Chapter 13 Mommy

2.2K 43 13
                                    

chapter 13

" Congratulation Mrs. you're three months pregnant"! naka-smile na sabi ni Dra. Silo. Kaya pala ako nahihilo lately dahil buntis ako. Akala ko dahil low blood lang ako kaya I decided to see a doctor. Irregular cycle kasi ang menstruation ko kaya hindi ko naisip ang possibility na buntis ako.

Walang pagsidlan sa tuwa ang puso ko but at the same time may hatid na pangamba.

Paano ko sasabihin kay Xian na buntis ako?

Ano ang akibat na dulot ngayong dinadala ko ang anak niya.

Matatanggap kaya niya?

"I suggest na kumunsulta ka sa ob-gyne mas maaalagaan ka nya" dagdag pang sabi ng Dra. bago ako lumabas nang clinic niya.

Knowing na may buhay na sa sinapupunan ko bigla parang gusto kong umiyak. Naisip ko, whatever happen between sa amin ni Xian, hindi ko ipagkakait sa kanya ang malaman kung sino ang kanyang ama. Ipapaliwanag ko sa kanya na hindi siya bunga nang isang pagkakamali.

"Nagmahal lang si Mommy Baby"! mahinang sabi ko sa sarili. Late na and I need to be home by 7 pm, baka hinihintay na ako ni Xian. Usually kasi sinusundo niya ako sa OJT ko pero hindi ako nagpasundo ngayon.

Ayaw ko kasing malaman niya na magpapa doctor ako.

I'm too emotional na pati yung pamaskong kanta sa radyo naiiyak ako. Hindi naman nakaka-iyak kung tutuusin.

Ang bilis nang takbo nang panahon.

Walong buwan na pala kaming magkasama sa iisang bahay. Sa mga buwan na nagdaan, madaming magandang bagay na nangyari sa aming dalawa.

And we'll be a proud parents soon.

Mas lalo akong hindi nagsisisi sa naging desisyon ko na makisama sa kanya.

Maaring mawala si Xian sa akin, but not my baby.

"You're the most wonderful Chrismas Gift I ever recieved Baby, kaya kapit lang nang mahigpit ha"! parang tangang kausap ko sa pipis ko pang tiyan.

Nang bigla akong napa-isip

Paano kung bumalik na ang tunay na may-ari kay Xian?

Paano kung bawiin na niya sa akin si Xian?

" Oh Lord please huwag po muna" piping dasal nang puso ko. Not now na buntis ako. Huwag naman sanang ipagkait sa anak ko ang masilayan siya nang kanyang ama sa kanyang paglabas.

Naabutan kong madilim ang condo nang dumating ako. Walang bakas na dumating na si Xian. First time nangyari na hindi siya nagsabi na gagabihin siya. Sinubukan kong idial ang number nya pero walang sumasagot.

What he's up to these past few days?

Lately kasi madalas na pagod na pagod siya. Maaga siyang umaalis nang bahay para sa practice pero nakapagtatakang may pinupuntahan pa siya bago niya ako sunduin. Kapag tinatanong ko naman siya palaging binabago niya ang usapan.

Hindi kaya bumalik na siya? Hindi niya lang masabi dahil baka masaktan ako?

Isipin ko pa lang ang mga possibilities na yun nasasaktan na ako, much more pa kaya kapag kailangan ko na siyang iwan.

Pero kagaya nang madalas kong sabihin sa sarili ko, kakayanin ko!

This time hindi na para sa sarili ko kundi sa magiging anak namin.

Naka-ilang dial pa ako sa number niya until I decided na tumawag na sa Tarlac. Pero ang sabi ni Lola Martha ilang araw na din siyang hindi napupunta doon.

Foolish HeartWhere stories live. Discover now