Chapter 2 Fateful Encounter (part1)

264 8 0
                                    

 Chapter 2 Fateful Encounter (part1)

            Kapag masyado silang madami sisigaw ako ng sobrang lakas para makakuha ng atensyon. Sabay sibat. Tama-tama. Good idea…

            Sobrang obvious siguro ng kinakabahan at nate-tense ako habang naglalakad.

            Hindi ako dapat magpahalata. Baka mamaya kasabay ko na pala yung kasamahan ng gangster na ‘yun. Bumuntong hiniinga ako ng sobrang lalim.

            “Lalim nun classmate,a.” Sabi ng boses sa likuran ko.

            Lumingon ako sa likod at nagulat ako ng makita na yung mga kasabay ko sa elevator ang nasa likuran ko. Apat sa kanila ang nakangiti at yung isa na nasa likuran ay walang reaksyon. Mas pinili ko na lang na ‘wag mag-salita. May mas malaki akong problema. Kahit cute sila wala akong balak mamansin.

            At ng nasa entrance na ako ng engineering building lumiko muna ako para pumasok sa restroom. Pina-una ko na yung mga cute boys. Kailangan kong makapunta sa likuran ng walang makakahalata.

            Kaya mo ‘yan Lara. Basta sibat lang kapag alam mong nabulabog mo na sila.

            Inipit ko ang mahaba kong buhok  at pagkatapos ay  lumabas na ako.

            Kaya mo ‘to Lara. Kayang-kaya mo sila…

            Naglakad lang ako na parang normal lang. Pero sa totoo lang kinakabahan talaga ako. Sobra. Hindi ako sanay mang- away at awayin. Ngayon lang ako makakakita ng totoong away at para na talaga akong titiklop sa sobrang takot. Kung hindi lang ako mabuting mamamayan ng Pilipinas at relihiyosa, never, as in never akong papasok sa ganitong gulo.Romantic ako at hindi war freak. Ayoko rin sa lalaking gangster. In short, ayaw ko sa sitwasyon na ‘to. Bakit ba kasi may gangster na nang ho-hostage ng babae? Dapat kasi, sila-sila na lang ng kaaway nila ang mag-rumble. At bakit naman kasi may mga babaeng pumapatol sa mga basagulerong lalaki? Hindi ba nila alam na delikado din sila. At bakit ba kasi ako nasa sitwasyon na ‘to, e? ordinaryong  tao lang naman ako.

            Lord, kayo na pong bahala. ‘Wag nyo po akong pababayaan. Promise po lagi na po akong magdadasal at magsisimba.

            Ilang metro na lang nasa likuran na ako. Buti na lang at wala gaanong tao dito. Luminga pa ako ng ilang ulit para maka-sigurado na walang nakakakita sa akin. Tuluyan na nga akong nakarating sa likod na bahagi ng engineering building. Maingat akong nagtago sa mga armchair na patong-patong na nakakalat lang sa daan. Sinarado na kasi ang likod ng engineering building at ginawa na lang tambakan ng mga sirang armchair at lamesa.

            Ginaya ko ang mga karakter na nababasa ko sa mga nobela. Feeling spy. Arteng Spy. Kahit mukhang palpak naman.

            Mas malayo . Mas kinakabahan ako. Nasan na ba kasi yung mga gangster? Bakit ang tahimik? Bakit parang walang tao? Alam na kaya nila na nandito ako?

Baka naman mali ako ng rinig. O baka naman tapos na.

            Nasan na sila?

            Asan na yung guy na magliligtas sa princess nya? Natakot na ba sya?

            Ilang lakad at tago pa ako. ‘Di ko na mabilang kung ilang metro. Lilipat na sana ako sa kabilang gilid ng may marinig ako.

            “Akala ko hindi ka na makakarating.” Sabin g isang boses. Sigurado ako sya na yung gangster.

            “Nasan na sya?”  Sagot ng isa pang boses.

Sigurado ako ulit sya na yung prinsipe ng kung sino man na prinsesang nakidnap na ‘yun.

Sinubukan  kong sumilip. Nakatalikod yung prinsipe. Nakaharap sa akin yung gangster na mataba at pangit. Mukha talagang basagulero.

So, hindi din naman nagkakamali yung mga nobela na binabasa ko. Pangit talaga ang mga kontra bida.

Mukhang hindi naman nila ako napapansin kaya mas lumapit pa ako sa kanila.

“’Wag kang atat. Sige Ilabas nyo na yung babae.” Sigaw nung bakulaw na gangster.

Doon na nga lumabas ang dalawa pang kasing pangit ng bakulaw na gangster. Hila nila sa tig-isang kamay yung babae. At maganda sya.

Kaya naman kini-kidnap, e. Pretty kasi.

“Sinaktan ka nila?” Tanong nung prinsipe.

“Bakit kailangan mo pang pumunta? Kaya ko na sila.” Sagot nung babae.

Grabe amazona ‘ata yun, e. Walang takot. Samantalang ako sobra pa din na kinakabahan. Naisip ko tuloy kung tama ba na nandito ako para makatulong.

            Sumibat na kaya ako? Kaya na daw nya, e.

“Sinusundo lang kita. Kailangan na kasi nating umuwi.” Sagot nung prinsipe.

Nakakapag-usap sila ng ganun ka-casual? Aba naman. Ako lang ‘ata sa sitwasyon na ‘to ang kinakabahan.

“Ok,” sabi ng babae sabay ikot para makawala sa pagkakahawak nung dalawang bakulaw.

Nakakagulat ang mga sumunod na pangyayari. Parang action stunt lang yung mga nakikita ko ngayon. Mabilis na nasipa nung babae yung dalawang pangit na gangster at nakasugod na din yung prinsipe sa leader na bakulaw. Dahil na din siguro sa gulat kaya hindi na nakapalag yung tatlo. Tumba sila in just a matter of ten seconds.

Mukhang hindi na talaga ako kailangan sa eksena.

Lumapit na yung babae dun sa lalaki at mabagal na naglakad sila sa direksyon ko.

Teka, sya yung isa sa mga kasabay ko sa elevator…

Tama! Sya nga! Sya yung isa sa mga nakangiti sa akin kanina.  Hindi ako pwedeng magka-mali.

Loving Gray (Happily Ever After)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon