CHAPTER 11 THE KISS PART 2

127 6 7
                                    

CHAPTER 11 THE KISS PART 2

“Cut” malakas na sigaw ni Cloud ng halikan na ako ni Alon sa pisngi habang nakapaikot naman sa leeg nya ang mga braso ko.

                Nakangiting tinignan ko si Alon. “Ang natin walang take two.”

                “Yeah,” nakangiti niyang sabi. Dahan-dahan na din siyang bumitaw sa pagkakahawak sa bewang ko. “Ang galing ko pa lang umarte.”

                “Goshie, bez, bet na bet ko ang scene na 'yun,” singit ni Erin na nasa likuran na pala namin.

                “Tama! Bagay na bagay kayo,” sabi din ni Lyrica na kasunod ni Erin.

                “Thank you,” pagpapasalamat ko. Hinanap ng mga mata ko si Gray at nakita kong papalapit siya sa amin.

                “Last scene for this day ay iyong scene mo Lara and Gray. Iyong tatawagin mo siya sa pangalang Alon sa pag gising niya,” sabi ni Cloud na busy sa pagkalikot ng video cam niya. Katulong naman niya si Drake na tumutulong sa kanya sa pagkuha naman sa ibang angle.

                “Claud, naka set-up na iyong hihigaan ni Gray,” pagbabalita dito ni Red.

                “Good. Okay lang ba Lara na diretso na tayo sa next scene?” Tanong ni Cloud sa akin. Sakto naman nakalapit na si Gray na diretsong nakatingin sa akin.

                “O-okey lang, kabisado ko naman iyong lines ko,e,” sagot ko.

                Mabilis na nagpunta kami kung saan maraming nakalatag na dahon ng coconut tree. Doon mahihiga si Gray na ayon na din sa script ay iniligatas ko mula sa paglubog ng isang barko. Iyong naunang scene namin ni Alon ay part ng memory ko na maalala ko ng makita ko si Gray, doon ko na mapagkakamalan si Gray bilang si Alon.

                “Lara I need you to put all the emotion, okay? Kailangan maipakita mo dito na sobrang inlove ka kay Gray. Touch his face and when he open his eyes call him Alon, Okay?” pagtuturo ni Cloud sa akin. “Sige mag practice muna kayo ni Gray para isang take lang tayo. Hanap lang kami ni Drake ng magandang pwesto.

                Nakita ko na nahiga na si Gray kaya napilitan akong sumunod sa kanya at maupo sa may gilid niya.

                “Kailangan pa ba nating mag-practice?” Tanong ko. Hindi ko siya magawang tignan sa mga mata. Napaka lakas na din ng tibok ng puso ko. “I assume—”

                “Galit ka pa rin sa akin, Lara?” pagpputol niya sa mga sasabihin ko.

                Doon na ako napatingin sa kanya. “May karapatan naman siguro akong magalit,  Gray. You kissed me and insulted me after. So, what do you expect? Na matutuwa ako?” Puno ng pang-uuyam na sabi ko.

                “Sorry,” sabi niya na ikinagulat ko. I wasn't expecting na mag-so-sorry siya sa akin. “I know I’d been too harsh on you. But I already warned you, didn’t I? 'Wag kang umasa sa akin, Lara. Masasaktan ka lang.”

                Trust this guy to be so arrogant.

                “After what you have done? Don’t you think that was enough para lumayo ako sa'yo? Hindi naman ako tanga, Gray.”

                “I know you still like me.”

                “I don’t.”

                “Liar.”

                “Hindi na kita gusto, Gray.”

                “Really?” Mabilis na inilapit ni Gray ang mukha niya sa akin. “You still like me, Lara. Your eyes won’t lie.”

                And I’m drowning to his eyes again. Bakit ba iba ang pinapakita ng mga mata niya sa sinasabi niya? Katulad na lang ngayon his yes makes me feel like, somehow, I am important to him.

                Mabilis na iniwas ko ang mukha ko sa kanya. Hindi niya pwedeng mabasa ang iniisiip ko. I have to prove to him na madali lang siyang kalimutan.

                “Umaarte lang ako, Gray.” Sabi ko. “Bakit nadadala ka na ba sa pag-arte ko?”

                “Then, why you are keeps on avoiding me?” Mapanghamon na tanong niya. “ Aminin mo na. I can still affect you, Lara.”

                “Hindi kita iniiwasan, Gray. Wala lang akong dahilan para lapitan ka. And who do you think you are? Remember this, Gray, I would never go after you.” Matapang kong sagot. Pagkatapos ay bumaling na ako kay Cloud. “Okay na kami, Cloud, ready na kami.”

#################################################################

“I would never go after you,” sabi ni Lara bago mabilis na binalingan si Cloud.

                Hindi na ba talaga niya ako gusto? Ayaw na niya agad? Pero bakit may pakiramdam ako na nagsisinungaling siya? Iba ang sinasabi ng mga mata niya.  Kahit na ano ang gawin niya I know na she still likes me. And I think ginagamit niya lang si Alon para pagselosin ako. “I know you are trying to make me jelous.” Sabi ko sa kanya. I need to know the answer.

                “Sino kaba, Gray? I would never stoop that low,” mataray na sabi niya habang hindi pa rin tumitingin sa akin.

                “Hindi ka talaga aamin?”

                “Wala akong aaminin,” tumingin siya sa akin. “ Mali ako na nagustuhan kita And na realized ko na 'yan. Mabuti na lang pala at maaga akong sumuko.”

                May kung anong sumuntok sa dibdib ko ng marinig ko ang mga sinabi niya. Bakit kaya nasasaktan ako sa mga sinasabi at ginagawa ngayon ni Lara?

                “Ready na guys,” sabi ni Cloud na sumenyas na sa amin.

                Mabilis na nahiga ako at pumikit. Hindi pwedeng matapos ang pag-uusap naming ni Lara ng ganoon na lang.

                At narinig ko na nagsalita si Cloud para  sabihin na nagro-roll na ang video. Naramdaman ko na hinawakan na ni Lara ang mukha ko. May ilang segundo pa bago ko idinilat ang mga mata ko.

                And when I open my eyes I see love on Lara's eyes. Umaarte lang kaya siya o hindi?

                “Cut!” Sigaw ni Cloud.

                Mabilis na tumayo si Lara at nagpaalam. “Magpapalit na ako,” Iyon lang at naglakad na siya papunta sa kubo.

                Tumayo na rin ako para sundan siya. Para siyang may malalim na iniisip kaya hindi niya marahil naramdaman ang pagsunod ko. Nasa loob na siya ng makita niya sa salamin na nasa likuran niya ako.

                “Bakit mo ako sinundan?”           

                “Para gawin 'to,” iyon lang at mabilis ko siyang nahapit sa bewang para mapalapit sa akin. Pinakatitigan ko muna siya… bago ko siya hinalikan..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 20, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving Gray (Happily Ever After)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon