercedes-Benz E63 AMG, Ferrari California ang kay Drake, Mansory Porsche 911 Carrera ang kay Apollo at Wheelsandmore Ford GT naman ang kay Ford. Ayoko ko ng alamin pa ang presyo, baka himatayin lang ako.

            Bumaba si Red at ipinag bukas ako ng pinto ng sasakyan. Napaka-gentleman talaga nito. Nagulat ako dahil na sa  backseat din pala si Gray. Madalas kasi na nasa katabing upuan sya ni Red.

            “Good morning, Lara.” Binati ako ni Eunice na nasa harapan pala kaya na require si Gray sa tabi ko.

            “Good morning,” simpleng bati ko.

            Nilingon  ko si Gray. Nakasandal at mukhang natutulog.

            Mabuti naman.

            Nagkwentuhan lang kami sa buong duration ng byahe. Habang si Gray naman ay natutulog lang. Hindi ako sanay na may katabing masungit kaya maya’t-maya  ay natititigan ko si Gray. Parang may iba kasi sa kanya.

             Hanggang sa naka-park na kami ay hindi pa rin kumikilos si Gray sa pagkakahiga kaya mas lalo akong nanibago.

            “Lara, paki-gising naman si Gray,” paki-usap ni Red ng mapansin din na tulog pa din si Gray.

            “O- o sige.” Sagot ko. Bahagya kong tinapik sa braso si Gray pero parang wala syang tinag.

            “Gray..” mahina kong tawag sa kanya. Hinawakan ko ang mga kamy nya. At para akong napaso sa init nya.

            Nilalagnat sya.

            Naramdaman iyon ni Gray kaya dumilat na sya. Direstso syang nakatingin sa akin. Nagulat naman ako ng matitigan sya. Bumilis ang tibok ng puso ko.

            Kulay abo yung mga mata nya.

            Sigurado ako na kulay itim ang mga matang iyon. Pero parang na-mesmerize ako sa mga mata nya. Parang nangungusap ang mga iyon.

            “Lara..” mahina nyang binangit ang pangalan ko.

            “May problema ba Gray?” Sumilip si Red sa amin. Nakalabas na kasi sila ng sasakyan ni Eunice. Kami na lang ang naiwan ni Gray. Nagtatakang tinitigan din ni Red si Gray.

            “What?” Tanong ni Gray dahil naiirita na sya sa pagtitig ni Red.

            “You forgot to wear your contact lens. Kaya siguro naninibago si Lara sa mga mata mo.” Sagot ni Red.

            Ilang segundo muna akong tinignan ni Gary bago sya lumabas ng sasakyan.

            Ako naman parang lutang na lumabas na din ng sasakyan. Yung titig na ibinigay nya. Parang tinutunaw ako.

            Nag paalam na sila sa akin dahil sa kabilang building ako. Nagbilin sila na isasabay daw nila akong mag-lunch. Hindi ko mapigilan na ‘wag habulin ng tingin si Gray. Ewan ko ba kung bakit. Siguro dahil doon ko lang nakita ang mga mata nya na puno ng emosyon. At dahil siguro hindi pa ako nakaramdam ng ganito kabilis na pag-tibok ng puso.

            Nasa classroom na ako pero si Gray pa din ang laman ng isipan ko.

            Tumigil ka na Lara. Ano naman kung Gray ang mata nya? Baka kaya nga Gary yung pangalan nya kasi Gray yung mga mata nya.

            Pero bakit kailangan nya pang mag-suot ng contact lens para itago ang mga mata nya?

            Umabot na ang lunch-break pero sya pa din ang iniisip ko.

Loving Gray (Happily Ever After)Where stories live. Discover now