Chapter 18 Mrs. Pakipot

2K 49 10
                                    

Chapter 18

Nagising ako sa pakiramdam na may nakamasid sa akin. Nang magmulat ako nang mata, nakangiting mukha nang mag-ama ang nasa kabilang gilid nang kama.

"Good morning Mommy"! masayang bati ni Xiana.

"Good morning Baby"!sabi ko pero kay Xian ako nakatingin. Sana lang na-gets nya na para sa kanilang dalawa ang bati ko.

"Batit ang tagal mo gising"? tanong pa ni Xiana.

"Ha"? bigla tuloy akong napatingin sa orasan na nakasabit.

"Oh my! 9 am na pala"! bigla para akong napahiya, baka isipin pa ni Xian gising prinsesa ako.

"Magluluto pa ako"! natataranta kong sabi habang pababa ng kama.

"Don't bother! nakaluto na ako"! nangingiting sabi naman ni Xian.

"Bakit kasi hindi nyo ko ginising"? bigla naghanap ako nang masisisi.

"It's okey, ikaw na lang ang maghugas nang plato" nang-iinis pa ding sabi ni Xian.

"Alam na alam mo na hate ko yun"!

"Wala kang choice, division of labor tayo remember"? bigla para kaming bumalik sa dati. Kapag ako ang nagluto, siya yung maghuhugas ng pinagkainan namin. Kaya madalas nakikipag-unahan ako sa kanya sa pagluluto. Hate na hate ko kasi talaga ang maghugas. Madalas kasi nakakabasag ako nang plato o di kaya naman ng baso.

"Gutom na ako"! narinig naming reklamo ni Xiana. Nagkatawanan na lang tuloy kami.

Bigla parang gusto kong magsisi kung bakit ngayon ko lang inilaban ang pag-ibig ko. Tama nga sila, kahit sampung ako pa, hindi kayang pantayan ang presence ni Xian para kay Xiana. Iba ang saya na nakikita ko ngayon sa anak.

"Tara na at gutom na rin ako"! hindi ko napansin na bumalik pala sila para sunduin ako. Magkahawak kamay pa kami nang lumabas ng kuwarto. Hindi na din ako tumutol dahil gustong-gusto ko naman yung ginawa nya. Wala din namang sense kung tututol pa ako. I'm going to marry him soon, kaya siguro dapat masanay na ako.

"Okey Baby, kakain na tayo"! at binuhat na ni Xian ang anak.

Si Xian na din ang nagsubo sa pagkain ni Xiana

Simula nang magkakilala silang mag-ama, he always made sure na okey palagi si Xiana.

Palagi siyang may time sa anak

No wonder Papa's Girl na si Xiana.

"Last na baby please"! sabi pa ni Xian sa anak ng ayaw nang kumain nito.

"Ayaw na"! sa huli sumuko na din si Xian.

"I have a game later, gusto nyong manood"? casual lang na sabi ni Xian habang sinusubuan ang anak.

"Hindi mo pa ba kami ihahatid nang Laguna"?

"Okey lang ba na dito muna kayo"? tila naglalambing na sabi pa ni Xian.

"Pero baka istorbo na kami sa'yo"?

"Please?Gusto ko muna kayong masolo!"

"Okey"! pagpayag ko na din.

Naka- file na din naman ang leave ko sa trabaho kaya okey lang, hindi ko sinabi sa mga co- teachers ko ang dahilan kung bakit ako nag-leave. Alam ko naman kasing nabasa na nila sa tabloid, naghihintay na lang sila na mag-confirm ako.

"Masaya ako na andito kayo"! at hinawakan pa niya ako sa kamay at bahagyang pinisil iyon.

"Dada" tawag pa ni Xiana sa ama. Kaya binitawan niya agad ang kamay ko.

Foolish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon