Chapter 2 Fateful Encounter (part2)

264 8 2
                                    

Chapter 2 Fateful Encounter (part2)

             Dapat ba akong magtago? Palapit na sila sa pwesto ko. Hindi pwedeng makita nila ako.

            Tatalikod na sana ako ng Makita kong may lumabas na limang lalaki mula sa kung saan at susugurin nito yung babae at lalaki. Dahil nakatalikod walang kaalam alam yung dalawa na palapit na sa kanila yung limang lalaki. Hindi na din ako nakapag isip pa kaya lumabas ako sa pinagtataguan ko at sumigaw.

“Sa likod nyo!!!!” Makabasag eardrums na sigaw ko. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes nung dalawa kaya nakailag sila sa mga susugod na gangster.

Pero hindi ata mauubos ang kaaway nila dahil may ilang lalaki pa na lumabas sa kung saan. Hindi ko na sila mabilang.

Congrats, Lara, your officially part of this disaster.

Tatakbo na sana ako. Pero paglingon ko sa likod ko ay may mga lalaki na lumabas.

My God! Ang dami nila.

Wala akong choice kaya humawak na lang ako ng isang sirang kahoy galing sa armchair. Bahala na sa kung ano man ang mangyayari sa akin, nandito na rin lang hindi ako papaya na madehado. Lalaban ako!

Pero ng may makita na akong palapit sa akin ay tumiklop ang tuhod ko. Nabitawan ko ang kahoy at ang nagawa ko na lang ay umupo at yumuko sa takot. Hinintay ko ang ano mang bagay na marahas na tatama sa akin pero ilang Segundo na ang nakalipas pero wala pa din akong nararamdamang masakit. Namanhid na ba ang katawan ko?

Ng tumingala ako nakita ko ang isang lalaking nakatalikod sa akin at nakikipag pambuno sa mga lalaking palapit sa pwesto ko. And take note he’s using his bare hands.

Prince Charming, ikaw na ba ‘yan?

Parang nag slow mo ang lahat. Bawat palapit na goons ay napapatumba nya agad. Para syang super hero sa lakas. Wala man lang nakatama sa mga lalaking sumusugod sa kanya.  Ideally, he is like those heroes I used to read in paperback novels.

Marahas na nilingon nya ako. And my… I saw fierce in his eyes.  And to my surprise, sya yung lalaki na nakasabay ko sa elevator. At nandun din ang tatlo pang lalaki na nakasabay ko din. Mga nakikipagbakbakan na din sa mga goons.

Binalik nya ang lingon sa mga kaaway na palapit na naman. I hear him cursed.

Bakit parang galit sya sa akin?

Nilinga  ko ang buong paligid at unti-unti ng bumabagsak ang mga kaaway. Parang shooting sa isang action movie. At ako ay isang hamak na extra lang. Nang matapos ang lalaking nasa harap ko ay hinila nya ako palayo sa mga kasamahan nya at sa gulo. Basta nag padala na lang ako sa kung saang direksyon nya ako hilahin. Nakarating kami sa parking area at ipinasok nya ako sa backseat ng isang magarang sasakyan.

“Mister, yung mga kasama mo kailangan nila ng tulong,” naapuhap kong sabihin.

“Shut up!!!” Sigaw nya na nagpahinto sa akin.

Bakit sya galit?

“Do you even know where you putting yourself into?” tanong nya. Puno ng galit ang mukha nya. “How can you even think na kaya mo yung mga lalaki na iyon? At paano ka nakarating sa likod ng engineering building?”

“Sandali nga,” sabat ko. Masyado naman ata itong lalaki na ito. “Ang gusto ko lang naman ay tulungan yung babae na hawak nung pangit na gangster na iyon. At bilang mabuting mamamayan ay hindi kinaya ng konsensya ko na may mapahamak. Malay ko bang kaya naman pala nya ang sarili nya.” Nagsusungit na rin lang ang lalaki na ito. Hindi ako papayag na masungitan nya. Sayang, akala ko pa naman pang Prince Charming ang dating nya.

“Look mister. Do you think gugustuhin ng isang katulad ko ang maipit sa ganung away? Hell, no!!! Simple lang ako. Ayaw ko ng gulo.”

“Pero nagpunta ka pa din para makiaalam—”

“Hindi ako nakikialam gusto kong tumulong.”

Naiiritang inilingan lang ako ng lalaking ito. “So you want to help. Nakatulong ka ba?” Sarcastic nyang sabi.

“Malay ko bang madami sila at malalakas sila,”pagtatangol ko sa sarili ko.

Magsasalita pa sana sya ng may pumasok na driver seat ng sasakyan. Iyong lalaking nakasalamin.

“Hi Miss,” nakangiti nyang bati sa akin.

“Hi…”magalang kong bati.

Nalilito na ako. Hindi ko na alam kung ano na itong napasukan ko. Maya-maya pa ay may pumasok na naman at tumabi sa lalaking nasa harapan ng sasakyan.

“Gray, pare, bakit tinakasan mo kami,”bungad agad ng lalaki. Hidi siguro ako napansin. Ng lumingon sya sa likod ay nakita nya ako. “So binitbit mo pala sya,” tumatangong sabi nito. “Hi Miss.”

Tumango na lang ako.

“I’m Red,” sabi nung lalaking nakasalamin. “The man sitting besides me was Drake. And that rude guy na nagbitbit sa’yo dito ay si Gray.”

“Ako si… Si Lara.”

“So Miss Lara,” masungit na binalingan ako ni Gray. “Tutal kasali ka na rin lang sa gulo. You better tell me how did you know na papunta kami sa likod ng engineering building. And what comes to your mind to act like a super hero?”

---> did you like it?

---> leave your comment

----> 'til next update :)

Loving Gray (Happily Ever After)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon